Patricia's
"Ano ba?!" singhal ko kay Hwang dahil ayaw niya akong bitiwan kanina pa.
Nakalabas na kami sa Restaurant at hinila niya ako papunta sa parking lot.
"Ano? May sagot ka na ba sa offer ko?" tanong niya. Really? In this kind of situation?
Naiiyak na naman ako.
"Pwede ba? Huwag ka nang dumagdag sa pinoproblema ko?! Hirap na hirap na ako." napaupo na lang ako at tsaka humikbi nang humikbi. Umupo naman siya sapat na para maging kalevel niya ako.
"Ano naman sa'yo kung buntis nga ako?! Kaya kong buhayin mag-isa 'to. Di mo ako kailangang panagutan!" I said tapos napansin kong nakatingin siya that's why I looked away.
He held my chin and directed my face to look at him.
"Di ko nga kailangan pero gusto ko. Paano mo bubuhayin mag-isa yan kung wala ka nang titirhan hmm? Magtatrabaho ka? E buntis ka nga. Baka mapaano pa si Baby pag nagkataon. At kahit ayaw mo, anak ko rin yan. Dahil din sa akin kaya nabuo yan kaya hayaan mo akong panagutan ka."
His words are like scolding me but the tone of his voice soothes my ears. Malambing ang boses niya kahit na pinagsasabihan niya ako. Dagdag mo pa ang gwapo at maamo niyang mukha.
Wait what? Erase erase. Ano ba Pat? Nakakaloka ka. Umayos ka nga. Buntis na nga nalandi pa.
"Live with me. Okay? Di ko kayo papabayaan." he said while wiping my tears.
Inakay niya ako patayo at hinawakan ang kamay ko papunta sa kotse niya.
Hindi ko pa siya ganun kakilala pero dama kong safe akong kasama siya. Everytime he holds my hand and I feel his warmth parang he's holding a fragile thing na hindi pwedeng mabasag. Ingat na ingat siya.
While he's driving, lagi siyang napapatingin sa gawi ko and check if I ak confortable. Dahan dahan din siyang magmaneho.
Dumaan muna kami sa dorm ko to get my things. Tulad nga ng inaasahan, inipit na ni Mommy sila ate Jes pati si Ciel na bestfriend ko. Sinabi ko naman sa kanila na wag nilang sasabihin kung nasaan ako at kung sino ang kasama ko. Ayoko namang madamay pa si Hwang dito.
Nang makarating kami sa Condo niya, he guided me to his room. Dun niya rin dinala ang mga gamit ko. Isa lang ang kwarto dito so that just means na tabi kami matutulog? No no no no!
"Pwede ka nang maligo and change into your comfortable clothes. Magluluto lang ako." I just nod as a response.
"Pat, can I call you that? Please wag kang mailang sa akin. This is our home now. Mahihirapan kang mag-adjust but I promise that I'll be here. Isa lang ang kwarto dito. Sa couch na lang ako para mas maging komportable ka." he smiled before closing the door.
Di ko namalayang sobrang bilis pala ng tibok ng puso ko.
Grabe baby. Ganyan ba talaga kasweet ang Daddy mo?
Ano ba Pat? Ginagawa niya lang yan para kay baby, hindi para sa'yo.Naligo nga ako at nagpalit. Lumabas na ako dahil nakaramdam na rin ako ng gutom.
Saktong naghahanda na siya sa mesa nang makalabas ako. Nang mapansin niya ako, ngumiti siya at pinalapit na ako.
"Halika na. Kailangan niyo nang kumain ni Baby." he said and guided me to my seat. Magkaharap kami ngayon.
Nagsimula na akong kumain. Infairness, masarap siyang magluto.
"Did you like it? Medyo matagal na rin akong di nakapagluto since sobrang busy. I'm worried baka it won't suit your taste especially ngayon kasi sensitive ang panlasa mo." he asked worriedly.
"O-okay lang. M-masarap nga eh." I said avoiding his gaze. Nakita ko namang nagbago ang expression niya at parang natuwa.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain nang may maamoy akong di kaaya-aya. Agad akong tumakbo papunta sa sink at sumuka nang sumuka.
Hindi ko namalayang someone is caressing my back.
"Anong nangyari? May mali ba sa niluto ko?" he asked while still caressing my back.
Nagmumog ako at bumuntong-hininga.
"Wala namang mali sa niluto mo kaso naamoy ko yung bawang at di ko kinaya kaya nasuka ako."
"Okay." he grab his phone and typed something.
"I should put this on my reminder. Ayaw ni baby na kumain o makaamoy ng bawang si Mommy." he added habang busy diya sa phone niya. I blushed with the thought.
Mommy?
The next thing I knew, he kneeled in front of me and placed his hands on my tummy.
"Sorry baby. Di alam ni Daddy na ayaw mo pala na kumain si Mommy ng may bawang. Next time, di ko na lalagyan ng bawang ang ipapakain ko kay Mommy." he smiled habang hinihimas ang tiyan ko.
Pulang-pula na siguro ako ngayon. Hwang Minhyun, why you do this?
"Uyy. Ano ka ba? Di ka pa maririnig niyan kasi dugo pa lang siya." I said.
"2 months naman na siya so it's already developing. I just want to talk to our baby."
Ano ba Hwang Minhyun? Di ka ba titigil? Teka.
"How did you know na 2 months na 'to?" ako nga di ko alam tapos siya pa?
"Pinatingnan kita sa doctor kanina. Sabihin mo nga, have you had your check-up after mong malaman buntis ka?" napailing naman ako. Tumayo siya at humalukipkip.
"See? The doctor gave me some vitamins and meds that you should take. Binilinan niya rin ako ng mga dos and don'ts kapag buntis. Bawal kang mapuyat at magbitbit ng mabibigat okay?"
We're in that position nang may tumawag sa kanya. Sinagot niya iyon.
Hindi siya umalis sa harap ko kaya narinig ko nang bahagya kung sinong kausap niya. Boses ng Babae?
"Doyeon-ssi?" tawag niya sa caller.
Umalis na ako at nagsimulang ligpitin ang pinagkainan namin kanina. Mukha naman akong tsismosa kung maistay pa ako dun.
Palihim ko siyang sinusulyapan habang kausap niya pa rin ang Doyeon ata yun. Kita ko sa mukha niyang masaya siyang kausap yung taong yun. Di ko alam pero may kaunting kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Epekto rin ba 'to ng pagbubuntis? Medyo nakaramdam din ako ng pagkirot sa tiyan ko.
Bakit baby? Nagseselos ka ba na may kausap na iba si Daddy? Wala baby eh. Okay lang yun. Alam ko namang mahal ka niya.
Siguro girlfriend niya yung kausap niya. What have I done? Makakasira pa ako ng relasyon. Such a mess, Patricia. I should do something. Papanagutan niya lang naman yung bata, he don't have to marry me. Pagkapanganak ko, I'll settle things.
Kailangan ko nang itatak sa isip ko na ginagawa lang sa akin ni Hwang ito dahil nabuntis niya ako. Yun lang, walang iba.