Doyeon's
Kanina ko pa siya hinihintay kasama amg parents at ate niya dito sa living room nila. Para akong sasabog sa halo-halong emosyon. I have to do something. I need to. Hindi pwedeng maagaw siya sa akin. Hindi ngayon.
I immediately rose from my seat when I heard a car beeped outside. Sumilip ako sa bintana and there I saw him, ibang-iba ang aura niya. Diret-diretso siyang pumasok.
"Why did you do that? Bakit kayo nagfile ng petition?!" sigaw niya that made us all shocked. First time niya kasing gawin yun, well at least for them.
"Bakit?! Is that even wrong? Karapatan naman nating makasama ang apo ko!" his mother backfired.
I thought he's going to get a grip pero hindi. Mas lalo lang siyang nagalit.
"Without me knowing?! Is that even fair?! Wag na kayong mangialam, okay?" he said as he massaged his temples.
Wag mangialam? That's ridiculous
"What do you mean by that?! Apo namin yun kaya may karapatan kaming mangialam!" asik din ng Mama niya.
The tension is too strong. I can't even butt in.
"Hindi na ako bata, Eomma! At yung sa amin ni Patricia, ako na dapat ang mag-aayos nun. Pwede namang ayusin natin 'to in a peaceful way diba? I know her better than you all. Makakausap naman siya nang maayos eh. Just don't try to lead us on. We're old enough, I'm old enough. Ako lang ang dapat na mag-ayos ng gulo ko. Wag na kayong mangialam." he calmly said pero bawat salita may diin kaya alam kong nagpipigil siya.
'I know her better than you all.'
Yeah right. Baka yun din ang rason para mawala ka sa akin.
After what he said, umalis na siya kaya sumunod ako. I called him but he didn't even bother to turn around.
"Love! Minhyun! Ano ba?" I called again when I finally had the chance to grab his hand.
"You knew everything right?!" matalim ang tingin niya sa akin.
Oo. I'm even the one who suggested it. Bakit? Gusto ko lang namang tumulong at mapadali ang lahat.
"So what? Bakit ka ba nagagalit?" I asked. Gusto ko siyang hulihin.
Gusto kong malaman yung totoo.
"Bakit? Hindi ba dapat akong magalit? Sa mga nangyari ngayon, naaapektuhan ang anak ko. Pwede siyang mawala sa akin ulit just because of all those reckless ways of yours." he said na parang double meaning para sa akin.
Is it also about what I did?
"Tungkol din ba 'to sa interview kanina?" I said and sarcastically smirked.
"Hindi mo dapat ginawa yun." he coldly said. I just shrugged.
"Bakit? Dun din naman tayo pupunta hindi ba?" tanong ko sa kanya pero hindi siya nakasagot.
"Bakit Minhyun? Hindi ka ba sigurado sa akin? I meant everything I said earlier. Handa akong tanggapin ang anak mo and even stand as her mother."
Hindi pa rin siya sumagot at matalim na iniwas ang tingin sa akin.
"Ahh. Baka naman this issue isn't about your daughter anymore? Tell, is this about the mother instead? Kay Patricia ba?"
Napatingin naman ulit siya sa akin pero hindi pa rin sumagot.
I'll admit na nasasaktan na ako at mas masasaktan pa ako sa mga ginagawa niya. He's starting to act strange and become aloof as days gone by. I just can't let our relationship slip away.
