Chapter 11

99 6 2
                                    

Patricia's

Tumahimik na lang ako habang nagliligpit. Siguro dahil sa pagod at itong nararamdaman kong di ko maintindihan.

Napansin kong lumapit sa pwesto ko si Hwang. Siguro tapos niya nang kausapin yung girlfriend niya.

"Pat. Ako na dito. Magpahinga ka na. Pwede kang manood sa sala. Susunod ako." hindi na ako umapela at umalis ako nang di man lang siya tinitingnan.
Di pa man ako nakalalayo, nagsalita siya.

"Si Doyeon yung tumawag. Kaibigan ko at same company na rin. Nangumusta lang naman siya."

Nanlaki ang mata ko dahil bigla siyang nagexplain. Buti na lang di niya nakita kasi nakatalikod ako. Di ko na lang iyon pinansin at dumiretso na sa sala.

Ilang sandali pa ay tumabi siya sa akin at inabutan ako ng isang basong gatas. Napatingin naman ako sa kanya.

"Sabi ni Doc, mas mainam na lagi kang umiinom ng gatas before going to sleep and kapag breakfast." nginitian niya ako.

Mamamatay na ba ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko?

"Thank you." at tipid na ngumiti sa kanya.

Tumuon naman siya sa panonood kaya malaya ko siyang natitignan. Tumikhim naman siya kaya taranta akong napalingon sa TV.

"What are you planning to do now with your Mom? Sorry kung nanghihimasok ako but I'm just worried. Ayokong mastress ka." he looked at me. I sighed.

"I really don't know. Ayaw niya na sa akin pati kay Baby. Tama siya, disgrasyada ako. I'm too careless about my actions. Pero buo na rin ang desisyon kong ipagpatuloy ang pagbubuntis ko."

Lalo't alam ko namang nandiyan ka. Sana wag mo muna kaming iwan ni Baby. Di ko naman maiwasang hindi maluha.

"That night was maybe a mistake but this thing that's growing inside me is a blessing. Bahala na kung itakwil niya kami."

Hinila niya naman ako palapit sa kanya at tsaka ako niyakap. I'm shookt.

"I'm sorry. Naging iresponsable rin ako. Kung di lang sana ako nalasing nung mga oras na yun, hindi ka sana aabot sa sitwasyong ganito. I'm really sorry, Pat."

His words are so sincere. Ngayon ko lang narealize na hindi lang pala ako ang nahihirapan dito kundi pati siya but still he chose na panindigan ako at si baby kahit at risk ang career niya.

Niyakap ko naman siya pabalik.

"Okay lang yun, Hwang. Wala na. Tapos na eh."

Kumalas siya sa pagkakayakap ang cupped my face.

"I promise you Patricia, aalagaan ko kayo ni baby. Di ko kayo papabayaan. Iingatan kita pati ang baby natin."

And there, he kissed my forehead.

Appa 》》h.mhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon