Chapter 2

169 7 3
                                    

Patricia's

Nagising ako dahil sa lamig na tumatama sa katawan ko. Naalimpungatan ako.

Teka?! Di ko kwarto ito ah.

Bakit ang lamig? Napatingin ako sa katawan ko.

BAKIT WALA AKONG DAMIT?

Napasinghap na lang ako at napansin din na may mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko.

Napalingon ako sa tabi ko at laking gulat kong may katabi akong lalaki. Teka?! Kaibigan ito ng pinsan ko ah.

"Aww." nakaramdam ako ng kirot sa ibabang parte ng katawan ko pagkabangon ko at tila nabuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ko kung anong nangyari.

"AHHHH!!!" napatili ako na naging sanhi para magising nang tuluyan itong katabi ko.

Napasapo siya sa ulo niya. Siguro masakit din iyon dahil pareho kaming nainom kagabi.

"Manyak kaa!!" sigaw ko sa kanya at tinulak siya kaya nahulog siya sa kama dahilan para matanggalan din ng kumot ang katawan niya.

"AAAHHHH!!" mas napatili ako nang wala siyang saplot na tumayo.

"Pwede ba? Wag kang maghysterical masyado diyan? Ke aga-aga eh." kunot noo niyang sabi sa akin.

Ang amo ng mukha pero manyak!!

Tatayo na sana ako nang maramdaman kong nahilo ako't hindi ko maihakbang nang maayos ang mga paa ko dahil nga masakit sa sensitibong parte ng katawan ko.

May nangyari nga sa amin?
Paano na ako nito?
Parang kahapon lang, iniwanan ako tas ngayon naman disgrasyada na rin. Lagot ako sa parents ko nito. I'm such a mess. Napaiyak na lang ako.

Nakita ko naman yung lalaking nakadamit na.

Napansin niya sigurong umiiyak ako kaya lumapit siya sa akin.

He moved the blanket aside para umupo siya pero pareho kaming nagulantang nang makita ang pulang mantsa sa comforter ng kama niya.

Mas lalo ako naiyak dahil dun while he cursed under his breathe.

Wala na. Wala na akong dangal. I already lost my virginity and worse sa taong di ko naman karelasyon and much worst ay sa taong pangalan lang ang alam ko.

"I'm sorry." he look down while saying those words. Tumigil na ako sa pag-iyak and kept my face blank.

Sorry? Will that change anything?

Pero hindi ko rin siya masisi dahil pati rin ako ay may kasalanan. Naging iresponsable ako. Might as well forget what happened.

I get up kahit nahihirapan ako. I asked him kung nasaan ang CR and picked up my clothes habang ang mga kumot pa rin ang pansamantalang tumatakip sa katawan ko.

I took a shower first tsaka lumabas at nagbihis.

Humarap naman ako sa body sized mirror sa loob nitong CR.

Wala namang nagbago sa hitsura ko. Ganun pa rin. But if I'll observe base on what I felt, something did change. Ramdam kong may nawala sa akin maliban sa sakit na nararamdaman ko sa kaibuturan ko, alam ko sa sarili kong hindi na ako buo.

Napahawak naman ako sa tiyan ko.

Wala naman sigurong mabubuo diba since it's the first time and definitely the last time.

Sana nga. Sana nga walang mabuo.

Pagkalabas ko, napatingin naman siya sa akin.

"K-Kumain ka muna ng b-breakfast. M-maghahanda ako." sabi niya but I just shrugged.

"No need. Aalis na ako." sabi ko tsaka tuloy-tuloy na pumunta sa pinto.

"Wag ka mag-alala. Walang makakakaalam sa nangyari. Kalimutan na lang din nating nangyari iyon." dagdag ko at tsaka umalis.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤

May mga hints man sa Visitor, may maiiba pa rin sa story na 'to. The timeline of this is after a year nung umalis si Lyrie.

Also, baka weekends ko lang maupdate 'to. Please bear with me. Hehehe.

Appa 》》h.mhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon