Patricia's
Halos maubusan ako ng hininga sa nabasa ko. Pinaglalaruan niya ba ako? Pinagplanuhan niya ba lahat ng 'to?
Yung anak ko, hindi pwede. Hindi pwedeng malayo sa akin ang anak ko.
"Omygoood! Pat! Take a look at this." ate Kas screamed as she pointed at the TV.
Balak ko sanang balewalain na lang because I'm too occupied. Kailangan ko nang kunin ang anak ko sa kanila ngayon.
But then, I was distracted nang makita kong si Doyeon ang nasa TV, pinapalibutan siya ng nga reporters. Nagfaflash yung mga leaked pictures ni Hwang at ni Hyunri, siguro nakuhanan ito recently lang pag pinapasyal niya ang anak namin. Ang bilis nga naman kumalat and people's speculations grew even more."Doyeon-ssi, totoo ba lahat ng pictures na kumakalat ngayon? May anak na ba talaga si Minhyun tulad ng naging rumor noon? Kumusta kayo? Paano ang lagay ng relasyon niyo ngayon?" sunod-sunod na tanong ng reporters sa kanya.
"Okay. To make all the issues gone, I'll be the one to speak up for my fiancé." they all gasped for her statement.
Ewan ko pero kahit gusto ko nang umalis at wag pansinin ang interview na yan, something's making me listen even more.
"First of all, we're engaged!" she said happily as she showed the ring wrapped on her finger.
"About this issue, yes it is true. May anak na nga si Minhyun but it was all by accident, you know boys. That happened years ago and since we're about to settle down na, napagdesisyunan niya to have the sole custody of his child so that she can live with us. For me naman, I support him with all my heart because that's what you're supposed to do for the one you love, right?" nakangiti niyang sabi na akala mo, hindi ganun kabig deal ang sinasabi niya.
"What about the child's mother? Is she okay with it?" tanong ng isang reporter na ginatungan pa ng isa.
Bago sumagot, tumingin siya diretso sa camera.
"Oh. She's definitely okay with it. She should." she said as she smirked.
Napapikit na lang ako dahil sa galit na namumuo sa puso ko. They planned all this.
"Napakasama talaga ng ugali ng babaeng yan---teka Pat saan ka pupunta?!" ate Kas followed me as I went outside and ride my car.
Pupuntahan ko ang anak ko.
"Pat, where are you going?!" ate Kas asked outside and tapped my window. Binaba ko naman iyon nang bahagya.
"Kukunin ko ang anak ko." I said at tsaka pinaharurot ang kotse ko.
❄️❄️❄️❄️❄
Nakarating ako sa bahay nila Hwang. Yes, may bahay sila dito sa Seoul. Sinabi niya na sa akin noon yun since dito nagstay ang parents niya pag pumupunta dito.
I pressed the doorbell at ilang sandali pa, lumabas na ang ate niya.
"Anong ginagawa mo dito?" mataray niyang tanong.
"Susunduin ko na ang anak ko." walang emosyon kong sabi sa kanya.
"Hindi mo ba nabasa yung nandun sa sulat? Akala ko ba matalino ka? Hindi mo ba naiintindihan? Yung kapatid ko, dapat nasa poder niya ang anak niyang matagal mong pinagdamot!" she exclaimed pero di ako nagpatinag.
"Wala akong pakialam. Wala sa usapan namin yun kaya pwede ba?! Kukunin ko na ang anak ko." ako naman ang bumwelta pero inismira niya lang ako.