Patricia's
"...We're civil now."
Ang just like that, he left. Gusto ko siyang pigilan at bawiin lahat ng sinabi ko but it's too late to back out now. Ginusto ko'to, paninindigan ko. Dama ko ang kanina pang bilis ng tibok ng puso ko kaya nasapo ko na rin ang kaliwang dibdib ko. Kanina ko rin pa nararamdaman ang panginginig ng mga binti ko kaya napaupo na ako. Dun ko na lang din hinayaang pumatak lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Seeing him hurt and become so vulnerable breaks all of me.
Bakit ko ba ginagawa 'to? Simple, dahil sa anak ko. Mas okay nang ako ang mahirapan kesa naman siya ang makakita na nagkakagulo kaming lahat. Sana lang pumayag ang parents ni Hwang sa kasunduan namin.
❄️❄️❄️❄️❄️
Matamlay akong pumasok sa bahay at namumugto ang matang dumiretso sa living room. I was stunned whem Hyunri called me.
"Mommy!" she happily went and hugged me.
Ikaw na lang ang lakas ko, baby. I hugged her tight at pinipigilan ulit ang sarili kong maiyak lalo na sa harap niya.
"Mommy, are you crying? Eomma, gwaenchanayo?" napangiti naman ako sa inosenteng pagtatanong niya habang hinahaplos ang pisngi ko.
No baby, I'm not okay. I hurt your appa.
"Napuwing lang ako baby. Nasan ang yaya mo? It's getting late na. Did you wash up na ba?" I asked her para mabaling ang atensyon niya.
Bumungisngis lang siya at saka tumingin sa likod niya. And there I saw, Mingyu smiling at us.
Lumapit na siya sa amin at kinarga na si Hyunri.
"I call you earlier but you're not picking up so dito na lang ako sa bahay tumawag pero wala ka raw." he said while looking at Hyunri.
Mukha silang mag-ama kung titingnan. Nakakalambot ng puso.
"I just had to do something. Sorry." I smiled at him and tried my best not to be noticed 'cause of my uneasiness.
"Baby, mag-uusap lang si Dada tsaka si Mommy, okay? Dun ka na muna kay yaya mo ha?" he kissed Hyunri's forehead that made her giggle tsaka niya ibinaba sa pagkakarga niya.
He held my hand at saka ako hinila palapit sa kanya at niyakap.
"I missed you." he said while he bury his face to my neck.
Di ako sumagot. Other than Hyunri, isa rin siya sa dahilan kung bakit gusto ko nang tapusin nang tuluyan ang sa amin ni Hwang. I feel guilty. I don't want to hurt him furthermore, he had done so much for me. I can't just hurt him anymore.
"You look tired. Is everything okay?" malambing na tanong niya pa at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Yeah. I'm okay. Don't worry." I smiled at him at tsaka niyakap ulit siya.
Dati kasi kapag niyayakap ko siya, I feel secure and comfortable. Nagbabakasakali lang ako na by his embrace, mawawala lahat ng bumabagabag sa akin.
"San ka ba nagpunta? Did you meet Hwang?" natigilan ako sa tanong niya at tsaka napabitaw sa pagkakayakap.
"How did you..." natitigilang tanong ko. Ayoko nang ipaalam sa kanya nag-usap kami ni Hwang dahil away lang din ang idudulot nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/152222911-288-k569594.jpg)