Patricia's
Tumingin lang ako kay Hwang at pinipilit kong itago ang pagkagulat ko.
"Anong pinagsasabi mo diyan, Hwang?" pilit akong tumawa at tsaka tumayo.
"Alam mo kung anong ibig kong sabihin, Patricia."
Hinawakan niya naman ang kamay ko at tsaka hinila. Naout of balance ako kaya napaibabaw ako sa kanya. Pareho kaming nagulat kaya dali-dali rin akong bumangon at umupo.
"Aalis na ako."
Nagmadali akong umalis at lumabas sa condo niya. Di niya na rin naman ako naabutan kaya agad akong nakalabas.
Habang naghihintay ako sa bus stop, may nareceive naman akong text galing sa isang unknown number.
+81927462828
I'll give you a deal. Dito ka na lang tumira sa condo ko. Ako na ang sasagot sa lahat ng kailangan mo. Don't deny it, Patricia. I know you're bearing my child. I'll wait for your answer.
-Minhyun
Napasapo naman ako sa noo ko. Nahihibang na ba siya? How can he be so sure? Ilang sandali pa ay may dumating nang bus.
Naglalakad ako papunta sa dorm nang makita kong nakaparada sa labas ang kotse ni Mommy. What is she doing here?
Pumasok na agad ako kahit pa damang-dama kong parang kakawala na sa dibdib ko ang puso ko. This is very unusual. Di pumupunta sa dorm si Mommy unless there's something important na gusto niyang sabihin.
Pagkapasok ko, agad na sumalubong sa akin ang nakakatanda naming pinsan. Si Ate Jestine.
"Saan ka galing? Kanina pa nandito si Tita. Di kita macontact. It seems like she has sometging to say na hindi na kaya pang paghintayin. May kasama rin siya." I looked at her nervously. Alam na nilang mga pinsan ko na buntis ako.
Hindi pa naman halata since di pa lumalaki ang tiyan ko. Anong magiging reaction ni Mommy kapag nalaman niya?
Pumunta na ako sa living room and there I saw her at may kasama nga siya. Wait.
Ha Minho?
"Tricia! I've been waiting for you. Saan ka ba galing?"
"I ran some errands, Ma. What made you come here?"
"May gusto kasing makita ka ulit." she smiled and there as if on cue, tumayo naman si Minho.
Minho's my bestfriend since I was a kid. He left for Japan last 3 years ago and ang huli kong balita sa kanya, sumali siya sa isang survival show which is sinalihan din ng grupo nila Hwang. Psh. That guy. I have to deal with him too.
Yinakap ako ni Minho na ikinabigla ko. Nagtatampo pa rin ako sa kanya kasi di man lang niya naisipan magparamdam sa akin kahit nakabalik na pala siya last 2 years.
"I missed you, Sha" he whispered.
"Miss mo ako but you didn't even call me after you came back. Nakakatampo ka naman bespren." I said jokingly.
"Sorry na, Shasha ko." and hugged me again.
"Bagay talaga kayong dalawa." Mom said. Napalunok naman ako. Minho gave me a meaningful smile.
We ate dinner at a restaurant and I know something is really odd. Mom kept on teasing us. Sinasaway ko siya while Minho just kept on smiling.
Napag-isipan kong sabihin na ang lahat kay Mom ngayong gabi kasi feeling ko gets ko na kung bakit niya dinala si Minho.
Pinagpapawisan ang mga palad ko buong dinner kaya hindi rin ako halos nakakain nang maayos. Napahimas naman ako sa tiyan ko.
Sorry baby.
Tapos na kaming kumain at nag-excuse naman si Minho. He said that he's going to the comfort room.
Pagkakataon ko na ito. Feeling ko magkakalasan lahat ng parte ng katawan ko dahil sa kaba.
"M-mommy, m-may s-sasabihin po s-sana ako sa i-inyo." tumingin naman siya sa akin na kakatapos lang niyang uminom ng wine.
"What is it? Make sure that it's important, young lady." napalunok lalo ako.
"B-buntis po a----" bago ko pa man natapos ang mga sasabihin ko, agad namang lumanding sa pisngi ko ang palad niya at tuluyan na akong napahikbi.
"So totoo yung sinabi sa akin ni Hyunbin na disgrasyada ka? Aba! Hindi mo ba alam kung gaano kalaking kahihiyan sa pamilya natin yan ha?!" nakatingin na sa amin lahat ng mga tao.
"Simula ngayon, ayoko nang makita pa iyang pagmumukha mo. Napakawala mong kwenta! Isa kang malaking kahihiyan! Nakakahiya kay Minho! Humanap ka na rin ng titirhan mo. You won'r receive anything from me anymore. Itinatakwil na kita. Disgrasyada!" sabi niya at akmang itutulak pa sana ako nang dumating na si Minho at pinigilan siya.
"Wag na wag ka nang magpapakita sa akin. Tandaan mo yan!" she said and then left.
I cried as hard as I can. Ano pa bang ineexpect ko? Pero bakit ganun? Anak niya ako pero bakit ganun na lang siya? I know mahirap tanggapin pero di niya ba ako mahal?
All my life, I did everything in accordance on what she wants for me.
Yung course ko, siya pumili. Yung kay Hyunbin, siya yung pumayag na ligawan ako. And I got hurt because of that at the end.
Sinikap kong maging the best sa lahat ng bagay. Candidate for Summa Cum Laude. Maraming achievements but still she can't see it. Is it because of Dad?
They're divorced and I was left alone with Mom. Buti na nga lang may mga pinsan ako eh. But now, alam kong iniipit na sila ni Mommy.
"Sshh. Tahan na, Shasha." Minhi said while wiping my tears. Yumakap naman ako sa kanya when suddenly someone grabbed my hand and steal me away from him.
Hwang Minhyun.
![](https://img.wattpad.com/cover/152222911-288-k569594.jpg)