Patricia's
It's been a month at ngayong araw namin napag-usapan ni Hwang na ipakikilala na sa parents niya si Hyunri. To be honest, I'm wondering how will they react lalo na since di man lang nila nakasama ang apo nila kahit nung pinagbubuntis ko pa lang ito. Yung ate lang ni Hwang ang nameet ko and it's just happened once. Kinakabahan ako kasi di ko alam kung anong iniisip nila ngayon.
We're on our way sa bahay nila Hwang sa Busan but he texted me na sa café na lang nila kami magmeet. Ihahatid kami ni Mingyu.
Speaking of, he changed since that day. Mas lalo na siyang naging possessive and I'll admit na minsan nakakasakal na. I can't blame him though. I really thought that we're going to break up but hindi nangyari ang iniexpect ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa totoo lang.
Kokontra pa dapat siya sa desisyon kong ipakilala si Hyunri sa pamilya ni Hwang pero buti na lang nakapagisip-isip siya at nauwi na lang kami sa kondisyon na siya ang maghahatid sa amin.
"Ano nga ulit yung pangalan nung café babe?" tanong sa akin ni Mingyu. Nasa Busan na kami, I think and we're just going to find that café.
Nakatulog na si Hyunri sa backseat since medyo mahaba-haba yung byahe.
"Hmm. It's Cafe Riyu. Malapit daw sa seaside." I answered while reading Hwang's text to me.
One month na ang nakakalipas at one month na rin akong laging tinitext ni Hwang with those sweet messages of him. Katulad na lang nitong natanggap ko kaninang umaga.
Good morning! Just to remind you about our appointment today. See you and our daughter. I love you. :)
I'd be lying if I'd say that my heart didn't skipped a beat pero kailangan kong iwasan kasi mali.
Nakarating na kami at kita kong nakaabang si Hwang sa tapat ng café. Nakaupo siya sa bench. Agad na bumaba ng kotse si Hyunri the moment na huminto ito at agad na lumapit sa kanyang ama. Bumaba na rin ako at si Mingyu.
"Appa!" she exclaimed happily kaya napatayo naman si Hwang sa kinauupuan niya.
"Hello there, uri kongju." he greeted and carried her at saka lumapit sa amin.
Nagtanguan lang sila ni Mingyu na humigpit naman ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Mag-ingat kayo ha. Hindi ko kayo masusundo later pero pwede ko kayong ipasundo kay Seungchol hyung." sabi niya at tsaka pinulupot ang kamay niya sa bewang ko para hapitin ako sa kanya papalapit nang sumabat bigla si Hwang.
"Wag na, bro. Ako na lang ang maghahatid sa kanila mamaya." ani nito pero parang walang narinig si Mingyu.
"I should go now. Princess, wala man lang bang hug and kiss si Dada?" baling niya kay Hyunri at humagikhik ito sabay pababa sa kanyang Appa.
She hugged her Dada's legs kaya naman binaba ni Mingyu ang sarili niya to her level.
"Byebye Dada, Saranghaeyo~" malambing na wika niya at tsaka hinalikan sa pisngi si Mingyu.
Napatingin naman ako kay Hwang nang mapansin kong matamang pinagmamasdan ang dalawa at narinig kong bumuntong hininga siya. Nagkatinginan kami and the way he looks at me, I could literally sensed the sadness in those gaze.
I'm sorry. I wanted to say kasi alam ko naman na gusto niyang siya lang yung ginaganun ni Hyunri. Gusto niyang siya lang ang ituring na tatay ni Hyunri but then there's Mingyu na kinagisnan niya.