CHAPTER 1

515 96 383
                                    

LUNA RAMOS POV

"You two wake up!"

"Luna, Gav wake up! Oh my gee! I don't wanna be late today I'm so excited na!"
Ugh! heto na naman po siya, Si Emma na excited sa lahat ng plano niya.

Ang sakit pa ng ulo ko at sobrang inaantok pa'ko. Sa pagkakatanda ko ay late na kami nakatulog, three a.m na 'yon kaya masisisi niya ba kami na hirap kami bumangon ngayon?

Tinignan ko ang oras at napag-alaman na seven a.m pa lang. Fine four hours of sleep, keri na rin kaysa sa walang gising. Ewan ko nga lang kung mapabangon niya si Gav eh tulog mantika 'yon Tsk.

Dumiretso ako sa balcony ng room namin. Dito bumungad sa'kin ang napakagandang lugar ng Isla Adonis. Beachfront 'tong hotel nila Emma kaya kita ang buong paligid ng resort.

Hindi ko mapigilang amuyin ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam na sa paggising mo sa umaga ay magandang kapaligiran ang makikita mo. Maaliwalas at walang pollution, malayo sa hangin sa Manila, very relaxing.

Napakasuwerte talaga namin ni Gav na may kaibigan kaming isang Emma Concepcion. Mayaman, maganda, mabait at higit sa lahat ay generous.

Dahil kakagraduate lang namin ng senior highschool ay ito ang regalo sa'min ni Emma, bakasyon sa Isla Adonis kung saan merong pagmamay-ari na hotel ang pamilya nila. Kung kami lang naman ni Gav ay hindi kami makakapunta sa lugar na tulad ng ganito.

High class ang resort na 'to, meaning mga may kaya lang sa buhay ang nakakaspend ng vacation dito at meaning 'di namin afford ni Gav. Hindi kami mayaman tulad ni Emma, pero bestfriend namin siya.

Paano nangyari na may bestfriend kaming mayaman? Kasi kahit mahirap lang naman kami ni Gav ay nakapag-aral kami sa exclusive school na pinag-aaralan ni Emma noong highschool dahil may nagiisponsor sa pag-aaral namin, kaya mula first year hanggang matapos ang highscool life namin ay kami ang magbebestfriend.

Natigilan na lang ako sa pagmumuni nang senyasan ako ni Emma na sumunod na sa banyo para maligo. Kinuha ko agad iyong bathrobe at mga damit na isusuot ko.

Matapos ang labing limang minuto ay lumabas ako ng banyo.

Natapos na lang ako maligo at lahat ay hindi pa rin bumabangon si Gav. Well nagmadali talaga ko maligo dahil nagmamadali din si Emma. Siguro ay napagod masyado sa pamamasyal namin kahapon 'tong si Gav.

Pangalawang araw pa lang naman namin dito at balak namin magstay ng two weeks since bakasyon naman na at kaylangan daw namin magrelax bago pasukin ang buhay college.

Nakakakaba kung iisipin pero nakakaexcite din at the same time. Haist! Saka ko na iisipin ang college, sa ngayon ay mageenjoy muna ko kasama ang bestfriends ko! Natawa na lang ako bigla nang makita ang reaksyon ni Emma habang niyuyugyog sa pagkakatulog si Gav.

"Oh my gee! Gav please wake up! Iiwan ka na namin ni Luna."

"Anak ng! Minsan lang makatulog ng may ercon 'di ko pa masulit. Puwede bang mauna na kayo ni Luna? Susunod na lang ako."

"Hoy Gav! Two weeks kang makakatulog sa room na aircon pero iyong activity natin today 'di ko na mauulit, so please take a bath now!"

Napapailing na lang ako habang nakangiti sa dalawang 'to. Hindi ko talaga maintindihan paano nangyaring magkakaibigan kami gayong ibang-iba kami ng mga personality.

Si Emma kasi ay may pagkamaarte at pasosyal. Si Gav naman ay babae nga pero napakaboyish, minsan nga ay natanong namin siya kung babae ba talaga siya, never pa kasi nagkacrush so na curious kami pero lagi niyang sinasabi na never naman daw siya nagkagusto sa babae kaya alam niya sa puso niya na babae talaga siya.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon