CHAPTER 11

86 45 0
                                    

FRANCO POV

Nandito 'ko ngayon sa isang pamilyar na lugar. Madilim, magulo at tago. Huli kong natatandaan ay naglalakad ako sa parking lot ng condo ko papunta sa kotse ko.

Habang hinahakbang ang mga paa ko ay naramdaman kong may sumusunod sa'kin. Saglit akong huminto para lingunin ang likuran ko pero wala akong nakitang kahit anong bakas ng tao.

Tahimik at walang sinuman ang nandirito pero alam kong may nagmamatiyag sa'kin.

Binilisan ko ang paglakad para makarating agad sa sasakyan ko pero saktong pagkabukas ko ng pinto ng kotse ay siyang hampas ng matigas na bagay sa batok ko.

Nawalan ako ng malay at paggising ko ay nandito na'ko sa hide out ng Abaddon Gang.

"Gising na pala ang prinsipe."

"Anong kailangan mo Baron? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi na ko miyembro ng grupong 'to?"

"At ilang beses ko din ba sasabihin na hindi pa ko pumapayag sa gusto mo?"

"Wala akong oras sa inyo aalis na 'ko."

Nagsiharangan ang mga tauhan ni Baron sa harap ko kaya wala akong nagawa kun'di ang manatili sa puwesto ko.

"Baka nakakalimutan mong may malaki kang atraso sa'kin Wei?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Kailangan ko pa ba ipaalala ang pagbulilyaso mo sa plano ko?"

Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin. Tungkol ito sa pagtulong ko sa tomboy na iyon nang pagtangkaan siyang dukutin ng mga tauhan ni Baron.

"Ano bang kaylangan niyo sa babaeng iyon?"

"Malaki ang kailangan namin sa kanya kaya kung hindi ka sana nangialam ay nakuha ko na siya! eh, kaya lang pakialamero ka pero sige papalampasin ko iyon."

"Anong kapalit?"

Hahhahaha

Tumawa siya na para bang inaasahan na ang sasabihin ko.

"Iyan ang gusto ko sa'yo Wei, matalino ka. Simple lang ang gusto ko at iyon ay ang dalhin mo siya sa'kin."

"At kelan pa kita binigyan ng karapatan na utusan ako?"

"Ito ang magiging dahilan para tuluyan ka nang makakalas sa grupo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano bang meron ang tomboy na iyon para pumayag na siyang tuluyang kumalas ako kapalit ng pagdala ko sa kaniya ng taong kailangan niya?

Alam kong malaki akong kawalan sa grupo nila dahil bukod sa financer nila ko ay marami rin akong koneksiyon pero kaya niya akong pakawalan kapalit ng tomboy na iyon? Bakit? Anong meron siya?

"Tss, para sa kaalaman mo ay hindi siya mayaman. Simpleng tao lang siya. Oo nag-aaral siya sa school na pinapasukan ko pero mukhang nagkakamali ka ng akala."

"Napag-aralan ko na ang lahat ng tungkol sa kanya Wei, hindi mo na 'ko dapat pangaralan pa. Dalhin mo siya sa'kin at malaya ka na."

Ito na ang pagkakataong hinihintay ko. Puwede na kong makalaya sa grupong ito na hindi masisira ang pangalan ko sa pamilya ko at sa publiko.

Ilang beses na akong pinagbantaan ni Baron na isisiwalat niya lahat ng pagpapatumba ko sa mga kakumpetensya ko sa negosyo at kapag nalaman iyon ng pamilya ko ay tiyak na masisira ang pangalan namin at posibleng maapektuhan ang mga negosyong itatayo pa lang.

"Deal."

"Aasahan ko iyan, alam mo na ang mangyayari 'pag bumaliktad ka."

"Huwag mo lang ako madaliin dahil pagpaplanuhan ko pang mapalapit sa kaniya."

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon