CHAPTER 31

40 6 2
                                    

MATEO POV

Narating na namin ang pangalawang obstacle. Ito iyong Maze with twist challenge na kailangang may kapareha.

Palapit na sana ako kay Luna para partneran siya pero bigla na lang akong pinalibutan ng mga babae at inaya akong maging kapareha nila sa obstacle.

"Hi Mateo! Wala akong partner baka puwede mo akong samahan?"

"Hello Mateo! The obstacle needs a pair and I'm alone today."

"Mateo I want you to be my partner, please come with me!"

Andami pang ibang nagsalita pero wala na akong naintindihan dahil iisa lang naman ang pakay nila at iyon ay ang magpacute sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil ako lang naman si Mateo Lucas Delgado na kinababaliwan ng maraming kababaihan.

Hindi ko mapigilang ngumiti na lalo namang nagpakilig sa magagandang dilag, ano ba naman iyong simpleng ngiti na lang 'di ba? Iyon lang naman kasi ang kaya kong ibigay sa kanila pampapawi ng pagod nila. Kung tutuusin ay puwede naman nilang partneran ang isat-isa dahil puwede naman ang dalawang babae o lalaki pero nagkakandarapa pa rin sila sa akin.

"I'm sorry girls but I can't."

"Why naman? Are you with someone?"

"I hate to break your heart but yes."

"Aww sayang naman."

Halata ang pagkadismaya sa mga mukha nila ngunit mapilit pa rin silang ayain ako. Habang abala ako sa pagtanggi sa kanila ay pinilit hanapin ng mata ko si Luna, ganoon na lang ang inis ko nang makita ko siyang nakikipag-usap sa isang lalaki at ang masama ay nakipagkamay pa! Tignan mo 'tong babae na 'to! Ilang maganda at sexy na mga babae ang tinanggihan ko masamahan lang siya tapos hahanap siya ng ibang kapareha?

Sa inis ko ay pinilit kong kumawala sa mga babae na nakapalibot sa akin at mabilis na naglakad papunta sa direksiyon ni Luna.

Nang makalapit ako ay agad ko siyang inakbayan na halatang ikinagulat niya pati na rin ng lalaking kausap niya.

"Babe naman saglit lang akong nawala naghanap ka agad ng iba?"

Nanlaki ang mga mata ni Luna sa narinig niya mula sa akin, poprotesta pa nga sana siya pero hinigpitan ko lalo ang kapit ko sa balikat niya at binigyan siya ng tingin na makisakay na lang siya.

"Ano bang pinagsasab----!"

"Hey, Rafa!"
Bati ko, oo magkakilala kami dahil classmate ko siya sa iilang subject.

"Mateo, girlfriend mo si Luna?"

"Yup."

"Hindi niya ako girlf----!"

"Yup she's my girlfriend."
Pag-uulit ko para pigilan si Luna sa pagsasalita.

"Ah I thought she's alone kaya inaya ko siya as a partner, sayang naman pala."

Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa tingnan si Luna na parang napakalaki niyang kawalan 'pag hindi siya nakapareha ni Luna. Napangiti ako sa inis at taas noo siyang kinausap muli.

"Bakit naman sayang? Ayusin mo ang pananalita mo dahil hindi mo magugustuhan 'pag namisinterpret ko."

Bakas sa boses ko ang awtoridad na nagpatalas naman ng pagtingin sa akin ni Rafa. Alam ko kung gaano rin siya makapangyarihan na tao at ayaw niyang binabangga siya pero mas hindi niya gugustuhing kalabanin ako.

"I wont take back my word Mateo dahil maayos ko naman iyon nasabi, nasa iyo na lang kung paano mo iintindihin."
Tulad ng inaasahan ay hindi siya basta nagpapasindak at nagpapatalo.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon