CHAPTER 13

73 40 0
                                    

LUNA POV

Kakatapos lang ng lahat ng klase ko ngayong araw. Andito ako sa student lounge para hintayin si Gav.

Isa't kalahahing oras pa bago matapos ang huli niyang klase kaya naisipan ko muna buklatin ang iba kong notes para magreview sa quizzes na magaganap bukas. Iilan lang ang mga tao na nandito ngayon kaya hindi ganoon kaingay.

Habang nagbabasa ako ay bigla ko nalang narinig na may malakas na bumagsak sa mesa na pinag papatungan ko ng mga gamit ko.

Nakita kong may kamay na hawak-hawak ang isang backpack. Itinaas ko ang paningin ko para malaman kung sinong nagmamay ari ng kamay at ng bag na nasa harapan ko ngayon.

"Ito iyong bag ko, Iuwe mo nalang tapos ibalik mo bukas ng maaga bago mag umpisa ang mga klase ko."

"At bakit ko iuuwe iyan?"

"Dahil gagawin mo iyong assignments ko. Maramirami iyan kaya agahan mo ang paggawa."

"Fine!"

Muntik ko na makalimutan ang usapan namin. Ako nga pala ang gagawa ng mga 'to. Tsk! Ang dami ko tuloy gagawin pag uwe. Makakatulog pa ba ako nito?

Hindi ko napansin na may kasama pala si Mateo. Nakita ko nalang na nakangiti siya sa'kin.

Siya iyong chinito na kasama ni Mateo sa isla Adonis.

"Lagi kitang nakikita pero hindi man lang ako nakakapag pakilala saiyo ng personal, I'm Franco Wei."

"Luna. Kahit naman hindi ka magpakilala ay sikat kayo sa school na'to kaya narinig ko nadin ang pangalan mo."

Inilahad niya ang kamay sa'kin at agad ko din naman iyon inabot para makipag kamayan.

"Paano Luna mauuna na kami ni Mateo ha."

Sabay silang naglakad palayo at naiwan naman akong nakatunganga at nakatingin sa bag ni Mateo.

Haist. Mamaya ko na titignan ang mga assignments niya sa bahay dahil ayoko muna maistress agad.

Pinag patuloy ko nalang ang pagbabasa ang mga notes ko pero nababagot na ako.

Ilang sadali pa ay nakaramdam ako ng gutom kaya dumaan ako ng cafeteria para kumain ng burger.

Nakatingin ako sa kawalan. Habang nginunguya ang burger sa bibig ko ay may nahagip ang mga paningin ko na isang pamilyar na tao.

Bahagya ko iyong ikinagulat. Mabilis siyang nakapag lakad papalayo kaya kahit hindi pa ako tapos sa pagkain ay sinundan ko siya.

Hindi ako sigurado kung siya nga iyon pero gusto ko lang makasiguro. Lumabas ako ng cafeteria para hanapin iyong tao na iyon.

Sinisilip ko bawat sulok na madadaanan at baka sakaling makita ko siya. Hindi siya naka uniporme kaya madali siyang marecognize.

Sa 'di kalayuan ay nahagip ko ang likuran niya pero may humarang bigla na estudiyante dahilan para mabagalan ako palapit sa kaniya.

Tuluyan na akong nakalabas sa building. Alam kong dito siya papunta kaya dito ko siya pinag patuloy na hanapin.

Ilang saglit pa ay muling nahagip ng aking paningin ang katawan niyang mabilis na naglalakad sa direksyong patungo sa campus park.

Maganda ang park doon pero bihira ang mga estuyante na pumupunta. Isolated kasi iyong lugar at malayo na sa mga building.

"Via!"

Sigaw ko para lingunin niya sana ako pero hindi niya ako narinig kaya dumiretso ako sa park. Halos tumakbo na ako papunta doon kaya hinihingal ako sa pagod.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon