CHAPTER 29

57 7 0
                                    

LUNA POV

Lunch break kaya nandito kami nina Emma and Gav sa cafeteria ng school. Mayamaya pa ang klase ni Gav pero maaga siyang pumasok kaya kasama namin siya ngayon.

Kumakain kami ni Emma pero itong si Gav ay kanina pa nakahiga ang ulo sa mesa at nakatulala sa kawalan. Sabi niya ay kumain na siya bago umalis ng bahay kaya hindi na siya bibili pa ng pagkain. Siguro ay inaantok kaya hinayaan nalang namin siya na magpahinga muna bago ang klase niya.

"Nga pala Emma nabanggit ba ni Tita Amie na dumaan ako sa inyo kahapon? Dadalawin sana kita pero wala ka naman dahil nag jogging ka daw, isang oras kaya ako naghintay tapos nainip iyong kasama ko kaya umalis na kami."

"Yeah Mom told me about that. Sorry Luna, umulan kasi kaya napa-stay pa ako kila Dillan. Nahiya nga daw si Mommy dahil naghintay kayo ni Mateo."

"Okay lang naman 'yon, nakakainis nga kasi kung hindi ko naman kasama iyon si Mateo ay malamang nagstay pa ako ng mas matagal, siya kaya iyong nainip hindi naman ako."

"Dillan told me that he saw you and Mateo sa mall yesterday, ano ginagawa niyo dun date?"

Bigla akong nabilaukan sa sinabi ni Emma. Ano bang pumasok sa isip niya at nasabi niya 'yon? Imposible kasi.

"Hey easy! Here's the water oh inom ka muna."
Si Emma.

"Ano ba naman kasing tanong 'yon? Sa dami naman ng puwede mong maisip iyong imposible pa namin gawin, isa pa kakabreak lang nung tao."

"I don't see anything wrong with that okay? You are both single so hindi imposible, you like him?"
Tanong ni Emma na para bang excited pa sa isasagot ko.

"Hindi!"

"Hindi?"

"Hindi talaga! Never!"

"Bakit? I mean lahat ng girls dito sa school gagawin lahat maging boyfriend lang si Mateo dahil nga nasa kanya na ang lahat, looks, wealth, fame, name it he has it so I don't see any reason para 'di mo siya magustuhan unless. . . Unless may gusto kang iba?"

Matagal kaming nagkatitigan ni Emma na para bang binabasa namin ang mukha ng bawat isa. Hindi na ako nakasagot dahil hindi ko alam kung paano ko io-open up sa kaniya ang ganitong klase ng usapan.

"Oh my gee! Sino iyong guy na gusto mo? I'm so excited to know him na!"

And knowing Emma, alam kong kahit hindi ako magsalita ay alam niya na nga ang sagot, siguro dahil may kasabihan nga tayong 'silence means yes' or siguro dahil mag bestfriend kami kaya kilala na talaga namin ang isat-isa.

Malawak na ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya. Ito na ba ang tamang oras para sabihin ko sa kaniya na crush ko ang pinsan niya?

Palagay ko ay dapat ko na sabihin sa kanila na may crush na nga ako, ayoko naman kasi na masiyado nagtatago ng sikreto sa dalawa kong bestfriend para hindi rin ako nahihirapan at alam ko naman na susuportahan nila ako. Matuwa kaya sila?

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang tumingin ng diretso kay Emma na halatang excited sa isasagot ko.

"Kilala niyo siya."

Lakas loob kong paguumpisa. Kitang-kita ko kung paano lalong nanlaki ang mga mata ni Emma at lumawak pa ang pag ngiti kaysa kanina.

"Sino? Classmate ba natin siya?"
Si Emma.

Umiling ako bilang paghindi sa tanong niya. Napansin ko naman ang biglaang paglingon ni Gav sa akin pero ang mukha niya ay nananatiling walang gana.

"Si Di-----"

Nung Oras na binuka ko na ang bibig ko at desidido na akong sabihin kay Emma at Gav ang nararamdaman kong paghanga kay Dillan ay bigla nalang tumayo si Gav na dahilan naman ng pagbaling ng atensiyon namin ni Emma sa kaniya.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon