CHAPTER 6

118 74 24
                                    

2 MONTHS LATER

LUNA POV

First day of school ngayon kaya maaga akong gumising para hindi ma-late sa klase

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

First day of school ngayon kaya maaga akong gumising para hindi ma-late sa klase. Ayoko namang unang araw eh hindi maganda ang maging impression ng classmates and Professors ko sa'kin.

Halo-halong emotions ang nararamdaman ko ngayon, merong masaya, excited at kinakabahan din.

Masaya, kasi eto na college na ako at makakapag-aral ako sa isa sa mga prestigious school sa bansa. Excited, kasi looking forward ako sa mas madaming kaibigan at new learnings sa college life at siyempre kinakabahan, tulad ng sabi ko prestigious ang University na pag- aaralan ko, puro mayayaman at mga kilalang personalidad ang mga nag-aaral doon. Kung hindi lang naman kami scholar ni Gav ay hindi kami makakapasok sa ganoong klase ng school.

Kinakabahan ako sa posibilidad na ma-bully kami kapag nalamang hindi naman kami mayaman, ganoon kasi iyong mga napapanuod ko sa tv at may ilang news na rin akong narinig na may mga nabubully talaga sa school na iyon.

Sabagay sa panahon ngayon ay usong-uso ang bullying at sa lahat siguro ng school ay hindi na maiiwasan iyon kaya itinatak ko sa isip ko na hindi ako papaapi, hindi ako panghihinaan ng loob at kakayanin ko ang lahat para sa pangarap, fighting!

"Gav gumising ka na baka ma-late ka sa school, unang araw pa naman ngayon!"
Malakas ang sigaw ni Mama habang niyuyugyog si Gav na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa kama niya.

"Ma 'di ba sinabi mo sa'kin na 'wag akong maggi-give up sa dreams ko?"
Inaantok pang sabi ni Gav.

"Aba oo naman! Gusto ko ipursue mo ang dreams mo, mahalaga ang bawat pangarap dahil iyan ang magbibigay sa'yo ng magandang kinabukasan, huwag kang bibitaw kaya ipagpatuloy mo lang anak."

"Thanks Ma, matutulog na po ako ulit."

"Baliw ka talagang bata ka! Pati ako ay pinagloloko mo! Hala sige bumangon ka diyan!"

"Ma masakit 'yon ah! Eto na, mag aayos na po."
Natatawa ako sa hitsura ni Gav na hinihimas pa ang ulo niyang nabatukan ni Mama.

Paanong hindi siya mahihirapan gumising eh late na siya umuwe kagabi, galing na naman siya sa raket niya.

Ewan ko nga lang kung anong klaseng raket 'yon. Iba-iba kasi ang mga ginagawa niya basta matino at mapagkakakitaan ay hindi niya pinapalampas.

Sabi niya sa'kin ay galing lang siyang birthday ng kaibigan niya pero hindi niya alam na matagal ko na alam na madalas ay nagtatrabaho siya, ayaw niya kasing humihingi lagi kina Mama't Papa. Nagtataka na nga sila kay Gav kasi hindi daw nauubos ang baon.

"Luna! Luna! Luna!"

Sunod-sunod na sigaw ni Gav habang nakatayo sa salamin. Kakatapos niya lang maligo at nagbibihis na siya ng uniform.

"Aga-aga ang ingay mo! Ano bang sinisigaw-sigaw mo?"

"Ano 'to?"
Turo niya sa suot niya.

"Uniform."

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon