CHAPTER 35

68 2 1
                                    

LUNA POV

Kanina pa kami nakapalumbaba ni Gav dito sa bintana habang parehas na nakatingin sa malayo.

"Luna, Gav, aalis na kami ng Papa niyo. Kung aalis kayo mamaya ay ilock niyo ang mga pinto ng bahay."

"Opo Ma."
Sabay naming sambit ni Gav.

Napatingin si Papa kay Mama na tila nagtatanong kung bakit ganoon ang aming asta ngunit nagkibit-balikat lamang si Mama. Tuluyan na silang lumabas ng bahay para pumunta sa karinderia.

Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko iyong nakita ko sa auditorium. Si Emma at si Dillan ay halos magdikit na ang mga labi sa sobrang lapit sa isat-isa, sa hindi ko malamang dahilan ay biglang nagflashback iyong sinabi ni Emma sa amin about sa lalaking dahilan ng pagiging broken hearted niya two years ago.

"Hindi naging kami, hindi maaari, at kahit kailan ay hindi puwedeng maging kami."

Bahagya akong natinag nang mag-ring ang cellphone ko, inabot ko ito at tinatamad na sinagot.

"Hello?"

"Luna, did you just wake up?"
Si Emma.

"Hindi naman, medyo kanina pa, bakit?"

"Wala naman, your voice sounds like kagigising lang eh, anyway puwede ba akong mag-overnight diyan sa inyo mamaya?"

"Alam mo naman na puwede ka rito anytime."

"I know right but I still want to make paalam muna, nandiyan ba sina Tita and Tito kausapin ko na rin."

"Wala na. Kakaalis lang, hindi mo na kailangan magpaalam sa mga iyon, para namang iba ka pa."

"Okay sige mag-aayos na ako para maaga ako makarating diyan, nabobore na ako dito sa bahay eh, nextweek pa kasi dating nina Mom and Dad."

"Sige wait ka na lang namin dito, ingat sa biyahe bye!"

Ipinatong ko muli ang cellphone ko sa center table at bumalik sa bintana kung saan nananatiling nakatulala si Gav.

"Darating si Emma, mag-overnight daw siya rito."

"K."
Si Gav.

Alam kong wala ako sa sarili simula nang magising ako kanina pero dinaig ako ni Gav sa pagkatahimik. Hinarap ko siya habang nakanguso ang aking mga labi.

"Gav."

"Oh?"

"May problema ka ba?"

"Wala naman, bakit?"

"Eh kanina ka pa tahimik diyan, ano iniisip mo?"

"Wow ha? Ikaw nga itong nakatulala sa kawalan at nakapalumbaba mula nang magising ka."

"Hoy napansin din kita na ginaya mo ako kaya huwag kang ano diyan! Bakit nga?"

"Ikaw muna, ano iniisip mo?"

"Langya naman 'to oh! Segurista ka talaga!"
Inis kong sambit.

"Sige na, magshishare ako kapag sinabi mo rin iyang iniisip mo."

Pinagmasdan ko mabuti ang mga mata ni Gav para alamin kung nagsasabi siya ng totoo, mahirap na at may pagkamagulang ang isang ito pero nakita ko naman ang sensiridad sa mga tingin niya kaya napagdesisyunan ko na ishare sa kanya ang gumugulo sa isipan ko.

"Sige na nga! Sasabihin ko na! Pero siguraduhin mong hindi mo ako dadayain ha? Magshishare ka rin pagtapos ko."

"Oo nga! Parang timang naman eh, sabihin mo na."

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon