CHAPTER 33

39 2 0
                                    

EMMA POV

"Ano ba Emma hindi ka na nakakatuwa ah! Na-guidance na nga tayo, may detention pa tapos nakukuha mo pa tumawa? Nakakahiya 'tong nangyare sa atin para sabihin ko sa'yo!"

Nandito kami ngayon ni Luna sa student's lounge para hintayin matapos ang una naming klase. Dahil nga napapunta kami sa counselling office ay na-late na kami sa first subject namin kaya hindi na kami pinayagan na pasukan pa iyon.

"It's not about the counselling naman why I'm laughing okay?"

"Eh kung hindi iyon eh bakit ka natatawa?"

"Natutuwa ako kay Mateo!"

Hindi nakawala sa pansin ko ang biglang pagpula ng buong mukha ni Luna.

"Ano naman nakakatuwa do'n?!"

Maloloko niya ang lahat pero hindi ako. Alam kong pinipilit niyang umakto na kunwari hindi apektado pero hindi niya maitatago sa akin na hindi iyon baliwala sa kaniya.

"Stop acting Luna! He said that he enjoyed the kiss daw! Like Oh my gee! Muntik na talaga ako magtampo sa'yo dahil hindi mo man lang naishare sa'min ni Gav na you have your first kiss na."

"Hoy! Huwag ka ngang maingay diyan! Unang-una walang nakakatuwa duon at pangalawa aksidente iyong nangyari kaya puwede ba huwag na natin pag-usapan pa iyan."

"Okay but answer my question first."

"Ano ba iyon?"

"Nagustuhan mo ba iyong kiss niyo? Anong feeling?"

"Emma!"

"Fine let's forget it. . .for now. I'm sure dadating ang right time na ikaw mismo ang mag-oopen up ng mga ganitong bagay ayyiie I'm so kilig!"

"Ewan ko sa'yo! Basta hindi ako natutuwa sa nangyari sa atin ngayon Emma, bukod sa na-guidance tayo ay naparusahan pa tayo! Keri mo ba iyong paglilinis ng napakalaking auditorium aber?"

"I don't really care about the parusa, hindi lang naman tayong dalawa ang maglilinis there, kasama iyong dalawang witch and Mateo."

May diin talaga ang pagkasabi ko sa name ni Mateo to make tukso Luna and nagsuccess naman ako kasi she make her noo kunot-kunot and gave me a sharp stare.

"Ewan ko sa'yo! teka bakit sila papunta dito nalaman kaya nila iyong nangyari sa atin?"

Nakatingin si Luna sa gawing likod ko kaya mabilis kong ipinihit ang katawan ko para tignan kung sino ang tinutukoy niya, doon ay nakita ko sina Gav at Franco na palapit sa direksiyon namin.

Naupo ang silang dalawang sa mga bakanteng silya na nasa table lang din namin.

"What are you two doing here?"
Pagsisimula kong tanong.

"Ano 'tong nabalitaan ko na ipinatawag daw kayong dalawa sa counselling office?"
Si Gav.

"That's true."

"Bakit nga?"

"Wala ka bang klase Gav?"

"Huwag mo ibahin ang usapan bakit kayo napatawag do'n?"

Tahimik lang si Luna at wala atang balak sumagot sa question ni Gav kaya ako na lang ang nagsasalita.

"Well may mga inggitera kasi kami na classmates na matagal na pinag-iinitan si Luna---"

"Sino iyong mga iyon?! Resbakan natin!"

"Ano ba Gav?! Hindi ka man lang ba makikinig sa reason namin?"

"Hindi na kailangan dahil alam kong hindi kayo mag-uumpisa ng away, saka naikuwento na sa akin nito ni Franco kung ano at sino ang dahilan bago pa man kami pumunta dito."

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon