CHAPTER 16

69 35 0
                                    

GAV POV

Isang linggo na akong nagtatrabaho bilang secret body guard ni Franco.

Hindi ko nga alam kung trabaho ba ang tawag dito dahil wala naman ako ginagawa kundi bumuntot sa kanya at magmasid lang sa paligid niya.

Minsan naman ay nagtatanong siya ng mga bagay bagay tungkol sa'kin at sa pamilya ko siguro bina background check niya ako?

Andito kami ngayon sa eleganteng chinese restaurant dahil may business meeting si Franco.

Pero siyempre ay sa ibang table ako naka upo dahil hindi naman ako puwedeng makihalubilo sa mga business partner niya at isa pa secret bodyguard ako kaya hindi naman dapat na lagi akong naka dikit sa kanya.

Habang kumakain ng inorder kong cake at tea ay hindi ko namalayan na napako na pala ang tingin ko kay Franco. Paano, kakaiba kasi hitsura niya kapag naka pormal na suot mas mature at smart ang dating.

Napapangiti pa siya habang nag papaliwanag na lalo namang nakakuha ng atensiyon ko dahil sa pagsulyap ng maganda at malalim niyang dimple. Napapasuklay pa siya sa makintab niyang buhok tapos ay hihigop ng tsaa na nasa harapan niya lang.

'Pag lapag niya ng tasa sa table ay napatingin din siya sa akin kaya nagtama ang aming mga mata, kinabahan naman ako bigla kaya hinigop ko agad ang tea na bagong lagay ng waiter.

Nagkatapon-tapon ang tsaa at halos mabitawan ko ang tasa dahil napaso ako sa sobrang init. Nang muli akong sumulyap kay Franco ay nakita kong pailing-iling siya habang naka ngisi ng nakakaloko pero hindi na siya nakatingin sa'kin.

Nakakahiya! Bakit ba nagpahuli akong pinagmamasdan ko siya?! At bakit ko ba siya tinitignan? Haist. Nagfocus ako sa sarili kong pagkain at hindi ko na muling inikot ang mga mata ko para maiwasan kong makita si Franco.

"Do you mind if  I join you?"

Isang pamilyar na boses ang nagpaangat ng tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Kiel?"

"Hi boss babe! Upo na ko huh?"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Kakain ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Ha?.. ah.. kumakain."

"Hmm.. I see dati kasi hindi ka naman mahilig sa expensive restaurants."

Patay! Ano bang idadahilan ko dito kay kiel? Kilala ako nito at alam kong alam niyang hindi naman talaga ko kumakain sa ganitong klase ng lugar dahil unang-una hindi ko afford. Pangalawa, hindi ko padin afford.

"Tsk! Hindi ba puwedeng gusto ko lang i-try?"

"Order pa tayo hindi ka naman mabubusog diyan sa kinakain mo e, may anaconda ka kaya sa tiyan."

Hahaha

Sige tawanan mo pa ako lokong ito!

"Hindi na nag da-diet ako eh."
Dahilan ko sa kanya.

Whahaha!

Tulad kanina ay tinawanan niya nanaman ako. Isa nalang talaga kutos na'to sa'kin.

"Tigilan mo nga ko hindi bagay sa'yo ha."
Si Kiel.

"Oo na sige na nagugutom talaga ko eh, lilibre mo ba ako?"

"Kiss mo muna ako."

"Sapak gusto mo?"

"Hindi ka naman mabiro sige umorder kana ulit ng gusto mo at sa susunod ay 'wag ka na magpapagutom."

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Kiel. Nuon pa man ay maalaga na talaga siya sa aming mga babae na malapit sa kanya. Mabuting kaibigan siya sa amin ni Luna, protective din siya kay Emma na pinsan niya at sa kapatid niyang si Sophie kaya pati sa'kin ay ganoon din ang turing niya.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon