CHAPTER 17

68 33 0
                                    

LUNA POV

Tulad ng mga nakaraang araw ay nag antay ako kay Mateo para gawin ang mga dapat kong gawin sa bahay niya.

Hindi ko na kasi pinaayos iyong laptop dahil sabi ni Gav ay bibili nadin daw siya ng bago sa katapusan kaya sayang lang daw ang gagastusin ko kasi matindi na ang sira ng laptop namin dahil sa katagalan.

Andito ako ngayon sa passenger seat ng kotse ni Mateo. Alam na nila Mama at Papa na pumupunta ako sa bahay niya para gumawa ng mga assignment. Sinabi ko sa kanila ang tunay na dahilan at naintindihan naman nila ang mga pangyayare.

Ayoko kasi talagang nagtatago ng sikreto sa kanila at isa pa ay nakilala na nila minsan si Mateo at alam kong malaki ang tiwala sa'kin ng mga magulang ko.

"Luna, dadaanan ko muna si Via ayos lang ba sa'yo? Kain lang tayo sa restaurant then after nun pupunta na tayo sa bahay."

"Okay lang naman pero mag antay nalang siguro ko dito sa car mo? Nakakahiya naman kasi parang istorbo pa ko sa inyo."

Nahihiya kong sagot sa kanya. Ayoko naman kasi maging third wheel sa kanila saka date nila iyon tapos sagabal pa ko?

"No you will eat with us, I'm sure okay lang naman iyon kay Via."

"S..sure ka?"

"Yep andito na tayo, nagaantay na siya sa loob."

Pinark ni Mateo ang sasakyan niya sa tapat ng isang korean restaurant. Sumabay naman ako sa kanya sa pagbaba ng kotse at naglakad kami pareho papasok para hanapin si Via sa loob.

Pagpasok namin sa pinto ay kumaway agad si Via na may ngiti sa mga labi ng makita si Mateo pero nagbago ang expression ng mukha niya nang makita niya ako. Hindi niya siguro inasahan na kasama ako ng boyfriend niya, nakakainis naman kasi 'to si Mateo sana ay pinaalam niya muna bago niya ko sinama 'diba Nakakahiya tuloy kay Via.

Lumapit ng mabilis si Mateo kay Via at hinalikan ito sa pisngi.

"Babe sinama ko na si Luna, after kasi nito ay pupunta siya sa bahay I already told you about our deal right?"

"Yeah It's okay."

Nginitian ako ni Via at hinalikan din sa pisngi. Hindi ko alam pero may pakiramdam akong pilit ang ngiting binigay niya sa'kin? Umupo kaming tatlo. Magkatabi silang dalawa at ako naman sa tapat nila. Pagtapos umorder ng pagkain ni Mateo ay nagpaalam siya na may kukuhanin sa kotse kaya naiwan kaming dalawa ni Via sa lamesa.

"Kamusta na Luna? Hindi ka naman ba pinapahirapan masiyado ng boyfriend ko? Sabihin mo lang ha! Pagsasabihan ko iyon."

"Hindi naman nasanay nadin siguro ko sa moodswings niyang boyfriend mo."

Natawa siya sa sagot ko pero madali iyon naglaho at napalitan ng pilit na ngiti. Alam kong may hindi siya sinasabi kaya hindi ko maiwasan ang magtanong.

"You don't look okay Via may problema ba?"

"Sa totoo lang ay naiinggit ako sa'yo Luna."

Hindi ako nakasagot, bagkus ay hinintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin. Kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan at dama ko ang bigat ng kanyang kalooban.

"Never pa ako nadala ni Mateo sa bahay nila at never ko pa nakilala ang kapatid niyang si Lorenzo. Tulad mo ay ordinaryong tao lang din ako, magkaiba ang mundo namin ni Mateo. Dati akong empleyado sa isa sa mga kumpanyang hawak ng pamilya Delgado at doon ako nakilala ni Mateo kaya nang malaman ng mga magulang niya na nakikipag relasyon siya sa'kin ay ginawa nila ang lahat para paghiwalayin kami. Tinanggal nila ako sa trabaho pero buti nalang ay nahanapan pa ko ni Mateo ng trabaho sa kumpanyang pagmamay ari ng kaibigan niya. Isang taon na kaming magkarelasyon at isang taon nadin kaming nagkikita ng palihim. To tell you honestly, gusto ko siyang masolo ngayon kasi nga bihira ko na siya makita at sobrang miss ko na siya pero nang makita kita narealise ko na mas madalas pa kayo magkasama."

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon