CHAPTER 22

58 30 0
                                    

MATEO POV

I was so damn stupid to love a woman like her.

Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng binigay at pinakita kong kabutihan sa kanilang magkapatid ay ito ang isusukli niya sa akin, ang lokohin at pagmukhain akong tanga.

Yeah I'm a bit hurt because I was serious about us but the pain that I am feeling right now is tolerable. This is not the first time we broke up so I am kinda used to it already.

My parents don't like her because they said she's a gold digger. Nagalit ako sa kanila noon dahil ayokong pagsasalitaan nila si Via ng ganoon but I just realised that they are right, She really is a gold digger. Actually hindi naman ako tanga para hindi mahalata ang mga bagay na iyon. Matagal ko nang napapansin na sa akin lahat hinihingi ni Via ang mga bagay na kailangan nila.

I was aware from the very start but I just let her do it, hindi dahil sa nagpapakatanga ako pero dahil iyon lang ang kaya kong gawin para kahit papaano ay makatulong sa mga nawala sa kanila magkapatid.

Kung tutuusin ay maliit na bagay lang ang mga nabibigay ko sa kanila kumpara sa nawala sa kanila. Via's Father was a former employee of Delgado Corporation, tinanggal siya sa trabaho dahil sa pagnanakaw at nabaon daw sa utang ang pamilya nila. Nalaman na lang ng lahat na nagpakamatay daw ito dahil hindi na kayang makapagbayad pa.

Nadepressed naman ang Mother nila at hindi kinaya ang mga nangyari, dahil sa mahina ang puso nito ay ikinamatay niya iyon, naulila sa mga magulang sina Via at Carlo. Naging usap-usapan sa opisina ang pangyayaring iyon kaya gumawa ako ng paraan para matulungan ang magkapatid. Inutusan ko ang personal secretary ko na i-hire si Via sa company namin. Nakilala ko siya at naging malapit kami sa isat-isa.

Noong una ay awa lang ang nararamdaman ko sa kaniya pero may pagka-aggressive si Via at lagi siyang nagbibigay ng motibo para gustuhin ko siya, lalaki lang ako kaya nahulog ako sa patibong niya. Hindi nagtagal ay nalaman ng parents ko ang tugkol sa'min at ginawang miserable ang buhay nila magkapatid.

Ilang beses akong nakipaghiwalay sa kanya para hindi na siya pag-initan ng Mom ko pero lagi akong naaawa kay Via. Minahal ko naman siya at nasanay na din ako sa presensiya niya kaya nga kahit ilang beses kaming magkahiwalay ay lagi din kami nagkakabalikan pero hindi na ngayon dahil noon pa 0lang pala ay niloloko niya na ako. Talagang yaman ko lang ang minahal niya sa akin at hindi ang pagkatao ko. A year that full of lies is enough.

Nagdadarive ako ngayon papunta sa school at simula ngayon ay kakalimutan ko na ang lahat ng nangyare kagabi sa Zambales. Nakarating na ako sa school kaya pinark ko ang kotse ko sa parking area at dahil maaga pa naman ay naisipan kong pumunta muna sa library dahil wala akong time nitong nagdaan na weekend para gawin ang short report ko sa Marketing Management subject kaya ngayon ako gagawa.

Naglakad ako papunta sa elevetor ngunit bago tuluyang makalapit ay napansin ko si Luna na nakatayo at mukhang naghihintay din doon. Nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin. I almost forgot, galit siya sa akin dahil sa nangyari no'ng isang gabi sa Zambales. I yelled at her at hindi lang iyon dahil nag-iwan pa ako ng pasa sa braso niya.

Una kong napansin iyon no'ng kakain siya ng breakfast, She sat infront of me kaya napansin ko agad na may pasa siya sa braso, bakas pa ang kamay ko kaya sobrang na guilty ako. Tumayo ako agad no'n dahil hindi ko matagalang makita iyong katangahang ginawa ko sa kaniya.

Buong biyahe kagabi ay hindi niya ako pinansin, I tried to talk to her to apologize pero dahil hindi ko gawain ang humingi ng tawad ay hindi ko magawang lapitan siya.

TING!

Andito na ang elevetor kaya pumasok na ako agad at pumuwesto sa dulo at sulok. Sumunod naman si Luna sa'kin, pumuwesto siya sa unahan pero dahil medyo madami ang tao ay naitulak siya ng mga ito papunta sa dulo kung saan ako nakatayo. Marami pa ang humabol na estudiyante kaya naging siksikan ang elevator.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon