CHAPTER 19

73 34 0
                                    

LUNA POV

Nagmamadali kami ngayon maglakad ni Emma papunta sa parking lot kung saan naghihintay sina Mateo, Dillan at Franco.

Kakatapos lang ng mga klase namin pero dumaan pa kami sa locker area para iwanan ang mga bag namin at kunin din ang outing bag na hinanda na namin kagabi pa. Nauna iyong mga boys dahil maaga daw natapos ang mga klase nila habang si Gav naman ay kakatawag lang para ipaalam na parating nadin siya sa meeting place naming lahat.

Pagdating namin sa parking lot ay nakita agad namin si Dillan na nakasandal sa kotse niya. Bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang kunin niya ang mga dala naming gamit ni Emma at ipasok iyon sa compartment ng kotse niya. Lumabas din si Mateo at Franco sa kani-kanilang sasakyan, hindi naman nagtagal ay dumating na si Gav na halatang hinihingal.

"Anong nangyare sa'yo Gav?"
Si Emma.

"Paano nakaka irita 'tong si Franco panay ang text at pinagmamadali ako dahil paalis na daw kayo kaya tumakbo na ako papunta dito."

Napatingin naman kami lahat kay Franco na halatang guilty.

"Eh siya nalang naman talaga ang inaantay natin ah. Isa pa ay traffic ngayon kaya dapat maka alis na tayo agad."
Depensa ni Franco.

Kararating lang din naman namin ah hindi naman nila kami kinulit masiyado? pero base sa sabi ni Gav ay kanina pa daw siya pinag mamadali ni Franco, kawawang Gav napressure ng wala sa oras.

"Sige na tama na iyan tara na habang maaga pa, sinong sasabay sa'kin? walang laman ang kotse ko dahil kaninang umaga pa umalis sila Via papunta doon sa Zambales."

Pagkasabi nun ni Mateo ay napakunot naman ang noo ni Emma at napahalukipkip sabay salita.

"Tatlo kaming sasakay kay Dillan Ako, si Gav at si Luna so kayong dalawa ni Franco ang walang kasama at magdadrive ng sari-sarili niyong sasakyan."

"No! Sa akin sasakay si Gav."

"At bakit mo gustong kasama si Gav ha Franco?"

"K...karelyebo 'pag napagod ako sa pagdrive."

"Marunong nga akong mag drive pero wala pa akong lisensya kaya paano mo ko magiging karelyebo?"
Si Gav naman.

"That's right wala pa siyang lisensiya kaya sa'min siya sasakay and stop making excuses Mr. WEI."

"Why? Gusto mo ba ikaw ang yayain ko na sumabay sa kotse ko Ms. CONCEPCION?"

Tulad ng pag diin ni Emma sa apelyido ni Franco ay ganoon din ang pagdiin ni Franco nang sabihin niya ang surname ni Emma bukod pa dun ay ang nakakalokong pagngisi nito na halatang nang aasar.

"Emma, Luna and Gav please pumasok na kayo sa kotse ko gagabihin pa tayo dito eh."
Pagsingit naman ni Dillan.

Parang wala ata sa mood si Dillan ngayon? Sana naman ay maging okay na siya agad.

"I have an idea."

Sabay-sabay kaming lahat na napatingin kay Mateo nang sabihin nito na may ideya daw siya at dahil curious ako ay ako na ang unang nagtanong.

"Ano?"

"Wala ng magdadrive sa'ting tatlo, Ipapadala ko nalang sa driver ko 'yong sprinter van dito para sama-sama nalang tayo lahat."

Nag agree ang lahat sa ideya ni Mateo, pabor pa nga iyon dahil walang mapapagod sa kanila dahil ilang oras din ang biyahe papunta sa Zambales. Hindi naman nagtagal ay dumating din ang van at driver na sinasabi ni Mateo.

Isa yong black Mercedes sprinter van. Bumaba ang driver at pinagbuksan kami ng pinto, isa-isa naman kaming nagpasukan dito. Na-amaze ako pagpasok dahil hindi iyon isang typical van na nasasakyan ko, Customized ang buong interior ng van. Siyam lahat ng upuan at anim doon ay magkakaharap sa isat isa habang may naiiwang malaking espasyo sa gitna.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon