CHAPTER 24

65 24 0
                                    

LUNA POV

Masaya ako dahil sabado ngayon at dahil sabado nga ay wala akong pasok.

Malaya akong makakapagpahinga ng mahaba kaya nga maaga kong tinapos ang mga homework at reports namin ni Mateo.

Sinabi sa'kin ni Mateo na bayad na daw ako sa utang ko at hindi ko na kaylangang gawin ang homeworks niya pero dahil may natitira pa akong mahigit isang linggo ay hindi ako pumayag.

Alam ko naman na nasabi niya lang iyon kila Mama at Papa para hindi ako lubusang mapagalitan nung nakatulog ako sa bahay nila.

Tatapusin ko padin ang napag usapan namin pero hindi na ako pupunta sa kanila dahil nakabili na si Gav ng bago naming laptop.

Nagulat nga ako dahil hindi ko akalain na nakaipon na siya ng malaki para makabili ng ganitong bagay pero hindi na ako masyado nagtaka dahil masipag si Gav at madami siyang pinag kakakitaan.

Knock! knock! knock!

Mabilis kong binuksan ang pinto ng kuwarto namin ni Gav nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok.

"Papa bakit po?"

"Si Gav?"

"Naliligo po."

"Paki sabi nga nandito na si Mateo, may lakad daw sila."

"Huh?"

"Naghihintay si Mateo sa sala at aalis daw sila ni Gav."

"A. . .ah okay po."

Kinatok ko si Gav na naliligo sa banyo na nasa loob lang din naman ng kuwarto namin.

"Gav andiyan na daw si Mateo sa sala hinihintay ka."

"Okay paki sabi wait lang patapos na ako."

"Gav."

"Oh?"

"Saan kayo pupunta ni Mateo? Saka kelan pa kayo naging close ha?"

"Tropapeepz na iyan si Mateo, okay na siya sa'kin"

"Bakit nga? 'Di ba nung nakaraan lang ay galit ka sa kanya dahil nakatulog ako sa bahay nila?"

"Kasalanan mo naman iyon Luna 'wag mo na isisi sa iba."

"Siya na ngayon ang kinakampihan mo ganoon?"

"Hindi naman pero natutuwa akong hindi siya nagtake advantage sa'yo kahit nasa puder ka niya."

"Anong hinde!? Malay mo ba ha? alam mo bang lagi ako iniinis ng lalaking iyon malamang ay crush ako nun!"

"Assuming ka lang."

"Ayan ang nagagawa ng kakadikit mo sa Mateo na iyan Gav, nabibilog niya na ang utak mo! kelan pa ako naging aasuming aber?"

"Ngayon-ngayon lang."

"Tss! Kahit kelan talaga walang makukuhang matinong sagot diyan sa bibig mo!"

"Luna ang aga-aga puro ka kuda! Wala siyang ginawa sa'yong hindi maganda kaya palagay na ang loob ko ."

"Sus! Iyon lang? Iyon lang Gav pinagpalit mo na ang pagiging magkaptid natin slash bestfriend ha?iyon lang tropa na kayo agad?"

"Langyang iyan! Ano bang kina-iinis mo Luna?"

"W..wala! Hindi naman ako naiinis ah? Nagtatanong lang!oh saan naman kayo pupunta?!"

"Kaylangan lagi nakasigaw?! Secret!"

"Ano nagpapatayan na ba kayo magkapatid diyan?! Hala sige andito ang mga kutsilyo tig isa kayo! Kaaga-aga nagbubulyawan kayo!"

Tss! Ang oa ni Papa ha eh mas mabubulabog ang mga kabitbahay sa sigaw niyang iyon. Hindi na nahiya kay Mateo, ano ba 'yan!

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon