CHAPTER 26

77 17 1
                                    

GAV POV

"Why so sexy boss babe?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Why so sexy boss babe?"

Bulong niya sa tenga ko na nagdulot naman ng kaunting kiliti sa pakiramdam ko.

"Kiel! Ano ka ba bitawan mo nga ako baka mamaya kung ano isipin sa'tin ng mga tao."

Dali-dali akong humiwalay sa katawan niya at bahagyang inayos ang sleeve na nakalaylay sa mga balikat ko.

"May malisya na pala ginagawa ko? Dati ay okay lang naman sa'yo ah?"

Binigyan niya ako ngayon ng nakakapang asar niya na ngiti pero cute padin naman tignan.

"Bugok ka talaga eh! Kung paakbay-akbay lang din ay ayos lang iyon pero iyong ginawa mo ngayon parental guidance 'yon dude!"

"Fine edi akbay nalang."

Mabilis siyang lumapit ulit sa akin at inakbayan ako na halos masubsob na ang mukha ko sa dib-dib niya.

Kinurot ko naman siya ng malakas sa tagiliran dahilan para mabitawan niya ako.

"Aray! What's that for boss babe?"

"Ako pa talaga uutakan mo ha Kiel? Hindi akbay iyong ginagawa mo, yakap 'yon! Isa pa makaka tikim kana talaga sa'kin ng mas malala."

"Oohh sounds like fun, parang gusto kong matikman 'yang malala na sinasabi mo?"

Bahagya niyang binasa ang kanyang mga labi at tinignan ako ng nakakaloko. Sa tingin at tono ng boses niya ay alam kong iba ang naiisip niya, green minded talaga ang unggoy na'to!

Binigyan ko siya ng mahina pero madiin na suntok sa sikmura.

"Aahh! Sorry na."

"Umayos ka Kiel."

"Oo na hindi ka na mabiro eh! maiba ako, anong ginagawa mo dito?"

"Ano pa nga ba edi trabaho."

Nag umpisa na ang event pero magkatabi padin kami ni Kiel na parehas umiinom ng wine.

"Hindi niya ba kayang bantayan ang sarili niya sa event na'to?
Si Kiel.

"Trabaho kong ituon ang mata ko sa kanya at isa pa ay binabayaran niya ako ng malaki kaya wala akong karapatan magreklamo."

"Pero bakit baliktad ang nakikita ko? mukhang siya pa ang nagbabantay sa'yo."

"Ha?"

Kunot nuo kong tanong kay Kiel, nginuso niya naman ang direksyon kung saan naroon si Franco at mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita ko ang nanlilisik na mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Nagalit siguro dahil natanggal ko ang focus ko sa kanya, si Kiel naman kasi ginulo ako.

Iniwan ni Franco ang kausap niyang lalaki at nag umpisang maglakad papunta sa amin ni Kiel.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon