CHAPTER 23

64 27 2
                                    

LUNA POV

Bagaman medyo mabigat ang lagay ng katawan ko ay masasabi ko na talaga namang masarap ng tulog ko ngayon, napaka presko at at kumportable sa pakiramdam.

Ang lambot-lambot ng kama ko, parang ngang nasa water bed ako, hindi naman aircon ang kuwarto namin ni Gav pero ang lamig ng paligid kaya nakabalot ang katawan ko ng makapal na comforter.

Fulfilling iyong pag uunat ko, pakiramdam ko ay isang linggo ako natulog. . teka! Nasabi ko ba kaninang naka comforter ako? Pero manipis lang naman ang kumot ko ah?

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang malaking kuwarto na pamilyar sa paningin ko. Napabalikwas ako bigla nang marealise kong wala ako sa sarili kong higaan at laking gulat ko nang makita si Mateo na nakaupo sa sofa, naka crossed legs at naka pangalumbaba habang nakatingin sa akin.

"Bakit ako nandito?"

"Nakatulog ka lang ay nakalimutan mo na ang nangyare?"

"Ha? A..anong nangyare? M..may nangyare?"

"Will you stop thinking about something else, hindi ko alam na ganiyan ka kamalisyosa Luna. Natulog ka lang naman ng hindi mo tinatapos iyong assignments ko pero yung sa'yo natapos mo."

"Huh? Hindi kaya--"

"Nakita ko at chineck ko kaya 'wag ka na mag sinungaling."

"Sorry na mas madali kasi iyong assignments ko kaya inuna ko na, sige na tatapusin ko na iyong sa'yo."

Bumangon ako para pumunta sa study table pero bigla din tumayo si Mateo at hinila ako paupo ulit sa kama. Magkatabi na kami ngayon.

" No need tinapos ko na habang tulog ka."

"Matagal ba akong nakatulog? Anong oras na ba?"

"2 a.m."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko, hinablot ko ang wrist ni Mateo para i-double check ang oras sa relo na suot niya at doon ay sinampal ako ng katotohanang alas dos na nga ng madaling araw! Paano nangyare 'to?!

"Hindi puwede!"

"Kanina pa ko inaantok pero dahil nakahiga ka sa kama ko ay nag tiis ako sa sofa."

"Bakit hindi mo ako ginising?"

Nakasigaw kong tanong sa kanya, Nagtatambulan naman ang puso ko sa kabang nararamdaman dahil sigurado akong hinahanap na ako ng mga magulang ko sa oras na 'to.

"Puwede ba 'wag kang sumigaw? Magkatabi lang tayo, akala mo nasa kabilang kanto ko sa lakas ng boses mo."

"Hindi mo naiintindihan eh,  malamang ay hinahanap na ako ng mga magulang ko ngayon tapos malalaman nila galing ako dito sa bahay mo? sigurado kong ibibitin nila ako patiwarik!"

"Edi ibitin ka nila! kung ako iyong magulang mo ay gagawin ko din iyon. Sino ba namang matinong babae na uuwe ng madaling araw tapos galing pa sa bahay ng lalaki? Tsk tsk I'm sure mag iisip na sila ng masama."

Sabi ni Mateo habang iniiling-iling pa ang ulo. Nakakainis! Takutin daw ba ako? Well effective dahil kinabahan naman ako lalo kasi ay totoo naman ang sinasabi nya.

Napa palo ako sa noo ko, sa kaba ko ay nanginginig nadin ang mga kamay ko, napasulyap ako kay Mateo at nainis ako nang makita siyang pinagtatawanan ako.

"Kasalanan mo 'to!"

"Hoy Luna! Ikaw ang may kasalanan niyan kaya 'wag mong pinapasa sa'kin."

"Bakit mo kasi ko hiniga dito sa kama mo, napasarap tuloy ang tulog ko!"

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon