CHAPTER 5

173 97 128
                                    

FRANCO POV

It's been two days simula nang mahanap namin si Mateo, kinailangan niyang bumalik agad ng Manila dahil gusto siyang makausap ng Dad niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It's been two days simula nang mahanap namin si Mateo, kinailangan niyang bumalik agad ng Manila dahil gusto siyang makausap ng Dad niya.

I had no reasons to hide the incident from his parents but I was not the one who tell them what really happened. Hindi lingid sa kaalaman namin ni Mateo na laging may mga mata na nakabantay sa kanya.

Simula pagkabata namin ay lagi na kaming may mga kadikit na bodyguards, bukod pa doon ay may mga spy din na lagi nagmamatyag sa bawat galaw niya.

Well ako, medyo niluwagan na ako ng parents ko, binawasan na ang mga bodyguards ko at wala na ding mga spy na maya't mayang nagrereport sa kanila ng mga ginagawa ko dahil sobra akong nagrebelde to the point na hindi na ako nakikinig sa kanila.

But whatever I do, I just can't escape. They're still controlling my whole life, same with Mateo, we are prisoners of our own world, I hate the fact that this is our f*cking life. A life with no choice. A life full of bullsh*t.

Ring!Ring! Ring!

"What do you want?"

"Easy Franco Wei, masama bang mangamusta sa isang kaibigan?"

"I already quit! Huwag mo na ako ulit tatawagan."

"Nagpapatawa ka ba talaga Wei? Alam na alam mong walang ayawan 'to, 'pag pumasok ka na ay wala nang labasan pa."

"Nakapagdecide na ako at kumakalas na 'ko!"

Hahaha

Umalingawngaw sa kabilang linya ang tawa niyang nakakainsulto kasunod niyon ay ang pagbabanta sa akin.

"Alam mo ang kaya naming gawin! Ganyan ka na ba kasawa sa buhay mo?"

"Ikaw ata ang nagpapatawa Baron, Ako ba talaga ang tinatakot mo?"

"Oo maliit lang kami kumpara sa'yo pero kilala mo kami magtrabaho Wei, wala kaming sinasanto! langit o lupa ka man! Gangster ka din kaya alam na alam mo 'yan!"

"Hindi na ngayon!"

"Masyado pang maaga para bumitaw Wei, sa ngayon ay mag-enjoy ka muna diyan sa bakasyon mo."

Akala ko ay pamilya ko lang ang puwedeng magmatiyag sa bawat galaw ko, ngayon pati ang grupong pinagtataguan ko ay binabantayan na din ako. Tsk! hindi ko naisip na lalo ko lang pinaliit ang mundo ko.

Two years ago nang mapasali ako sa grupo ng mga gangster na kilala sa tawag na 'RapidBones'.

Hindi sila kalakihang gang pero kilala at kinatatakutan kaya walang may lakas ng loob para kalabanin o sanggain sila.

Bibihira din ang mga palyadong misyon kaya ayun ang naging dahilan ko para pasukin ang mundo ng pagiging gangster.

Marami akong pinapatakbong mga negosyo at marami din ang binabaliktad ako. Patas ako lumaban pero 'pag ginago ako, tiyak na pagsisisihan nila.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon