CHAPTER 10

82 52 0
                                    

LUNA POV

Pagkatapos ng klase namin ni Emma ngayong araw ay niyaya niya kami ni Gav na magsleepover sa bahay nila kaya pagdating ko sa bahay ay nagpaalam na ako kina Mama at Papa na hindi kami matutulog ngayong gabi sa bahay at didiretso na kami bukas sa school.

Mayamaya pa ang uwe ni Gav dahil may klase pa siya kaya susunod na lang daw siya sa bahay nila Emma. Hindi naman ito ang kaunahang pagkakataon na mgiisleep over kami kila Emma.

Highschool pa lang kami ginagawa na namin ito at kung minsan naman si Emma ang natutulog dito sa bahay namin. Inilagay ko na sa bag ang mga damit na kakailanganin ko, kinuhaan ko na rin ng mga gamit si Gav dahil hindi na siya uuwe dito sa bahay mamaya.

Knock... knock... knock

"Luna nariyan na si Mario sa labas inaantay ka na."

"Okay po Ma palabas na po ako."

Si Kuya Mario ang personal driver ni Emma. Close siya sa amin at kina Mama at Papa. Para na rin siya naming Tito, tuwing hinahatid niya si Emma dito sa bahay ay lagi siyang inaaya na kumain ni Mama ko kaya madalas silang nauuwi sa kuwentuhan.

Minsan naman ay niyayaya din siya ni Papa na mag-inuman at hindi iyon matatanggihan ni Kuya Mario kaya naman magkakaibigan na ang turingan nila.

Nagpaalam na ako kila Mama at Papa. Dumiretso na ako sa sasakyan nila Emma. Nasa labas naman ng kotse si kuya Mario para antayin at alalayan ako sa mga dala ko.

"Kuya hindi mo naman na po ako kailangan pa tulungan dito, konti lang naman po itong mga dala ko at hindi po mabigat."

"Hayaan mo na ako Luna dahil nakasanayan ko ang ganitong trabaho. Sige na pumasok ka na at inaantay ka na ni Emma sa bahay."

Pinagbuksan pa ako ng pinto ni Kuya Mario at inilagay ang mga gamit ko sa compartment.

"Hindi ka naman po sa'kin nagtatrabaho kuya eh, kila Emma po."
Nakangiti kong sabi kay Kuya.

"Hindi naman ito dahil sa trabaho ko lang, para ko na rin kayong mga anak kaya nag-aaruga rin ako para sa inyo."

Napangiti akong muli sa sinabi ni Kuya. Totoo naman na hindi lang siya kay Emma nagiging mabuti at matulungin pati rin sa amin ni Gav.

Wala pa masyado traffic nang bumiyahe kami kaya hindi nagtagal ay nakarating din kami sa bahay nila Emma.

Nauna nang ipasok ni Kuya mario ang mga gamit na dala ko paakyat sa guest room pero ang totoo ay hindi naman kami natutulog doon dahil tabi-tabi kami natutulog sa queen sized bed ni Emma.

Sinalubong naman ako agad ng yakap ni Emma. Akala mo naman ay hindi kami magkasama sa school kanina kung makabati pero ganiyan talaga siya sweet at topakin din kung minsan.

Pagpasok namin sa bahay nila ay lumabas mula sa kusina si Tita Amie, ang mabait, maganda at sexy na Mommy ni Emma. May dala-dala siyang cake.

"Hi Tita! Good afternoon po."
Lumapit siya sa akin para yakapin at halikan.

"Luna, kumain na kayo ng meryenda, nagbake talaga ko ng chocolate cake dahil alam kong paborito niyo ito ni Gav."

"Thank you po Tita."

Naupo kami ni Emma sa table para tikman iyong bake na cake ni Tita and she never fails to amaze us, napakasarap niya magbake ng mga cake at cookies dahil iyon din naman ang specialty niya.

Naglabas pa si Tita ng cookies at juice. Sinunod naman ng yaya nila iyong isa pang cake at ipinatong iyon sa table.

"Nagbake ka rin ng carrot cake Mom?"
Si Emma.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon