CHAPTER 14

75 35 0
                                    

MATEO POV

Napansin ko na namumula at namamaga na ang ankle niya kaya diniretso ko siya sa isa sa mga ospital na pagmamay ari ng pamilya namin.

Nasa emergency room siya ngayon para lapatan ng pang unang lunas. Pina xray din ang paa niya na may bali para matiyak ang kondisiyon nito.

Somehow, I feel guilty dahil kung hindi ko kasi siya nabagsak kanina ay hindi naman siya maiisprain.

Nagulat kasi ko nang humarap ang mukha niya sa mukha ko, sa sobrang liit ng pagitan naming dalawa ay puwedeng magdikit ang mga labi namin.

Naalala ko iyong mga oras na nasa isla kami. Dumating ako sa punto na nawalan ako ng control sa sarili at muntik ko na siya mahalikan.

Kung hindi nga lang dumating ang mga rescue ay hindi iyon mapipigilan. Hindi ko talaga maintindihan kung anong meron siya na sa tuwing mapapatingin ako sa mga labi niya ay numinipis ang self control ko.

"Mr. Delgado."

"Yes doc?"

"Base po sa result ng exams and test ay wala naman major fractures na nangyare sa ankle niya. May naipit na ugat na nagawan naman na po namin ng paraan but I will still prescribe medications for the patient's fast recovery."

Pagkatapos ibigay sa'kin ng doctor ang mga gamot at instructions ay pinuntahan ko siya sa bed niya. Nakita kong naka bandage at elevated position ang paa niya.

Inalalayan siya ng mga nurse paupo sa wheelchair at may staff na sumama maghatid para matulungan siya sa pagpasok sa kotse ko.

Tinatahak ko na ngayon ang daan na itinuro niya kanina pauwe sa bahay nila. Napawi ang katahimikan nang magsalita si Luna.

"Salamat sa pagdala sa'kin sa ospital."

"No worries may kasalanan din ako kaya dapat lang na ipagamot kita."

ring...! ring..!.. ring !

Alam kong magsasalita pa ulit sana si Luna pero nag ring ang cellphone ko kaya natigilan siya.

Nakita ko sa screen na si Via ang tumatawag, mabilis ko naman iyon nasagot dahil naka wireless earphones ako tuwing nasa sasakyan.

"Hi babe! Nakauwe ka na?"

"Hindi pa babe nag dadrive ako ngayon kasama ko si Luna, naaksidente siya kaya ihahatid ko siya sa kanila."

Hindi ko alam kung bakit saglit siyang natigilan. I know Via at hindi siya selosang tao siguro stress lang sa work niya kaya parang naiba ang mood.

"Bakit anong nangyare? Masama ba lagay niya?"

"Na sprain iyong paa niya pero okay naman na siya ngayon."

"Aw.. okay I hope she's fine? Ingat kayo sa biyahe ha paki sabi kay Luna tatawagan ko nalang siya mamaya bye I love you!"

"Okay I love you too."

Nilingon ko si Luna at nakita kong nakadungaw lang siya sa bintana.

"Ah Luna."

"Hmm?"

"Kung puwede 'wag na makarating kay Via iyong tungkol sa nangyare sa isla."

Napakunot noo siya sa sinabi ko, hindi niya siguro gusto ang ideya na ilihim iyon but for me that is for the better.

"Ano bang nangyare sa isla?"
Takang tanong niya sa akin.

"Iyong nangyare sa atin."

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong paluin sa balikat at sinigaw-sigawan.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon