CHAPTER 2

213 96 285
                                    

GAV POV

"C'mon Gav let's dance on the dance floor!"

Tss kahit anong pag-aya sa'kin ni Emma ay hindi niya ako mapapasayaw noh! If I know puro manyakol ang mga lalaking nasa dance floor, kunwari nakikisayaw pero huwag ka nanchachansing na pala! don't me.

Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang yosi, shit! na kay Luna nga pala! Bakit ko ba nabigay iyong mga 'yon?tsk no choice, itong alak na lang talaga ang paglilibangan ko. Eh kung habulin ko na lang kaya si Luna tutal ay kakalabas pa lang naman niya?

Nang palakad na 'ko palabas ay sinilip ko muna si Emma sa dancefloor, pinapalibutan siya ng mga lalaki, pasaway talaga 'tong babaeng 'to! Mukhang may tama na din kaya 'di napapansing minamanyak na siya ng ibang lalaki.

Nag-init agad ang ulo ko nang makita 'yon kaya imbis na lumabas para hanapin si Luna ay dumiretso ako kay Emma para ilayo siya sa mga lalaking nagte-take advantage sa kanya.

"Emma naman! Minamanyak ka na doon sige ka pa din hataw! 'Yan ang ayaw ko sa'yo 'pag nasa ganitong lugar tayo eh wala kang control!"

"Gav you're being over protective na naman eh, for once please trust my actions, I know what I'm doing okay?"

Luh? Ako na nga 'tong nag-aalala para sa kanya ay ako pa ang inirapan? Mahusay din talaga Tsk! Matigas talaga ulo niya, hindi na ako sumagot at baka magbangayan lang kami magdamag.

Siguro nga ay over protective ako sa kanila ni Luna, alam ko kasi na ganoon din naman sila sa'kin lalo't pare-parehas kaming mga babae.

Madalas nga ay napapagkamalan na 'kong jowa ng dalawang 'yon tuwing pinagtatanggol ko sila sa mga lalaking umaaligid na mukha pa lang ay 'di na dapat pagkatiwalaan pa.

Lahat nga ata ng mga kakilala namin ay tomboy ang tingin sa'kin tsk. Hindi nila alam na na-aatract din naman ako sa mga lalaki noh! Pero siyempre secret lang 'yon, kakantiyawan lang naman ako nila Emma at Luna 'pag nalaman 'yon.

Kahit na boyish ako ay nangangarap pa din naman ako na isang araw ay may Lee Min Ho na darating at magpapatibok ng puso ko.

Ano ba 'to, baka 'pag may makakita sa'kin dito iisipan talaga na may sayad ako sa utak eh, abot tenga ba naman ngiti ko with hidden kilig pa.

Since umiinom lang naman ako dito sa table ko mag-isa at dahil nga ayaw paawat ni Emma sa paghataw sa sayaw doon sa dance floor ay nilibot ko na lang ang mata ko sa bar.

Nagmasid ako ng mga tao sa paligid. Sa hindi kalayuan ay may napansin akong isang pamilyar na lalaki, matangkad, guwapo, maganda ang katawan, halatang nag ji-gym, chinito at maganda ngumiti kasi may dimple sa right cheek.

Sa madaling salita ay siya iyong isa sa dalawang lalaking bugok na kasama namin kaninang umaga sa island hopping na mga pa-VIP kuno.

Muntikan na namin hindi na-enjoy iyong activity kanina dahil sa dalawang 'yon tsk! Pinagmasdan ko lang siya habang nakikipag-usap sa isang lalaki na 'di naman katangkaran, moreno at mahitsura din naman. Hindi ito 'yong lalaking kasama niya kanina.

Habang nag-uusap sila ay tinatapik-tapik niya iyong lalaking moreno sa balikat, mukhang seryoso ang usapan nila pero bakit ganoon habang tumatagal 'yong tapik ay nagiging haplos na ata?

Baka naman may problema 'yong lalaki kaya kino-comfort niya?
Pero hindi rin e, kasi bakit panay ngiti niya dito? hmm hindi, malaswa ka lang talaga mag-isip Gav.

Patuloy ko pa din sila pinagmasdan, ang sarap panuorin eh, parang alam ko na ang mga susunod na mangyayare. 'Di ko tuloy mapigilan mapangisi kahit nag-iisa, parang akong nanonood ng sine, 'yong rated SPG.

Head over HeelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon