Chapter 37

896 50 4
                                    

[ Jacob ]

It was too painful seeing him like this. Ang sakit na makitang umiiyak siya sa harap ko, kayakap ko. Wala akong magawa para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya, but to be one here listening to his every pain. Nandito lang ako. Di kita iiwan.

I wanted to tell him na sana ako na lang. Dahil sigurado akong aalagaan at mamahalin ko siya. But no. I don't take advantage sa sitwasyon.

But one thing is for sure, nandito lang ako sa tabi niya hanggang sa gumaling siya sa sugat na iniinda niya. I'll never walk away.

Nagulat na lang ako nang may magarang kotse na huminto sa tapat namin. Niluwa nito ang matangkad at sobrang gwapong lalaki. "Gregory?"

Agad na kumawala sa yakap ko si Gregory para salubungin ang lalaking iyon. "Ku-ya..."

"Ssshhhh..." As he patted his back. "Babalik ka pa ba? Ihahatid na kita?"

"No ku-ya di ko na po-o ka-ya..." He said sa pagitan nang nga hikbi.

"Oh san ka ba magstay?" Tanong nito kay Gregory.

I just found myself the one to answer. "Umm. Kuya pwede po siyang magstay sa dorm ko."

"And you are?"

"Kaklase and bestfriend niya po." Napangiti siya sa sagot ko. Gwapo talaga.

"Okay. Sige ako na bahala sa bayad niyo sa dorm. And weekly kita bibigyan nang allowance ah. I won't take a no for an answer." Di pa man sumasalungat ay nagdemand na ito. Kaya walang nagawa si Gregory para tumungo. "Parang kapatid na kita. Oh siya. Uwi na. Magpahinga ka na, ako na kukuha nang gamit mo. Text me your location. Take a rest okay? Bye." He gave Gregory another tight hug bago umalis.

And we bid goodbye kay kuya.

Ramdam ko ang nakakadurog na katahimikan niya sa durasyon nang byahe namin na tanging paghikbi niya lang ang maririnig.

[ Flint ]

3 days passed I tried to be with Karina, but somehow nawalan ako nang gana sa kanya. Sa loob nang tatlong araw na yun di ako nagparamdam kay Gregory dahil alam kong kasama ko si Karina, akala ko sapat na siya.

Pero nagkamali ako. Akala ko mas mahal ko si Karina, hindi pala. Suddenly in that 3 days naging cold ako sa kanya, tumatanggi ako sa tuwing nag-initiate siya that we make love. Dahil ayaw ko, ayaw nang puso ko.

Until a night na hinahanap-hanap ko na ang amoy niya. Hell I even buried my face on his pillow to sleep at night. Isa-isa ko ding inamoy ang mga damit niyang naiwan sa bahay. I cried. Miss na miss ko na siya. Napakagago ko! Wala akong kwentang tao! Mas pinili ko ang panandaliang lust kesa pag-ibig. Ang tanga tanga ko. Mas pinili ko ang maexcite nang muling bumalik siya kesa sa totoong mahal ko.

In that three days I always imagine him greeting me every morning. Cooking breakfast with his naked back facing me. Na yumayakap sa akin sa pagtulog tuwing gabi.

Days I felt I was so empty.

I was on my way to my house nang mapagdesisyonan kong babawiin ko siya. Mapahiya man ako, gagawin ko ang lahat para mabawi ulit siya. I'm gonna court him so he can be mine again.

Lumukso ang saya sa aking dibdib nang madatnan kong bukas ang bahay. He's back! Nagmamadali akong bumaba sa aking sasakyan at diretsong pumasok only to meet kuya Shane.

"Kuya?!" And suddenly napatingin ako sa maletang dala niya. "Ano yan?"

"Nothing." With instinct ay napahawak ako dito at hilahin pabalik. Alam ko kung ano ang laman nito.

"No please kuya no!  Wag mo na-mang ga-win to..." Pagsusumamo ko. "Kuya. Please please please.... Plea-se... Ku-ya..." Nang hilahin niya ito pero di ko ito binitawan.

"Si Gregory ang nagpakuha nito. Gamit niya to. Pwede ba, don't act na ikaw ang biktima." Napayuko ako sa sinabi niya. Hinila niya ulit ito pero di ko ito binibitawan.

"Please ku-ya.. Please... Please... Para-ng a-wa mo na ku-u-ya..." Nakita ko ang paglamlam nang mga mata niya. Alam kong naaawa siya. But he is determined. "Please... Kuya.... Ku-ya... Pa-rang awa mo na... Pl-ease..."

"Bitawan mo" Pero hindi ko ito binitawan. "Ang sabi ko bitawan mo!!" Nanindig balahibo ko sa sigaw niya at wala akong nagawa kundi bitawan ito. "Sana naman natuto ka na." Agad niya tong nilabas.

I stood up at dumiretso sa kwarto namin. I searched his closet. My tears flowing endlessly. "No! No! No! No! No... No!
.." Nasuntok ko ang cabinet nang wala na akong makitang damit niya. "Shit! Shit! Shit!" My eyes became so much blurry. Punas ako nang punas but it seems the tears won't stop. Then naalala ko na nakahanger ang jacket niya sa banyo. Nagmamadali kong tinungo yun at laking pasasalamat ko at nandun pa. I grabbed it and smell it. Napaupo ako sa sahig nang banyo. "Sorry... So-rry... Sorry.."

Unti-unting bumigat ang mga mata ko. Di ko namalayan na nakatulog ako habang  mahigpit na yakap-yakap ang jacket na animoy ito ang pinakamahalagang bagay sa mundo.

Siya ang pinakamahalagang bagay sa mundo.
-----------------------------------

This one's for lith23 napakasupportive niya sa mga stories ko. <3

BxB Short Stories. Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon