Chapter 40

936 49 7
                                    

[ Gregory ]

Araw-araw ganon na lang ang ganap sa school. Pinatunayan niya nga sa aking di siya susuko makuha lang ulit niya ako.

Tao ako para di makaramdam nang kakaiba. God knows how I wanted to forgive him pero tumataliwas ang isip ko. Bumabalik ang sakit sa tuwing tumitingin ako sa kanya.

Bumabalik ang sakit sa tuwing naaalala ko kung paano siya ngumiti nang matamis sa babaeng iyon na dati'y sa akin niya lang binibigay. Bumabalik ang sakit sa tuwing naalala ko kung paano niya piliin ang babaeng iyon imbes na ako. Bumabalik ang sakit sa tuwing maaalala kong hindi man lang niya akong magawang hanapin sa mga nagdaang araw na wala ako. Bumabalik ang sakit sa tuwing naaalala ko ang mga oras na kami'y iisa na isa lang palang malaking kasinungalingan. I felt betrayed. Ginamit niya lang ako.

We were so perfect back then.

We were against the world, but he chose to build another world with someone else.

Namamaga ang matang napaupo ako sa isang bench dito sa park malapit sa school.

Napaangat ako nang tingin nang may marinig akong sumigaw. "Gregory?!" Teka san galing yung boses na yun? Kilala ko yun ah. Sumikdo ang saya sa puso ko. Napatayo ako. Ang daming tao sa park. Nasan na siya.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong park nang may biglang yumakap sa akin. "Tito Albie?!" Tumulo ang luha ko. Damn! Totoo ba to?! Napayakap ako sa kanya nang mahigpit. Di ko mapigilan ang mapahagulgol. "Ti-to... Tito..."

"Sshhh... Okay na. Everyrhing will be alright." He patted me. "Tinext ko tita mo. Papunta na siya."

"Gregory ikaw na ba yan?" Napalingon ako dito at nasalubong ko ang namamagang mata ni tita. Napatakbo ako dito. Muling tumulo ang mga luha ko. "Oh my God... Thank you... Thank you at nahanap ka na namin." As she kissed my forehead.

Tito Albie is my dad's younger brother and tita Keala is his wife. 

They take me sa isang restaurant. Damn. Ang saya-saya ko at nandito sila. Tita started the conversation.

"We've been looking for you for 3 months." She said with her teary eyes. "Gusto naming kunin ka pero nagpresenta ang kapatid nang mommy na sila na bahala sayo kaya di na kami nangamba." Napayuko ako. "Pero nagulat kami nang malaman naming minamaltrato ka pala nang mga walanghiyang yun." Kita ko ang pagbalatak nang nang galit sa mata ni tita. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Di ko mapigilang maiyak. "Sobra akong nangamba so wr went here right away only to find out na naglayas ka." Walang patid ang tulo nang luha ko. Sana pala di lang aki umalis. Nagtiis sana ako. Di ko sana nararanasan ito.

Napaangat ako nang tingin nang magsalita si tito. "Di mo nakita kung paano paduguin sa sampal nang tita mo ang pagmumukha kapatid nang nanay mo." Sabay bungisngis niya. Damn. I really missed them so much.

"Asus. Parang di mo muntik baldaduhin yung asawa nun ah." Ganti ni tita.

"Eh sa biglang nagdemonyo ang paningin ko eh! Hahahaha."

At napuno ang tawanan ang aming mesa. Napahinto ako nang tawa nang magsalia si tita. "Kukunin ka namin."

Nagulat ako. "Po?"

"Kukunin ka namin. Isasama kita sa Australia." Buong seryosong sabi ni tita. "I can't afford losing you ngaung wala na din sila ate at kuya. Ayaw mo ba?" Malungkot ang mga mata niya nang tinanong niya iyon.

Parang biglang may bombang sumabog sa utak ko nang marinig ko iyon. Animoy isang baldeng bumuhos sa akin ang mga alaala nang nakalipas na mga buwan.

Ang pangmamaltrato sakin ni tita at tito. Ang maging batang kalye, natutong magnakaw.

Ang makilala si Jacob.

Ang makilala at mahalin siya. Ang hawakan ang mga kamay niya. Ang titigan ang mga ngiti niya. Ang pagmasdan ang mapayapang pagtulog niya. Ang pakiramdam nang bawat haplos niya. Ang marinig ang I Love You niya. Ang mahalin siya nang higit pa sa inaakala kong kaya kong ialay.

At ang madurog at masaktan na di ko inaasahang siya din pala ang gagawa.

Bumigat ang aking paghinga. Para akong pangangapusan. Wari'y isang karayom ang tumutusok-tusok sa aking dibdib nang manariwa sa aking isipan ang gabing iyon. Ang gabi kung kailan ako umasa at nawasak.

I resisted from crying. Pumikit ako nang mariin.

Sapat na nga ba ang alaalang iyon para baunin kung ako ma'y aalis? Sapat ba ang sakit na yun para lumimot at ipangakong di na ulit susubok magmahal ng sobra sobra kaysa sa aking sarili? Kung ako ma'y lilisan kakayanin ko ba?

Napapikit ako nang mariin. My life will depend on this great decision I have to make. My life might change pero siguro ito ang tamang gawin ngayon. For now, iisipin ko muna ang sarili ko bago ang iba. Sisimulan kong buuin ang sarili ko kung paano ko ito nakilala.

I sighed deep. "Yes tita. Sasama po ako sa inyo."
------------------------------------------

Next up is the final chapter.

Guys. Ano man ang mangyari sa final chapter. Mahal na mahal ko kayo. ;(

Final chapter will be published at 12 Midnight. Salamat sa pagbabasa.

BxB Short Stories. Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon