Chapter 34

801 47 5
                                    

[ Gregory ]

Ilang linggo na ang nakalipas nang magsimula siyang magbago. Hindi ko alam kung bakit.

May mga kaklase akong nagsasabing nakikita nila si Flint na may kasamang magandang babae. Knowing na ang akala nila ay pinsan ko ito. Nagbingi-bingihan ako. Hindi niya gagawin sakin to. Alam ko. Mahal na mahal ako non. Pinilit kong magpakatatag nang si Jacob na ang nagsabing nakita niya rin ito. Hindi pa din ako naniwala.

Pero di ko maikakaila ang biglaang pagbago niya. Nandun ang ngiti niya pero wala dito ang mga kinang. Nandun ang haplos niya ngunit wala akong maramdamang init dito. We make love pero iba na ang kapit niya, nagbago na nga siya.

I resisted the urge to cry everyday dahil sa pagiging cold niya sakin. Even one time kuya Shane asked me kung ok lang kami. I returned it with a painful yes.

Oo nga pala. Bukas na ang 4th monthsary namen. Ano kayang pwedeng iluto. Siguro mag kaldereta na lang ako.

I readied the ingredients. Hindi ko namalayang lumuluha ako habang inaayos ang mga gagamitin ko. Ang paisa-isang patak ay nasundan nang sunud-sunod.

"Damn eyes! Stop! Please stop!" Hanggang sa mapasapo ang aking kamay sa aking mukha. "Ok lang. Ok lang. Everything will be alright." I tried to encourage myself but my heart and eyes aren't cooperating. I resist and resist more pero lalo pa itong kumawala. Muling nagsibuhos ang luha ko kasabay nang pagdaklot ko sa puso ko. Sobrang sakit. Di ako makahinga. I tried to calm myself. "Ha ha. I-yak pa more! Di ka-ka mata-tapos niyan!"

I waited for him to come back home. I waited and waited. Gusto ko siyang kasabay kumain. Napatingin ako sa orasan and it's past 11:30 already. Di ko namalayan nakatulog ako.

[ Flint ]

I was smiling throughout the whole ride pauwi. Damn. Ang ganda-ganda niya. She wanted to be with me again I said yes, dahil ang sarap sa pakiramdam.

Nang mapark ko na ang kotse ko ay parang wala akong lakas nang loob na pumasok dito. Bigla kase siyang pumasok sa isip ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Shit. There he is. Nakatulog sa lamesa. Nagi-guilty ako at the same time nalilito. It was sad seeing him waiting for me all night. I carry his body to our room.

I love you. Alam kong mahal ko siya. Pero parang bigla itong naputol nang magbalik ang kauna-unahang babaeng minahal ko nang totoo.

Karina.

Napakuyom ako nang kamao. Nalilito na ako.

Sorry.

BxB Short Stories. Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon