[ Gregory ]
Katatapos lang nang moving up namin. Somehow, kahit konti, I feel na may na achieve ako. Siguro kakayanin kong tumayo sa sarili kong paa.
Nanlungkot ako habang hawak-hawak ang mga medalyang pinaghirapan ko. Bukod sa guro at mga kaklase ko, ako lang ang proud sa sarili ko.
Naglalakad ako nang may marinig akong nag-uusap.
"Hoy balita ko talo na naman sa sabong si Joey ah." Ang tito ko.
Nanginig ang mga tuhod ko. Parang ayaw ko nang tahakin ang ruta patungo sa impyernong iyon. Sobrang natatakot ako.
Kahit na takot na takot. Iwinaksi ko ito sa isipan at pinaniniwala ang sarili na magiging ok lang ang lahat.
Nakahinga ako nang maluwag nang wala si tito sa bahay pagpasok ko. Akmang papanhik ako sa kwarto nang may sumipa sa likod ko.
'Blag!' Naglapat ang katawan ko sa pader na kaharap ko.
"San ka pupunta huh?!" Bulyaw ni tito sabay hila sa buhok ko paharap sa kanya.
"Ti-to tama na po-o" Pagmamakaawa ko.
"Anong tama na?! Ikaw ang malas sa buhay ko!" Kasunod nang isang suntok sa sikmura.
"Aarrrcckk" Halos hindi ako makahinga.
'Blag blag blag blag!" Sunud-sunod niyang sipa sa akin. Nanghihina ma'y pilit ko itong sinasalag. Namamanhid ang katawad ko sa bawat pagtama nito.
"Dad tama na!!" Sigaw ni Jared.
"Wag kang mangialam dito!" Sabay tulak sa kanya. "Dapat lang to sa palamuning to!"
Can't help myself but to cry. Ang sakit, sobrang sakit nang mga sipa at suntok niya. Wallang naitutulong ang pagsalag ko sa mga ito.
Naaninag ko pang tumakbo palabas si Jared. At ilang sandali pa ay ang pag-awat nang mga kalalakihan kay tito.
"Pare pare tama na yan!"
"Tang ina niya. Malas!"
"Tama na yan!" Rinig kong sigaw ni tita.
Kahit na nanghihina. Pinilit kong tumayo para pumanhik sa kwarto. Kahit bawat hakbang ay parang mga sunud-sunod na kutsilyong humihiwa sa aking katawan. Pinilit ko. Kahit sobrang sakit.
Makalayo lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
BxB Short Stories. Met You
Cerita PendekDi ko na kaya. Sobrang sakit na. Bakit ganito? Kamag-anak ko naman sila pero bakit ganito nila ako tratuhin? Masasakit na salita, sampal at sipa. Kung sana nandito pa sila mom at dad, di ko sana nararanasan pa to. Hindi ko lubos maisip na sila pa...