[ Gregory ]
It's been months since umalis ako sa impyernong tinakasan ko. I never made it to senior high. Wala na din naman akong pera para makapag-aral pa. 2 months na din ang nakakalipas simula nang magsimula ang pasukan sa senior high.
Naroong minsan ay may sakit akong nararamdaman tuwing may mga dumadaang estudyante o kaya na naman nakakasalubong ko. Pero walang mas sasakit pa sa tuwing maalala ko ang mga magulang ko. Antagal na din pala simula nung car accident na kumitil sa buhay nila.
Here I am alone. Not totally, kase pinatuloy ako nina Dane sa tahanan nila. Di naman din sila mayaman kaya ok lang sakin kahit di nila ako masuportahan sa aking pag-aaral. Masaya na ako na kinupkop nila ako sa kanilang tahanan. I am happy being with those people who truly cares.
In short, eto ako ngayon, taong kalye. Napapatropa sa mga kagaya ko, silang mga lumaki sa lansangan. Sa loob ng mga buwan na iyon, natuto akong mandukot, magnakaw maging mag-akyat bahay. Portion of those I earned is for nanay Lita, Dane's mother. Sa kahit ganoong paraan man lang eh makatulong ako sa kanila. Tho' si Dane lang nakakaalam sa gawain ko. He tried to talked me about it, pero ayoko talagang maging pabigat.
Nawala ako sa aking iniisip nang may magsalita sa tabi ko.
"Pre" Sabi ni Troy, isa sa mga tropa ko. "May alam akong pwedeng akyatan sa isang sikat na sub-division malapit dito"
"Paano ka naman nakakasiguro na safe yan?"
"Eh kase ayon sa source ko estudyante lang ang nakatira dun. Binili nang pamilya nila yung bahay para malapit sa school nila na medyo malapit din dito"
Natawa ako sa kanya. "Pasource-source ka pa. Hahahaha" Nabusangot siya. "San ba yan?"
"Tara samahan kita"
"Tara" Napangiti ako.
Ayos.
Bagong mapagkikitaan na naman.
I mentally smirked with that.
-----------------------------------------Parang walang nagbabasa. Huhuhuhu.
BINABASA MO ANG
BxB Short Stories. Met You
Cerita PendekDi ko na kaya. Sobrang sakit na. Bakit ganito? Kamag-anak ko naman sila pero bakit ganito nila ako tratuhin? Masasakit na salita, sampal at sipa. Kung sana nandito pa sila mom at dad, di ko sana nararanasan pa to. Hindi ko lubos maisip na sila pa...