[ Gregory ]
After nang mahaba-habang lakaran at pag-akyat sa pader nang isang exclusive na subdivision ay nakarating na din kami.
Totoo nga ang sinabi niya. Hindi lang ito isang ordinaryong subdivision. Makikita mo ang mga naglalakihang mga bahay na wari'y nagpapayamanan ang mga may-ari. May kanya-kanyang disenyo ang mga bahay. Sa di kalayuan ay tinuro niya sakin ang bahay na sinadya namin. Mukhang tiba-tiba to ah.
Nagulat kami nang may isang magarang sasakyan ang dumaan sa pinagtataguan namin at huminto mismo sa bahay na iyon. Lumabas ang isang binatang naka-uniporme at pumasok doon. Aba. Tama nga ang mokong.
"Eh ano ang tamang oras para mapasok ko yan?" Tanong ko sa kanya.
"Mamayang gabi" Nanlaki ang mata ko.
"Huh?! Nakauwi na yan! Ipapahamak mo ba ako?!" Kasabay nang batok ko sa kanya.
"Aray naman!" Daing niya. "Patapusin mo ako!"
"Okay okay sorry nagulat lang." Pag-surrender ko habang natatawa.
"Tch. Siraulo talaga" Maktol niya.
"Eh bakit nga mamayang gabi? Di ba pwedeng pagpasok niya?"
"Mas okay kung mamayang gabi!" Bulyaw niya saken.
"And why is that?!" Nanlaki ang mga mata niya sa sinagot ko sa kanya. "Ah-eh ang ibig sabihin ko ay bakit naman."
Tinitigan niya muna ako bago magsalita. "Alam mo di ako makapaniwalang batang kalye ka, eh tang ina mas mukha ka pang mayaman sa mga taga dito eh!" Napalunok ako. Bigla ulit siyang nagsalita. "Tsaka umuuwi kase yan sa kanila pag sabado nang gabi. Tapos linggo nang gabi ulit ang balik. Kaya tiba-tiba ka." Oohhhh.
Nagbrofist kami sa isa't isa. "Aba ayos ah. Sige akyatin ko yan mamayang gabi"
"Balato ko ah!"
"Suuurreee!"
Hinintay ko hanggang mag-gabi para isagawa ang aking plano. Kita ko ang paglabas nang isang magarang kotse sa gate na yun. At ang tuluyang pag-alis nang binata.
Dahan-dahan kong sinagawa ang plano ko. Maingat kong inakyat ang gate nang bahay at binuksan ang isa sa mga bintana para makapasok ako sa loob.
Laking pagkamangha ang nakita ko sa loob nito. Mayaman nga siguro talaga ang nakatira dito. Shit! Yayaman ako nito. Hahaha.
I first took expensive watches, money and gadgets. But what caught my attention is the limited edition action figure na nandoon. Puuttttaaaaa!!
I was about touch it nang may maramdaman ako sa bandang likuran ko. Pagpihit ko patalikod ay ang pagsalubong nang isang malaking kamao sa pisngi ko.
'Paakkk!'
Nahilo ako.
Shit. Did I just see stars?!
BINABASA MO ANG
BxB Short Stories. Met You
Historia CortaDi ko na kaya. Sobrang sakit na. Bakit ganito? Kamag-anak ko naman sila pero bakit ganito nila ako tratuhin? Masasakit na salita, sampal at sipa. Kung sana nandito pa sila mom at dad, di ko sana nararanasan pa to. Hindi ko lubos maisip na sila pa...