Chapter 4

571 15 0
                                    

Chapter 4

Pagkatapos namin mag-usap ay pumasok na kami sa loob ng mansion.

Alam kong tenga lang ang kailangan ni Ryne, iyong meron lang siyang napagsasabihan. Halos lahat kami ay nakaalalay sa kanya dahil sa apat ang anak na meron siya at masyado iyong mabigat.

Sinosolo niya ang lahat na dapat silang dalawa ni Aero ang gumagawa. Masyadong mahirap ang maging single Mom at sa tingin ko kahit sino ay hindi madadalian sa sitwasyon na ito.

Sabay-sabay kaming kumain lahat. Kinamusta rin ako nila Mama at Papa. Tumanda ng konti si Papa dahil na rin siguro sa bigote nito at si Mama ay nanatili pa ding ganoon. She needs to maintain her posture and figure para makasabay sa mga iba pa naming Tita.

"Anong balak mo ngayon, Shellene? Tanong ni Tito John ang Papa nila Max.

"Balak? Do you mean plans, Tito?" Balik kong tanong sa tanong nito habang nananatili pa din kaming kumakain.

Patuloy lang sila sa pagkain at nakikinig lang sa pinag-uusapan namin. Tumango naman ito.

"Aalis na ako sa pag m-modeling." Sagot ko na nagging dahilan para tumigil si Max sa pagkain.

"Are you planning to get married and build your own family, She?" Napahinto naman ako sa tanong niya.

Tinignan ko silang lahat lalo na si Lolo pero nagpatuloy lang ito sa pagkain na parang wala siyang pakialam sa isasagot ko.

"Ano naman ang masama doon, diba? I am now 33, Max. Gusto ko na rin magkapamilya and to have kids like Ryne and Miko." Kinakabahan kong sagot.

I don't know but I felt like they don't want me to have a family. Ayaw ba nilang maging masaya ako?

"But you don't have any boyfriend nor suitors?" Tanong naman ni Lio.

Paano ko ba lulusutan 'to? They are right. Wala akong ni isa sa mga 'yon because I am not interested.

"Hindi ibig sabihin na wala akong mga 'yan ay hindi na ako makakapag-asawa, Lio. Time will come at mahahanap ko rin ang para sa akin. Nakapag-ipon na rin naman ako to start a life. Nakabili na ako ng bahay sa Paris at dito na rin. I guess it is enough." Sabi ko pero parang hindi yata kumbinsido si Papa.

"Sabi mo naman sa amin hindi ba na masaya ka sa modeling? Bakit ngayon ay parang ayaw mo na?"

Malakas ang kabog ng puso kong tumingin kay Papa. Are they serious? Bakit nila ako tinatanong ng ganito?

"Masaya ako, Pa. Pero hindi naman 'yon ang magiging buhay ko. Gusto ko rin maranasan kung paano maging ina at maging asawa. Hindi sa modeling iikot ang mundo ko." Sagot ko sa kanya.

"John, hayaan mo ang anak mo sa gusto niya. Matanda na si Shellene para mag desisyon sa gusto niyang mangyari sa buhay niya." Dagdag naman ni Mama.

Tumango pa sila Tita.

"Mariz is right, John. Ang pangit naman na tumandang dalaga si Shellene." Dagdag pa ni Tito Johnny ang Papa nila Miko.

"Tatandang dalaga talaga 'yan." Sabat pa ni Niko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Oh, kita niyo na? Ang sama tumingin ng mga mata niya sa pinakagwapong Perez. Sino kaya ang papatol kay Miss Minchin?"

My jaw dropped to what he called me. Miss Minchin? Mukha ba akong teacher sa itsura kong 'to?

"Gagawin kitang si Sarah sa sinasabi mo, Niko." Banta ko sa kanya pero nag pogi sign lang siya sa harap ko.

Natapos ang gabing 'yon na hindi man lang nabawasan ang kaba sa dibdib ko.

I need to find them quickly para maayos ko na ang lahat.

Nilock ko na ang pinto sa kwarto ko para walang makarinig sa akin.

Tinawagan ko agad ang isang taong makakatulong sa akin.

Ilang ring pa lang ay sinagot niya na ito.

"Felix?" Tawag ko sa kanya.

"Hello po, Ma'am Shellene." Bati niya.

Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa.

"Hanapin mo ang mag-ama ko. I need to know where exactly they are. I need it as soon as possible, Felix. Please?" Puno na ng pagmamakaawa ang boses ko.

Kailangan ko ng malaman kung nasaan sila.

"Got it, Ma'am. Bigyan niyo lang ako ng 1 to 2 weeks."

Napabuntong hininga naman ako.

"Thank you, Felix."

Then I hang up. Dumiretso na ako sa kama ko para makapagpahinga na. Mabuti na lang at nakapag half bath na ako ng makauwi kami dito kanina.

I closed my eyes and imagine some scenarios na kasama ang mag-ama ko.

Gustong-gusto ko na silang makita. But before I would do that. Kailangan ko munang ipaalam sa pamilya ko ang totoo at gagawin ko 'yon kapag nakita ko na ang mag-ama ko.

---

Nagising ako dahil sa katok sa pinto.

Nakapikit pa akong binuksan 'to. Kulang pa ako sa tulog dahil late na akong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ng mga pwede kong gawin.

"Ate." Tawag ni Angelo sa akin base na rin sa boses nito pero ang ipinagtaka ko ay ang kakaibang feeling na meron ang boses niya.

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

"May problema ba?" Mabilis kong tanong saka niya binigay sa akin ang isang brown na envelope.

Bago ko pa man makita ang nasa loob nito ay nagsalita na siya.

"Nakita ko 'yan sa office ni Papa at bago ka pa man niya makausap mamaya. Kailangan ko ng sabihin 'to. Alam niya na, Ate. Kahit ako hindi ako makapaniwala sa nakita ko pero may mga evidences sa envelope na 'yan na makapagpapatunay na totoo nga. Hindi ko alam kung paano mo naitago ito sa amin pero alam ko na may dahilan ka."

Unti-unting tumulo ang nga luha ko saka ko binuksan ng dahan-dahan ang envelope.

Unang tumambad sa akin ay ang litrato kong naka maternity dress sa Paris.

Sumunod naman ay ang may kausap akong doctor.

Sumunod ay ang pregnancy kit na ginamit ko noon. Lima pa ang nasa picture dahil hindi ako siguro noon.

At ang panghuli ay ang nasa hospital ako.

Napaluhod ako sa mga nakita at nalaman ko. Kagabi ay nag-iisip ako ng gagawin pero hindi ko alam na ganito kabilis ang mangyayari.

"Ate? Bakit hindi mo sinabi sa amin na may anak ka na?"

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon