Chapter 9

211 10 4
                                    

Chapter 9

Hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang sitwasyon na meron ako ngayon. Kaharap ko pa rin si Canta na tinitignan ang magiging emosyon ko sa mga nalaman ko ngayon.

"Why he didn't find me? Kung naaalala niya ako ba't hindi niya ako hinanap?" Maiyak-iyak kong tanong sa kanya.

Malungkot siyang ngumiti at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Ayaw niyang bumalik sayo na ganyan ang kalagayan niya. He has a mild amnesia, Shellene. Iyon ang naging dahilan para maging ganyan siya. Hindi niya natatandaan ang mga nakalaban niya sa negosyo noon na naging way para muntikan na siyang patayin. They took the advantage and the weaknesses of him." Kwento nito.

Natutop ko ang bibig ko habang nakatingin kay Christoph na ngayon ay nakatingin sa akin. Nakikita ko sa mukha niya na parang nahihiya siya sa nakikita ko ngayon.

Nasasaktan ako, sobrang nasasaktan ako na hindi ko man lang siya nadamayan, hindi ko man lang alam na nangyari ito sa kanya. I should have been there.

"Canta, where's my son? Where's my child?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Nakita ko ang pag-angat ng kilay niya na para bang nagtataka siya sa tinanong ko.

"Anong anak, Shellene? May anak kayo ni Kuya?" Sunod-sunod rin nitong tanong.

Para akong piniraso-piraso sa sinagot ni Canta. Paanong wala sa kanila ang anak namin ni Christoph?

"No, nasa inyo ang anak namin. Give him to me, please." Halos lumuhod ko ng sabi sa kanya pero todo ito sa pag-iling.

Nakita ko kung paano tumayo si Christoph sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin at pinipilit akong itayo.

"Mahal, what are you doing?" Nagtataka nitong tanong sa akin.

Napahagulhol ako ng marinig ko siyang nagsalita. Tumayo ako at hinarap ko siya.

"Where's our son? Christoph, ibigay mo na sa akin ang anak natin. Gusto ko na siyang makita, please." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin hanggang sa bigla na lang siya napaluhod habang sapu-sapo niya ang ulo niya.

Humihiyaw siya sa sakit ng dahil sa ulo niya at pilit niyang inuuntog 'yon sa sahig. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya hindi ako agad nakagalaw.

Lumapit naman agad sa amin si Canta at pilit na inaawat si Christoph.

"Evo! Tulong!" Sigaw ni Canta.

May dumating naman na lalaki galing sa kusina ng bahay at tumakbo papalapit sa amin.

Hindi ko alam kung anong gagawin at anong maitutulong ko dahil hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari.

May kinuha si Evo sa isang cabinet at nakita kong isang bote 'yon at isang syringe tapos bigla niya itong itinusok sa braso ni Christoph hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay.

Tinulungan ko silang buhatin si Christoph papunta sa kwarto nito. Nang mailagay na namin siya ng maayos doon ay umupo ako sa tabi ng kama niya.

Anong nangyari? Bakit ganito? Tinignan ko si Canta na para bang tinatanong ko sa kanya kung anong nangyayari.

"Every time na may pinipilit siyang maalala ay nagiging ganyan siya. Nakikiusap ako sayo na sana 'wag mo na lang siyang tanungin sa mga bagay na pwedeng ika-trigger ng memories niya kasi darating rin naman ang panahon na maaalala niya lahat." Sabi nito.

Nauunawaan ko siya doon pero hindi ko alam na ganito na ang sitwasyon ni Christoph. For 13 years ay nag s-suffer siya sa ganito.

It feels like my heart was ripped in a million of pieces. This is not what I'm expecting to happen.

Sinuklay-suklay ko ang buhok niya habang tinititigan ko ang mukha ng lalaking hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.

Hanggat hindi siya gumagaling ay hindi ko malalaman kung nasaan ang anak namin.

"In 13 years also, he keep on crying for something. He keep on saying sorry habang binabanggit ang pangalan mo tapos parang lagi siyang binabangungot." Rinig kong sabi ni Canta.

Tinignan ko siya at nakatingin rin siya kay Christoph.

"I just wished na sana makaalala na siya because he suffered enough. In 13 years, si Kuya lang ang mag-isang lumaban sa sitwasyon niya kahit na nandito pa kami." Sabi nito.

Pakiramdam ko para na naman akong maiiyak sa nalaman ko. Dapat nandoon ako, nandoon dapat ako sa mga panahong kailangan niya ako pero wala, busy ako sa pagtaguyod ng sarili kong pangalan sa industriya ng modeling habang siya ay nandito at nahihirap.

"I'm sorry." Bulong ko habang nakayakap ako kay Christoph.

"I'm sorry for not staying with you when you need me the most." Dagdag ko.

Tinignan ko si Canta at nakita kong parang naiiyak siya. Bumangon ako at tinignan ko siya na may tanong sa mata.

"Sorry, nasisiyahan lang ako kasi nandito ka na, Kuya won't feel the emptiness like before. Shellene, nagmamakaawa ako sayo. Please, 'wag mong iwan si Kuya. Kahit kami yong nandito, ikaw pa rin naman ang hinahanap niya. He's still looking for his life." Sabi nito ng nakangiti pero naiiyak.

Nakaramdam ako ng sakit na may halong tuwa sa sinabi niya. Sobrang dami kong pagkukulang sa kanya at hindi ko alam kung paano ako magsisimulang bumawi sa mga panahon na wala ako.

"Kailangan ko ng umalis. Hinahanap na ako ng mga anak ko." Sabi nito.

Hinawi nito ang mga luha sa mata niya at tumayo na, nagulat naman ako sa sinabi niya. Meron na siyang anak?

"Nandiyan si Evo para tulungan ka habang wala ako." Sabi nito.

Tumango ako sa sinabi niya at nag paalam na ito at lumabas na ng kwarto.

Nang maiwan kaming dalawa dito sa kwarto ay niyakap ko ulit siya at tuluyan na naman akong naiyak.

Saan ako magsisimula ngayon? Paano?

Aalagaan ko si Christoph pero paano ang anak namin? Hanggat hindi bumabalik ang alaala niya ay hindi pwede na tumunganga lang ako dito. Kailangan kong mahanap ang anak ko, kailangan kong maayos ang pamilya na gusto ko ng mabuo.

"Mahal, please. Let's go back to what we used to be. Come back to your senses and remember all the memories we had before. Alalahanin mo kung nasaan ang anak natin, please." Bulong ko sa kanya.

Kahit alam ko naman na hindi niya ako naririnig. Nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya.

"Christian." Bulong nito.

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon