Chapter 11

151 7 0
                                    

Chapter 11

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

He never proposed to me.

Kahit noong nalaman niyang buntis ako ay hindi siya nagtanong sa akin ng ganito.

"I want to put an end to our names, Mahal. Gusto kong ibigay na ang apelyido ko sayo habang inaalala ang 2 taon na nakalimutan ko pero may iilan na akong naaalala kaya konti na lang at maaalala ko na rin ang lahat. Gusto ko lang makasigurado na ako ang papakasalan mo." Sabi nito.

Naiiyak na naman ako pero inaamin kong kahit ngayon pa lang kami nagkita ay hindi ko na maitago ang saya dito sa puso ko.

"You're the first and last man that I would love, Christoph. Wala ng iba kaya papakasalan kita." Sabi ko sa kanya.

Mabilis ako nitong niyakap at humiwalay din at may kinuha siya sa cabinet na katabi ng kama at doon ko nakita ang isang maliit na box.

Binuksan nito at hinarap sa akin.

"I have so many shortcomings but would you still consider to grow old with me?" Tanong nito.

The overwhelming joy is now spreading like a wildfire in my heart.

I slowly nodded and I say,

"Till death do us part. I do, I want to grow old with you." Sagot ko.

Sa loob ng labing tatlong taon, ngayon ko na lang ulit nakita na ngumiti si Christoph ng ganito.

Gusto kong umiyak sa saya.

Kinuha niya na ang singsing at isinuot ito sa akin saka niya ko niyakap.

He kissed me in my forehead at hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pananakit sa dibdib.

Kung sana ipinaglaban ko siya sa kanila Mama, kung ipinakilala ko siya sa buong mundo, kung hindi ko itinago ang pagbubuntis ko, sana masaya kami ngayon kasama ang anak namin.

Sana 13 years ago, isa na akong Mrs. Vios.

---

Nakalipas ang isang linggo at nandito pa rin ako sa kanila Christoph. Tinutulungan ko si Canta sa pag-aalaga sa kanya.

Nasasanay na rin siya na lagi akong nasa tabi niya at ganoon na rin ako. Minsan kapag umaalis ako para mag grocery ay bigla itong tatawag sa cellphone ko dahil baka bigla ko raw siyang iwan, na siyang hindi ko alam kung magagawa ko pa ba.

Tinanong ko na rin si Canta kung pwede bang bumyahe si Christoph hanggang Davao dahil nasabi ko na rin sa kanya na meron akong pupuntahan doon.

Pumayag naman si Canta pero kailangan ay nasa isa o tatlong araw lang kami roon para mabantayan pa rin ang sitwasyon ni Christoph lalo na at nagiging positive ang mga nangyayaring pagbabago sa kanya dahil sa meron ako.

Hindi ko maitago ang tuwa sa puso ko dahil konti na lang at nagiging maayos na ang lahat, umaayon na sa dapat ang nangyayari.

Tulog si Christoph ngayong tanghali dahil kababago lang nito kumain at uminom ng gamot.

Naisipan ko naman na linisan ang kwarto nito lalo na't mag d-dalawang linggo na rin ang huli nang linisan ito ng mga kasambahay nila.

Nagsimula na akong mag punas sa mga cabinet at tinitignan ko na rin ang mga nasa drawer nito.

Merong puro passports ang laman, may mga papeles, meron din ang mga wallets niya na sobrang dami, mga credit cards, at mga kung anu-ano pa.

Pumunta ako sa walk in closet nito at ang una kong napansin at ang picture naming dalawa sa Eiffel Tower na magkahawak kamay habang papalubog ang araw.

Isa ito sa mga masayang araw ng buhay naming dalawa. Sa araw na 'yan sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko, halos hindi siya magkamayaw sa kung ano ang gagawin, gusto niya nang magpakita sa doctor, bumili ng gamit ng magiging baby namin.

Gusto niyang gawin na ang lahat dahil excited na siyang maging Tatay.

Sa oras na 'yon naisip ko kung gaano ako kaswerte sa kanya kasi sobra siya kung mag-alaga na isa sa mga dahilan kung bakit mas lalo ko pa siyang minahal.

Inayos ko lahat ng gamit na naroroon, inayos ko rin ng tupi ang mga damit niya hanggang mapunta ako sa isang drawer sa isang cabinet.

Isang drawer na parang alam mong sinadya ito para may maitago.

Laking gulat ko ng makita ko ang nasa loob nito, isang baril at isang litrato.

Kinuha ko ang litrato at halos mapaluhod ako sa nakita ko.

Si Christopher 'yon habang may hawak na isang sanggol.

Nasisigurado kong ang anak namin ang hawak niya.

Hindi ko mapigilan na hindi maiyak, nakita ko na ang mukha ng anak ko noong baby siya.

Tama ang hinala ko, may alam si Christopher sa anak namin.

Pero saan? Nasaan ang anak naming dalawa?

Mabilis kong nabitawan ang litrato ng marinig ko ang boses niya na para bang binabangungot siya.

"C-chris.. Chri.. Chris! Christian!" Sigaw nito.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kama at mabilis ko siyang ginising. Sobrang dami niyang pawis, nakikita ko ang hingal niya.

Hawak-hawak niya ang dibdib niya.

"Huwag mo kaming iwan ni--" Sabi niya.

"Christoph, gumising ka." Sabi ko sa kanya.

Niyugyog ko siya ng niyugyog hanggang sa maimulat nito ang mata niya. Nagulat pa ako ng makita ko ang luha sa mga mata niya.

Nakita ko ang sakit sa mga mata nito nang tumingin ito sa akin.

"Ayos ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo? Ang dibdib mo?" Sunod-sunod kong tanong.

Umiling lang ito at hinala ako para yakapin.

"Ayos lang ako. Napanaginipan ko naman ang isang batang lalaki na laging nasa panaginip ko. Si Christian." Sagot nito.

Hindi kaya ang batang lalaki na nasa panaginip niya ay ang anak namin? Na ang tinatawag niyang Christian ay ang anak namin?

Hinagod ko ang likuran niyang basa ng pawis. Humiwalay ako sa yakap niya.

"Kukuha muna akong damit para makapagpalit ka at para hindi ka rin magkasakit." Sabi ko.

Tumango naman ito at hinayaan ako. Kumuha ako sa cabinet ng isang damit at ibinalik ko ang naiwan kong litrato sa mismong lalagyan nito at inayos.

Alam kong may alam si Christopher, kailangan niya lang maalala ang nangyari noon para masagot na ang mga katanungan na meron ang utak ko.

Pagbalik ko ay nakatayo na ito at nakatingin sa bintana ng kwarto.

"Anong gagawin mo kapag nalaman mong may nagawa ako sayong isang bagay na walang kapatawaran?"

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon