Chapter 16

142 9 1
                                    

Chapter 16

Hindi ko maitago ang gulat at kaba sa mukha ko. I don't want to hurt him if I trigger one of his memories.

"I don't want to hurt you." Sabi ko sa kanya.

Umiling ito habang nakaluhod at nakatingin pa rin sa akin.

"I want to know the truth, Shellene. Gusto kong malaman ang tungkol sa anak natin." Sabi nito.

I don't know if this is right. Ayokong makita siyang umiiyak sa sakit dahil sa pinipilit niyang makaalala.

"Chris, don't make me do this." Pagmamakaawa ko.

Bigla na itong tumayo at isinuklay ang buhok gamit ang kamay nito.

"I don't want to think this way. Pero bumalik ka ba sa akin dahil sa iniisip mong nasa akin ang anak natin?" Sabi nito.

Gulat akong tumingin sa kanya. Hindi ko na marinig ang ibang nasa paligid ko dahil ang tambol ng puso ko at ang sinasabi ni Christopher lang ang naririnig ko.

Tumayo na ako para mag paliwanag sa kanya. Lumapit ako sa kanya pero umatras ito. I felt like my heart was stubbed with a knife that I couldn't breath because of the pain that is overflowing through my veins.

"Mahal," Tawag ko sa kanya.

There's the tears in my eyes while looking at him. Nakatingin lang ito sa akin at naghihintay sa isasagot ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya nang hindi ko nasasaktan ang damdamin niya. I know, with my words I could easily break and hurt him.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko, Shellene. You came back here because you think I was hidding our child?" Tanong nito.

Tuloy-tuloy na sa pagdaloy ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na siya mapigilan dahil halos naipon na ang mga ito sa 13 taong nag daan.

Mahina akong tumango. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay mabilis na itong tinalikuran ako.

"I thought you came back and you find me because you want to be with me. And how dare you to accused me to hid your child from you. Alam mo kung gaano kita kamahal at hindi ko kayang gawin ang iniisip mo." Sabi nito.

Aalis na sana siya pero mabilis ko siyang hinawakan para mapahinto ito.

"You don't have your memories yet, Christopher. Paano ka nakakasigurado na hindi ikaw ang kumuha ng anak natin kung sa mismong araw na nanganak ako, ikaw lang ang may alam, ikaw lang ang nandoon." Sabi ko.

Hinarap niya ako na para bang inaalala niya ang mga nangyari noon. Mabilis akong nataranta dahil baka sumakit ang ulo niya pero hindi 'yon nangyari.

Nanatili lang itong nakatingin sa akin at walang kung anong nangyari. Did he remember everything?

"Does that gave you a thought that I would hid your child for no reason? Maybe, I don't remember what happened when we're in Paris, but I won't do such things to you. That's our child, Shellene. Why would I take my child away from her mother?" Sabi nito.

That gave me realizations. Bakit nga ilalayo ni Christopher ang anak namin sa akin kung maayos naman kami noong nanganak ako?

So that means, may ibang tao ang kumuha sa anak namin? Baka 'yon na ang sinasabi ni Felix na nakita nila sa Davao. Baka siya na ang anak namin.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si Felix. Dalawang ring lang ay sinagot niya na ito.

"Hello, Ma'am." Bati niya.

Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na agad ang gusto kong mangyari.

"Tell me the complete details about the child that you found in Davao. Pupunta ako roon." Sabi ko.

"Yes, Ma'am." Sagot nito.

Binaba ko na ito at hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng isang text galing sa kanya kung saan naglalaman ang detalye tungkol sa bata.

He is Chester Avery Guzman, 13 years old, October 22, 20**. Lives in Cabantian, Davao City.

The rest is confidential. Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at kinuha ko na agad ang bag ko at aalis na sana ako nang makita ko si Christopher na nakatingin sa akin. May gulat sa mga mata niya at may sakit.

Mabilis akong pinaghinaan ng loob sa nakita ko sa kanya. Dahan-dahan kong naibaba sa pinagkuhaan ko ng bag ang bag ko.

"Mahal," Tawag ko sa kanya.

Ngumti lang ito umiling.

"You can always go and come back, Shellene. I won't stop you. Do what you think is right and just for you." Sabi nito.

Nakaramdam ako ng sakit sa sinabi niya. Masyado na akong nagiging desperada dahil sa pag-aasam ko na makita ang anak ko.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Laking pasasalamat ko na hindi na ito umatras at umiwas sa akin.

"I'm sorry." Sabi ko.

Lumabas na namang muli ang mga luha ko. Alam kong nasaktan ko siya, dapat hindi ko na ginawa 'yon sa kanya dahil magiging malaking epekto ito sa recovery niya.

"It's okay." Sabi nito.

Hinagod-hagod nito ang likuran ko at pinapatahan ako sa pag-iyak. Basa pa rin si Christopher dahil sa pag ligo niya kanina. Trunks na lang ang suot niya dahil hinubad na nito ang t-shirt niya.

"Ngayon lang naman kita nakita kaya ngayon lang ako nakabalik sayo. Hinanap kita at ang anak natin, 13 years ago hanggang ngayon. Ikaw pa lang ang nakita ko. Don't hurt your feelings because you think I only came back because of our child. Isa ka rin sa mga binalikan ko." Sabi ko sa kanya.

Nakayakap lang ito sa akin at hindi na nagsalita pa. Bumigat na ng bumigat ang pagyakap nito hanggang sa i-angat ko ang mukha ko at nakita kong nakapikit na ang mata nito at wala ng malay.

Mabilis kong inalalayan siya para ipunta sa kama kahit na sobrang bigat nito. Inayos ko ang ang naging pwesto nito at lumabas akong kwarto para humingi ng tulong sa kanila Canta at Evo.

Mabilis naman silang tumakbo paakyat sa kwarto at tinignan na nila si Christopher. Hindi ko maiwasan na hindi sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari.

Lahat nang nangyayari kay Christopher ay dahil sa akin.

Nilapitan ako ni Canta para may sabihin.

"Hindi pa ako sigurado, Shellene. Pero nararamdaman kong may naaalala na si Kuya pero hindi niya lang sinasabi. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na nakakaalala na siya lalo na noong kumakain siya kanina. 13 years na siyang walang maalala sa mga nangyari sa akin. Not until he asked me, kung kamusta na raw si Russel. Russel is 14 years old now and he was in Paris when I gave birth to him."

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon