Chapter 18

110 7 0
                                    

Chapter 18

Hindi ko maitago ang nararamdaman kong saya at pananabik sa nalaman ko tungkol kay Christopher.

Sobrang atat na akong makausap siya pero simula noong umalis siya ay hindi na siya nagpakita pang muli sa akin.

Nanatili ako ng dalawang linggo sa bahay niya pero ni minsan ay walang Christopher na sumalubong sa akin sa tuwing hinihintay ko siya sa harapan ng bahay niya.

Lubos akong nasaktan at mas nalulungkot dahil kung kailan alam ko na ang totoo at bumalik na sa akin ang lalaking mahal ko saka naman siya hindi magpapakita sa akin, saka naman siya magtatagong muli dahil alam niyang puno ako ng katanungan.

Dahil alam kong isa siya sa dahilan kung bakit hindi ko hawak ang anak naming dalawa.

Lagi akong nagtatanong kay Canta kung may balita na ba siya kay Christopher pero kahit siya mismo ay walang alam kung saan ba naroroon ito ngayon.

Sumasama ang loob ko dahil mas nakukumpirma ko nang may kinalaman siya sa pagkakawala ng anak ko, ng anak namin.

Hindi na ko nanatili pa sa bahay niya ng panibagong linggo dahil mas hindi na kinakaya ng katawan ko at ng isipan ko ang paghihintay sa kanya.

Ang mga pangako niya sa akin, ang kasal na gagawin, lahat 'yon parang nawala na parang bula simula nang bumalik siya sa totoo niyang buhay, sa dating siya.

Minsan, iniisip ko na lang na sana ay hindi na lang bumalik ang memorya niya na sana ay wala siyang maalala kung paano kami nag sama sa Paris noon, kung sana ay hindi na siya makaalala ay kasama ko pa rin siya.

Masaya pa rin kaming dalawa, na kami lang. Walang pamilyang nakikisali, walang career, walang reputasyon na pinangangalagaan, walang trabaho at walang problema.

Ang meron lang kami ay ang isa't isa.

Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para makita ko siya ulit.

Nawawalan na ako ng pag-asa, napupuno na ako ng sakit at binabalot na ako ng lungkot.

Dahil sa pangalawang pagkakataon, ang lalaking pinangakuan ako ng kasal ay iniwan akong muli sa hindi ko alam na rason.

Lahat naman ginawa ko para bumawi sa kanya, sa lahat ng pagkukulang ko, sa lahat ng maling nagawa ko.

Pero bakit laging ganito ang nagiging kapalit?

Ako ang laging naiiwan, nagdudusa sa sakit, nalulungkot sa hindi ko alam na rason, at ang babaeng nawawala pa rin ang anak.

Isang buwan na ang nakalipas at nandito na ako ulit sa bahay namin nila Mama.

Pag-uwi ko pa lang no'n ay sinalubong niya na ako agad sa mismong gate ng bahay. Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak siya agad.

Sa sobrang sakit at lungkot na nararamdaman ko ay umiyak na rin ako sa pagitan ng mga yakap niya.

I know, she recognized my sadness, my pain and the unending lamentation.

Hinayaan niya muna akong magpahinga bago niya ko tinadtad ng mga katanungan na sinagot ko rin naman.

Kasalukuyan akong nandito sa beach kasama ang mga pinsan ko dahil sa pinagbubunyi namin ang pagmamahalan ni Lio at ni Rye.

Sobra akong namangha at natuwa sa kung paano ipaglaban ng mga pinsan ko ang mga nararamdaman nila para sa mga babaeng minamahal nila.

Sobrang sakripisyo, walang katapusang pagsisi at walang humpay na lungkot ang pinagdaanan ni Lio bago niya nakuhang muli si Rye.

Kailan kaya gagawa si Christopher ng isang paraan para hindi na ako mawala pa sa kanya?

Bakit ako na lang lagi ang naghahabol sa aming dalawa?

Tanaw ko ang malawak na dagat ng Sun Russes, kung saan ito ang tinuring naming lahat na sanctuary lalo na kay Ryne.

Pero sa tuwing pumupunta kaming dagat, ang bitbit nila'y kasiyahan habang ang sa akin naman ay puro sakit.

Kailan ba ko matatapos sa mga pasakit na 'to? Ubos na ubos na ko, ilang taon ang tiniis ko para lang umabot ako sa sitwasyong panandalian lang.

May tumikhim naman sa gilid ko at naamoy ko ang pabangong nakadikit sa katawan nito kaya nalaman kong si Niko 'yon.

"Iniisip mo na naman ba ang anak mo o ang tatay ng anak mo?" Tanong niya.

Binalingan ko siya ng tingin at nakatingin din ito sa akin pero ibinalik niya lang ulit sa harapan.

Hindi ako sumagot at nanatili akong tahimik. Nararamdaman ko ang paggalaw niya at ang paglagay niya ng kanyang dalawang kamay sa bulsa ng shorts niya.

"Alam mo ba Ate kung bakit ako na lang ang may purong pagkatao sa ating lahat?" Tanong nito sa akin.

Tinignan ko siya dahil sa tinawag niya akong Ate at sa tanong nito. Minsan lang ako tinatawag ni Niko na Ate at sa oras na 'yon ay ang mga oras na seryoso siya.

"Bakit?" Balik kong tanong sa kanya.

Ang mata niya ay nasa malawak na dagat pa rin at ako naman ay nasa kanya ang atensyon.

"Hindi ako perpektong tao, hindi ako mabait, hindi ako matinong lalaki. I have my own flaws, I have my own attitude problem, I am immature." Sabi nito.

Nagulat ako sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko na isip na ganito pala ang tingin niya sa sarili niya.

He's hiding himself into something that would cover his true personality. Niko isn't the funny one, that he is also like the others.

"Ayokong magmahal kasi ayokong maramdaman niya ang mga nararamdaman niyo ngayon. Mas hindi ko kakayanin na malaman na ako ang dahilan ng mga luha niya, ng mga sakit sa dibdib niya." Sabi nito.

Hinayaan ko siyang sabihin ang mga gusto niyang sabihin dahil ito lang ang nagiging paraan niya para mailabas ang totoong siya.

Sumulyap ako sa dagat na nasa harapan namin saka ko binalik ang tingin ko ulit sa kanya.

"I am going to die because of love. We are Perez, we are doing everything for the one that we loved." Sabi niya.

Napatango ako sa sinabi niya dahil isa 'yon sa mga napansin ko sa aming lahat.

"I am saving my soulmate from me. She can't have a man that isn't ready for commitment, not ready for love and the only thing that he is ready for, is to gave her the most painful battle."

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon