Chapter 12

111 6 3
                                    

Chapter 12

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa tanong ni Christopher. Nanatili pa rin itong nakatingin sa akin habang nasa harapan siya ng bintana ng kwarto.

"Would you still give me a chance to prove my love to you?" Tanong nito.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ngumiti. Ayokong sumama ang loob niya dahil ayokong maapektuhan ang pagbabago sa kondisyon niya.

Hinawakan ko ang braso niya at inilapit ko ang katawan ko sa kanya.

"Matanda na tayo, Christoph. Wala na akong panahon sa paglalaro. Kung ano man ang nagawa mo, tatanggapin ko ng buong puso." Sagot ko.

Tinignan niya ako at ngumiti ito. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at inilagay nito ang kaliwang kamay niya sa bewang ko at saka ako niyakap at hinayaan niyang sumandal ako sa dibdib niya.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko. Mas matangkad sa akin si Christoph ng limang inches. 5'5 ako at 5'10 siya.

Namimiss ko ang ganitong ginagawa namin noon. Iyong lalambingin niya lang ako, magiging masaya lang kami sa buong araw na walang ginagawa at walang iniisip.

He always like a cuddle bear to me. He never leave me, he never made me feel that there's always wrong and I'm not enough.

Sana lang ay mabuo na kaming tatlo. Gusto ko na ng kompletong pamilya na kasama siya at ang anak namin.

"May gusto ka bang kainin?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang ito at tinignan ang buong mukha ko hanggang sa ilapit na niya ito sa mukha niya at saka ako hinalikan.

Puno ng pagmamahal na para bang walang kulang, na hindi kami nagkahiwalay ng ilang taon at para bang lahat ay maayos.

Hindi ko na pinigilan pa ang nararamdaman ng mga katawan namin, hinayaan ko siyang angkinin ako sa araw na 'yon. Ipinaubaya ko sa kanya ang katawan na matagal niya nang pagmamay-ari.

---

Nagising akong makulimlim na sa labas at kasalukuyan ng may mga ilaw sa mga lamp post sa paligid nitong bahay.

Inaninag ko ang mukha ni Christoph na ngayon ay tulog pa rin at nakahiga sa tabi ko.

Kinuha ko ang mga damit ko sa lapag at isinuot ko ito ulit.

Lumabas na ako ng kwarto ng dahan-dahan nang marinig kong may nag-uusap sa ibaba.

Naboboses-an ko si Canta dahil ilang linggo na rin akong nandito kaya nasaulo ko na ang mga boses ng halos mga tao dito.

"Tita, hayaan niyo na lang muna si Kuya Christoph. Ngayon ko na lang siya ulit nakitang ganyan pagkatapos nang nangyari sa kanya 13 years ago." Sabi ni Canta.

Hindi ko man sila nakikita ay maririnig mo ang pag-iingat ni Canta na hindi lakasan ang boses niya.

"Ang babaeng 'yan ang naging dahilan kung bakit nagka-ganyan si Christopher, Canta. Nakalimutan mo na ba kung paano halos hindi makatayo sa kalasingan si Christopher dahil sa babae na 'yan?" Rinig kong sabi ng isang babae.

Kung hindi ako nagkakamali ay si Tita Millet 'yon. Alam kong tanggap nila ako noon pa man dahil naipakilala na ako ni Christopher sa kanila pero dahil sa nangyari kay Christopher ngayon, alam kong hindi ko sila masisisi kung ganyan na lang man ang naging reaksiyon nila sa pagbabalik ko.

"Ma, just let him do what he wants to do. Matanda na si Kuya, he knows what's good and bad for him." Sabi ng isang batang lalaki.

Kung hindi ako nagkakamali ay si Chrisson 'yon. Dalawa lang silang magkapatid ni Christopher.

"He knows what's good and bad for him? Hindi nga siya makaalala sa kung ano ang nangyari sa kanya sa Paris at kung paano siya humantong sa ganito." Sabi ni Tita Millet.

I can feel her pain and the madness in her voice. What happened to us in Paris really made a huge impact to what happened to Christopher right now.

Kahit hindi ko pa nasisigurado kung ano ang mukha ko ay bumaba na ako agad para magpakita sa kanila.

Gusto kong harapin sila para humingi ng tawad sa nagawa ko sa anak nila.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Tita at ni Chrisson nang makita nila akong naglalakad pababa sa hagdan.

Ngumiti ako sa kanila kahit na nararamdaman ko ang takot sa dibdib ko.

"Hello po, Tita." Bati ko at nag bow pa ako sa kanya.

I don't know if I'm still allowed to kissed her. Ilang taon na ang nag daan at ngayon na lang ulit kami nagkita.

"What are you doing here, Shellene?" Mabilis nitong tanong.

Hindi man lang ito ngumiti o tumugon sa pagbati ko sa kanya. Kahit na ganoon ay ngumiti pa rin ako sa kanila.

"I helped Canta to take care of Christopher." Sagot ko.

Mabilis naman na tumaas ang kilay niya sa sagot ko.

Well, I really deserved this. Kung inayos ko na sana noon ang relasyon ko kay Christopher. Sana ay hindi na ko humantong sa ganito, hindi ko na sana hinahanap ang anak namin.

"Why? 13 years, we are taking care of Christopher and he still manage to live, why you suddenly being interested in taking care of my child?" Tanong nito.

Hindi ako agad nakasagot dahil sa hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

Halos malukot ko na ang damit ko sa sobrang kaba at sa sobrang pressure na nararamdaman ko.

But I'm not a child anymore. I should have stand to what I am fearing and facing, I need to settle my own guilt with his parents before I would marry him.

"I'm looking for our child and that's the reason why I'm here." Sagot ko.

Nakita ko ang panibagong gulat sa mga mata nila maliban na lang kay Chrisson na nakatingin lang sa akin. Hindi ko na pinansin 'yon at itinuon ko na lang ang pansin ko kay Tita Millet.

"M-may a-anak k-kayo?" Utal-utal nitong tanong at halos mapaupo sa sofa na nasa likuran nila.

Inalalayan naman siya ni Chrisson. I know this is a big shock to them, lalo na't inilihim naming dalawa ito.

"Paanong nangyari na hindi namin alam na may naging anak kayo? Saan ang bata? Nasaan ang apo ko?" Sunod-sunod nitong tanong.

Umiling lang ako bilang sagot dahil kahit ako naman ay hindi ko alam kung saan ang anak ko.

"Si Christopher lang ang may alam kung nasaan ang anak namin."

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon