Chapter 23

107 7 0
                                    

Chapter 23

Nagising ako nang may kumakatok sa pintuan ng kwarto kahit mugto ang mga mata ko ay pumunta ako doon at binuksan ko.

Nakita ko si Mama na puno ng pag-aalala sa mata niya na tila ba hindi niya alam ang gagawin.

"May problema po ba?" Tanong ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumango kaya mabilis akong lumabas at tumakbo ako pababa sa kung saan ang kinaroroonan nila August at nila Papa.

Nakita kong nakaluhod si Christopher doon at basang-basa ang suot niyang damit.

Nataranta ako kaya mabilis akong tumakbo sa kanya pero bago pa man ako makalapit ay inawat na ako ni Papa.

"Huwag mo siyang lalapitan, Shellene. Ang lalaking 'to ang nagpahirap sayo, ang nagtago ng anak mo at ang nangloko sayo." Sabi ni Papa habang nakatingin kay Christopher.

Hindi man lang nag-angat ng tingin si Christopher, nakayuko lang ito at tinatanggap ang mga salita na galing kay Papa.

Tinignan ko si Papa at kita ko sa mata niya ang galit. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya dahil nararamdaman ko rin 'yon pero wala naman kasalanan si Christopher sa nangyari sa anak namin, hindi niya ginusto na mawala ang anak naming dalawa.

"Bakit basa siya, Pa? Binasa niyo ba siya?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan niya si Christopher saka sinenyasan si August na hawakan ako para hindi ako makalapit.

Niyakap naman ako ni August nang patalikod at mas humihigpit ito kapag nagpupumiglas ako.

"Nandiyan na siya kagabi pa at gusto ka niyang makausap. I don't want him to bother you again, you're now healing yourself." Sabi ni Papa sa akin.

Napa-iling ako sa kanya. I'm not healing myself, I'm still mourning for what I loss.

"Umulan ng sobrang lakas kagabi kaya nabasa siya pero hindi ko alam na naghintay siya dito hanggang ngayong umaga." Sabi naman ni Papa.

Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang tulungan at gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Hinanap ng mata ko si Mama para humingi ng tulong sa kanya pero nakahawak lang si Angelo sa kanya.

"August, let me go." Bulong ko sa kanya.

Wala akong narinig na kahit anong salita kay August pero hindi man lang ako nito binitawan o niluwagan ang pagkakayakap sa akin.

"He needs me. He need my help." Sabi ko sa kanilang lahat.

Umiling-iling si Papa na para bang ayaw niyang makinig sa sinasabi ko.

"Why would you help him? Does he help you when you're stupid looking for him and to your child for how many years? Saan mo mahahanap ang lalaking 'to noong mga panahon na kailangan mo ng tulong? Sabihin mo nga sa akin, Shellene."

Hindi ko magawang sumagot sa mga binabato na tanong ni Papa sa akin kasi kahit ako hindi ko alam ang isasagot ko.

"He was nowhere to be found, he was hiding himself and the truth from you. Would you still help him after everything he did to you?" Sabi na naman ni Papa.

Nagulat pa ako nang makita kong may nag park ng kotse sa harapan ng bahay at niluwa ng kotseng 'yon ang isa sa mga pinsan namin, si Miko. Bumukas naman ang sa likuran na pintuan at niluwa no'n si Niko.

"What's the commotion here?" Tanong ni Niko.

Kahit kailan naman, oo. Minsan hindi rin sumasabay sa sitwasyon ang dalawang ito lalo na ang mga inaakto ni Niko.

"Oh, the father of the child is here." Sabi na naman nito nang makita niya si Christopher na nakaluhod at nakayuko.

Napunta naman ang tingin nito sa amin ni August na nagyayakapan.

"Incest is not allowed in the family so better let go of her, August. Mahiya ka naman, dude. Ate mo 'yan tapos papatulan mo? Gross!" OA niyang sabi.

Tinapunan naman siya ni Papa ng tsinelas sa ulo kaya natahimik ito sa pag i-inarte niya.

"I called the two of you to help me with this man and not to overact." Sabi naman ni Papa.

Kinurot naman ni Miko si Niko kaya napangiwi ito sa sakit.

"Ouch, bro! Huwag diyan, may kiliti ako diyan." Sigaw nito.

Aambaan na sana siya ulit ni Papa ng isa pang tsinelas ng nagtaas na ito ng mga kamay sa ere.

"Kahit kailangan 'yang disorder mo walang pinipigil na lugar." Sabi naman ng isang mokong na nakayakap sa akin.

Nag rolled eyes lang si Niko at binalik ang tingin nito kay Christopher. Magsasalita na sana si Papa pero naunang nagsalita si Niko.

Ipinasok nito ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng shorts niya kaya alam kong seryoso na ito.

"Bago mo ibuhos lahat ng galit mo, Tito. Hear me out just this once." Sabi nito kay Papa.

Si Papa naman ay hinayaan siya sa gagawin at sasabihin niya. Si Miko naman ay nasa tabi na namin ni August habang nasa harapan namin si Niko na nakapagitna.

"This man also lost his child with Shellene. It wasn't his mistakes that the baby died before Shellene gave birth to him. If Shellene visits her OB before she would going to give birth to her child, that time they can assess and see if the baby is healthy or in right shape but she didn't visit. Shellene is responsible for her child's death." Sabi niya.

Laging may punto si Niko at naniniwala ako na kung ano man ang lalabas sa bibig niya, alam kong tama 'yon.

Magsasalita na sana si Papa pero itinaas ni Niko ang kamay niya para mapahinto si Papa.

"Walang alam si Christopher sa resulta ng magiging labor ni Shellene. Wala rin siyang alam na patay ang bata sa tiyan ni Shellene dahil hindi naman sila pumuntang hospital. Tito, don't put all the blame in Christopher's shoulder. May kasalanan din si Shellene dito at alam mong alam niya ang pagkakamali niya bilang ina." Sabi nito.

That hit me too hard. Sobrang straight to the point na sinabi ni Niko ang pagkakamali ko bilang isang ina.

"Ang naging mali ni Christopher dito ay itinago niya ang katotohanan sa ating lahat dahil 'yon ang sa tingin niyang paraan para ma-iligtas si Shellene sa sakit na dadanasin niya kapag nalaman nito na ang iniluwal niyang sanggol ay wala ng buhay." Sabi niya.

Tinignan ko si Christopher at nakikita ko ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha sa mata nito.

Nasasaktan siya at nararamdaman ko 'yon. Pareho kami nang nararamdaman.

"I just wanna know what name you named him?" Tanong ko sa kanya.

Hindi pa ito agad nagsalita pero bago pa man siya tuluyang natumba ay nasabi niya ng buo ang ipinangalan niya sa anak namin.

"Christian Shello Vios"

----

-JustForeenJeo





Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon