Chapter 8

245 8 1
                                    

Chapter 8

Nagising akong mugto ang mata habang nakaupo sa kama ko at nakatingin sa sinag ng araw na ngayon ay tumatagos sa bintana ng kwarto ko.

Panibagong araw para magsimulang maghanap sa anak ko kasama ang mga tutulong sa akin.

Sinabi ni Papa sa akin na kagabi pa raw siya naghanap ng mga taong pwedeng maghanap kay Christoph at ganoon na rin sa anak ko pero ang kailangan kong mahanap ngayon ay si Christoph dahil siya ang makakasagot sa lahat ng mga katanungan ko o baka nasa kanya rin ang anak ko.

Nag ring naman ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag. It's Felix, ang personal investigator na matagal ko ng hinire.

"Good morning, Ma'am." Bati nito sa akin.

Tumikhim muna ako para ayusin ang magiging boses ko bago ako nagsalita.

"Good morning too, Felix. Any updates?" Sabi ko sa kanya.

Dahan-dahan na akong tumayo at naglakad papunta sa sliding door ng kwarto ko. Binuksan ko ito at naglakad ako papunta sa balcony nito.

"Ma'am, may nahanap na po kaming lead. October 22 po 'yong birthday no'ng bata. Residente po sila ng Davao." Sabi nito.

Kumabog naman ng mabilis ang puso ko sa narinig ko sa kanya. Heto na kaya ang hinahanap ko? Malalaman ko na ba kung nasaan ang anak ko?

"Thank you, Felix. Thank you so much." Pagpapasalamat ko sa kanya.

Gumaan ng kaunti ang nararamdaman kong bigat sa dibdib ko sa sinabi niya. Kahit hindi pa naman ako sure kung anak ko ba talaga 'yon pero merong chance na baka ipinagtatagpo na kami ng anak ko.

"Hindi lang po yon, Ma'am. Nalaman ko na rin kung nasaan ang ama ng anak niyo." Sabi nito.

Nanindig ang balahibo ko sa narinig ko kay Felix. Nahanap niya na si Christoph?

"Tell me, where I could find him?" Tanong ko sa kanya.

Hindi na ko makapaghintay na malaman kung nasaan si Christoph. Gustong-gusto ko na talagang makita ang anak ko.

"Nandito rin po siya, Ma'am. May bahay siya sa isang subdivision sa Lazio. Shello Subdivision ang pangalan, Ma'am. Nalaman ko rin na pagmamay-ari niya 'yon." Sabi nito.

Nag paalam na ako kay Felix at wala na kong sinayang na panahon at mabilis na kong naghanda at pumunta sa Shello para makaharap ko na ng personal si Christoph.

Ang sabi ni Felix ay may isang sign sa bahay na yon ang siyang magiging way ko para malaman ko na sa kanya 'yon.

May malaking gate na may engrave na CSV.

Nagtaka naman ako kung bakit CSV ang naka-engrave doon. Pwedeng ang pangalan niya yon pero anong meaning ng S doon? D naman ang start ng middle name ni Christoph.

Nag doorbell na ako at may lumabas na guard doon.

"Anong kailangan niyo, Ma'am?" Puno ng respeto nitong sabi.

Ngumiti naman ako sa kanya pero ang totoo niyan ay kinakabahan ako ng sobra.

"Nandiyan ba si Christopher sa loob?" Tanong ko.

Tumango naman ito at pinagbuksan ako ng gate.

"Anong pong kailangan niyo kay Sir?" Tanong nito sa akin.

Pinakita ko 'yong picture naming dalawa ni Christoph noog nasa Paris kami.

"Dati akong girlfriend ni Christoph. Gusto ko lang siyang kausapin." Sagot ko.

Nakita ko naman na sumilay ang ngiti sa mukha ng guard.

"Ang saya pa lang makita ang ngiti ni Sir. Nandoon po siya sa loob. Tara po at pumasok kayo." Sabi nito.

Sinundan ko naman siya ng mag simula na siyang maglakad papasok ng bahay.

There's a familiar feeling. Pakiramdam ko nakita ko na ang bahay na ito.

Tinignan ko ang kabuuan ng bahay at doon ko napagtanto kung anong bahay ang nandito nakatayo mismo sa harapan ko.

Our dream house.

Parang may sumaksak na isang parte ng basag na bote sa puso ko sa nakikita ko ngayon sa harapan ko.

Dati ay drawing lang ito pero ngayon ay nakaguhit na sa realidad.

After he leave me for almost 13 years without saying goodbye or any words, wala na akong naging balita sa kanya.

Dahan-dahan kong hinahakbang ang paa ko na kasabay nun ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.

Hindi ko aakalain na nandito na ko sa harapan ng lalaking unang minahal ko.

Nakita ko siyang nakaupo sa isang single set sofa at nakaharap ito sa isang painting.

Tinignan ko ang nasa painting at nagulat ako ng makita ko kung sino ang nakapinta dito.

Ako 'yon na nakasuot ng isang white gown at naka-sideview habang ang nasa likuran ko ay papalubog na araw sa dagat.

Naramdaman ko ang unti-unting pag-agos ng luha sa mata ko.

Doon na ko natuod ng biglang humarap sa akin si Christoph na para bang hindi niya ako kilala. May lumabas naman sa isang gilid na isang babaeng nurse at nakangiti ito sa akin.

"Hi, Shellene. I'm Canta, personal nurse and cousin ni Christoph." Pakilala nito.

Nagtataka akong tumingin sa kanya at kay Christoph. Personal nurse? May sakit ba siya?

"Teka, personal nurse? May sakit ba siya? Anong nangyari sa kanya?" Sunod-sunod kong tanong.

Lumapit ito sa akin at marahan akong niyakap na para bang tuwang-tuwa itong makita ako.

"Marami akong gustong i-kwento sayo pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan." Sabi nito.

Napatingin kaming pareho ng marinig naming magsalita so Christoph.

"Shellene? Mahal?" Tawag nito sa akin na para bang nakikilala na niya ako.

Hindi ko maintindihan pero naiiyak ako sa nakikita ko ngayon. Ano ba talaga ang nangyari kay Christoph?

"13 years ago, umuwi siya dito. He was so wasted na walang araw siyang hindi uminom. Tambay siya sa sarili niyang club and then one time, may isang hospital ang tumawag sa amin and they are telling us na nasa Operating room si Christoph. Nagkaroon ng complications sa kidney niya ng madisgrasya siya pauwi sa bahay nila Tita." Kwento ni Canta.

Nakatingin lang ako kay Christoph na mariing nakatingin sa akin na para bang kinakabisado niya ang mukha ko.

"He survived the operation. But he lost his memories. In 13 years, Shellene. Ikaw lang ang naaalala niya. Lahat ng naaalala niya ay dina-drawing niya at ito 'yon." Sabi nito.

Pinakita sa akin ni Canta ang dalawang parang libro at binuklat ko yon. Doon ko nakita ang mga mukha ko at ang mga ginawa namin sa Paris.

Nakita ko rin ang sketch niya sa dream house naming dalawa.

"Nang matapos niya ang sinasabi niyang dream house niyo ay tinulungan siya nila Tita para mapatayo niya ito." Sabi nito.

I'm looking at the sketch that he made. Itong-ito ang tinutukoy naming dalawa everytime we are talking about the future. Gusto naming gawin ito para dito bumuo ng pamilya.

"But everything is a mess, Shellene. Naaalala niya ang nangyari sa kanya simula ng bata siya hanggang college siya hanggang sa mapunta kayo sa Paris dalawa. Ang natatandaan niya lang ay ang 2 taon niyang pag stay sa Paris at ang kasunod no'n ay hindi niya na maalala."

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko kay Canta.

"He maybe remember you but not that fully."

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon