Chapter 15

128 4 1
                                    

Chapter 15

Hindi na kami tuluyang nakapunta kahapon sa Doctor niya dahil sa kagustuhan nito. Kasalukuyang naliligo si Christopher sa pool nitong bahay habang nasa sun lounger lang ako at binabantayan siya.

Hawak-hawak ko ang cellphone ko dahil baka biglang tumawag si Felix sa akin o isa sa miyembro ng pamilya ko.

Ayokong tumigil sa paghahanap sa anak ko, gusto kong gumawa pa rin ng paraan para mahanap ko siya. Kung hindi ko man makuha ang sagot kay Christopher, maghahanap ako ng ibang paraan.

Nag ring naman ang cellphone ko at si August ang tumatawag. Hindi na ko nag dalawang isip na sagutin ito.

Nang ilagay ko ang cellphone sa tenga ko ay ang siyang pag-ahon ni Christopher. Nakita niya akong may kinakausap kaya mabilis itong umalis sa pool at papunta ngayon sa akin.

"Ate?" Tawag nito.

Hindi ko lubos maisip na halos ilang linggo ko silang hindi nakausap.

"Hello, may problema ba?" Tanong ko sa kanya.

Hindi na ko mapakali dahil baka tungkol ito kay Mama.

"Nothing. I just want to check on you." Sagot nito.

Nawala bigla ang bigat sa dibdib ko at mas nakaramdam ako ng saya.

"You missed me?" Tanong ko.

Nakita ko naman ang pag-angat ng kilay ni Christopher habang nakatingin sa akin at nagpupunas ito.

"Defenitely not, pero okay na rin, if that's what makes you feel better." Sagot nito.

Indenial pa ang kumag na ito at hindi na lang aminin na namimiss niya talaga ang Ate niya.

"Come on, just say you do." Sabi ko.

Hindi ko na maitago ang tuwa sa mukha ko kaya napapangiti at napapatawa na ako. Nakaramdaman ko naman ang titig ni Christopher sa akin.

"If you have time, visit us. Lalo na si Mama, she keeps on asking about you, kung tumawag ka ba sa amin kasi hindi ka raw tumatawag sa kanya. She was worried about you. Nasaan ka ba kasi?" Sabi nito.

Umupo na si Christopher sa likuran ko at nakikinig sa usapan namin ni August.

"I'm gonna call her after this. Just don't try to track where I am right now. Papakita ako sa inyo kapag okay na ang lahat." Sagot ko.

Nagulat naman ako nang biglang kunin ni Christopher ang cellphone ko at inilagay niya ito sa tenga niya.

"Who is this? I'm Christopher, Shellene's fiancee." Sabi nito.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tinangka ko nang kunin ang cellphone sa kamay niya nang tumayo na ito at lumayo sa akin.

Hindi ko na narinig ang sinabi ni August at alam kong alam niya na ngayon kung nasaan ako.

"She's okay. No need to worry. I'll take care of her. Of course, she's in good hands. I'll ask her about it. Yes, buddy. See you soon, I'll meet you all when I'm ready and she's ready." Sabi nito.

Bumalik na ito sa akin at binigay ang cellphone.

"It's your brother, August. I thought some other guy who is trying to hit on you. Just wanna be so sure that no one would gonna steal you away from me." Sabi nito at umalis na,

Naiwan akong napanganga sa sinabi niya. Pinaghinalaan niya akong may ibang lalaki? Nagseselos ba siya kanina?

Hindi ko mapigilan na hindi matawa sa ginawa niya. Nagka-anak na kami't lahat-lahat ay nagseselos pa rin siya.

Mabilis ko siyang hinabol papasok sa loob para kausapin siya. Nakita ko siyang papaakyat pa lang ng hagdan kaya tinawag ko siya agad.

"Christopher?!" Tawag ko sa kanya.

Napahinto ito at sumalubong ang kilay niya.

"What's with the Christopher? It should be, Mahal. That's our endearment, do you forget about that? May mild amnesia ako pero lahat ng naging tawagan natin, hindi ko kinalimutan." Sabi nito.

Mabilis akong tumakbo at niyakap ko siya. Nakanguso itong nakatingin sa akin na para bang naghihintay siyang lambingin ko siya.

Hinalikan ko na siya para mawala ang pagtatampo ng magiging asawa ko.

Binuhat niya ako habang naglalakad ito sa hagdan. Hinayaan ko siya sa ginagawa niya hanggang sa makarating kami sa itaas.

Ibinaba niya na rin ako nang makarating kami sa kwarto niya. Pumasok siya at pumasok din ako.

Tinignan ko lang siya sa ginagawa niya at umupo ako sa kama.

Nakita ko siyang pumasok sa walk in closet nito para siguro mag bihis o kumuha ng damit.

"Aren't you not curious about what we talked?" Tanong nito sa akin.

Paglabas nito ay tinignan niya ako na para bang naghihintay siya sa sagot ko. Umiling lang ako at pumunta ito sa sa akin at lumuhod sa harapan ko.

Isinukbit ko naman ang kamay ko sa leeg niya.

"We talked about you. He threatened me that he will take you away from me if I didn't treat you right." Sabi niya.

Napangiti naman ako sa narinig ko. My typical August. Kahit nasa malayo ako, he would really do everything to protect me.

"But there's one thing that he said that really caught my attention." Dagdag nito.

Bigla akong kinabahan sa nakikita ko sa mukha niya. May sinabi ba si August sa tunay kong pakay kung bakit ako nandito?

"He said that you quit modeling." Sabi nito.

I released my deep sighed secretly. Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

"But why? You loved it." Sabi nito.

Hinawakan ko ang mukha niya habang nakangiti. He knows how I loved it but then as you aged, you will know what makes your life complete and satisfying.

"I want to do my dreams. Isa lang naman ang pangarap ko noon, ang maging nanay at magkaroon ng pamilya. I have this luxurious life but then this is not what makes me happy. I loved modeling but it's not what makes me happy. Maybe temporarily but not permanently, like how you gave happiness to me and giving your lifetime commitment as my husband." Sagot ko.

Hinalikan niya ako sa noo ko na mas nagbigay pa ng lakas nang pagtambol sa dibdib ko.

"If you say so, then tell me about what he said, that we have our child, that you're pregnant 13 years ago."

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon