Chapter 14

128 4 2
                                    

Chapter 14

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang pumunta sila Tita Millet at Chrisson dito. Tuloy-tuloy pa rin ang mga positive outcomes sa condition ni Christopher.

Hindi ko na lubos maisip na darating ang isang araw at gumaling na siya ay mahahanap na namin ang anak naming dalawa, ikakasal kami at magiging masaya.

Kasalukuyan ko siyang inaayusan dahil pupunta kami sa Doctor niya. Isang Psychologist para mas mapabilis pa ang recovery niya.

Kung sana noon ko pa siya nakita, sana ay masaya na kami ngayon.

"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Sinusuklayan ko ang buhok niyang humahaba na, umaabot na ito sa balikat niya.
Nakatingin lang ito sa akin na para bang pinagmamasdan niya akong inaalagaan siya.

"Mahal, may nakikita ako sa isip ko. Hindi ko alam kung panaginip ko lang ba 'yon o parte siya ng memorya na nakalimutan ko." Sabi nito.

Mabilis akong napahinto sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya.

"Tungkol ba ito sa mga kalaban mo na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sayo?" Tanong ko sa kanya.

Noong pumunta sila Tita Millet dito ay doon na rin namin nalaman ang tungkol sa mga death threats na natatanggap niya. Lahat daw ng 'yon ay nakadirekta sa mismong kompanya nila.

Si Christopher ang tagapag-mana ng negosyo nila at dahil doon kaya hindi maiiwasan na siya ang puntiryahin ng mga negosyanteng nakabangga at tinanggihan niya noon.

Habang magkasama kami ni Christopher sa Paris ay hindi pa niya hawak ang kompanya nila.

Hinawakan niya na ito noong bago pa man ako mabuntis. Kaya noong sabihin ko sa kanya na buntis ako ay minadali niya ang lahat ng gagawin niya at hinayaan niyang si Tito ang mag substitute sa kanya as CEO dahil sa akin.

Alam kong hindi niya sinabi ang tunay na dahilan pero dahil may tiwala si Tito sa kanya ay hinayaan siya nito.

"Hindi ito tungkol sa mga nakabangga ko noon. Tungkol ito sayo, sa atin." Sagot niya.

Halos mapasinghap ako sa narinig ko sa kanya. Ito na ba 'yon? Naaalala niya na ba ang tungkol sa anak namin?

Sobrang bilis ng kabog ng puso ko at kahit siya ay alam kong maririnig 'yon. Nakaupo siya sa kama habang nakatayo ako sa harapan niya at ang dalawa niyang kamay ay nakayakap sa bewang ko.

Para kaming mag-asawa pero alam kong hindi magtatagal ay magiging legal na kaming dalawa.

"Nakasuot kang asul na bestida at nakahiga ka sa isang kama." Sabi nito.

Gusto ko nang maiyak sa narinig ko sa kanya. Tama ang sinabi niya, at ang sinabi niya ay totoong nangyari. Asul na bestida ang suot ko noong panahon na nag l-labor na ako. Iyon ang uniform ng mga patient sa hospital kung saan ako manganganak.

"Anong sunod na nangyari?" Tanong ko sa kanya.

Nanatili itong nakatingin sa akin at nakita ko na ang pagsilay ng sakit sa mga mata niya. Mabilis kong hinawakan ang mukha niya at sinadya kong mag tama ang mga mata namin.

"You don't need to do that, you can always try. Ayokong pilitin mong makaalala, ayokong nasasaktan ka." Sabi ko sa kanya.

Ayokong makita siyang humihayaw na naman sa sakit dahil sa hindi niya makayanan ang sakit na dumadaloy sa utak niya.

Ayokong magkaroon ng komplikasyon ang magandang resulta sa recovery niya.

Hinalikan ko siya at niyakap. Hihintayin ko siyang gumaling, hihintayin kong bumalik ulit sa dati ang pagsasama naming dalawa.

"Pwede ba na bukas na lang tayo pumunta sa doctor?" Tanong niya.

Mabilis naman akong humiwalay sa yakap at tinignan ko siya nang may pagtatanong sa mata.

"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo? Tatawagin ko lang si Can-"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil mabilis niya na akong binuhat at inayos sa kama. Sinimulan niya na akong halikan hanggang sa hindi ko namalayan na nakadagan na ito sa akin.

"Christoph?" Tawag ko sa kanya.

Hinalikan ako nito sa noo bago siya nagsalita.

"Gusto kong bumawi sa ilang taon na hindi ako nagpakita sayo. Nahihiya akong humarap sayo, Mahal. Hangga't wala akong maalala, patuloy akong magiging mahina." Sabi nito.

Ngumiti ako sa kanya para malaman niyang okay lang ang lahat.

"Okay na 'yon, ang importante ay ikakasal na tayo at ang maging okay ka." Sagot ko.

Umiling naman ito na para bang hindi siya sang-ayon.

"Matagal ko nang iniisip ito. May iba ka pa bang lalaki noon?" Tanong niya.

Hindi ko maiwasan na hindi matawa sa tanong niya. Nakita ko naman ang pagsilay ng inis sa mukha nito, nagkasalubong ang dalawa niyang kilay at para bang handa na ito sa mga sasabihin niya.

"Wala na akong ibang naging lalaki maliban sayo. I could spend my whole life with you even when we're in Paris so why would I look for another guy? If I could marry you." Sabi ko.

Nakita ko ang pag pula ng mga tenga niya sa sinabi ko. Kinilig si Mr. Vios sa sinabi ko. Sumilay muli ang ngiti sa mukha ko at ganoon din sa kanya.

Nilunod nito ang mukha niya sa leeg ko habang nasa itaas ko pa rin. Niyakap ko siya kahit na sobrang bigat niya.

"I can't even see myself marrying another woman. I only want you." Sabi nito.

The overwhelming feeling of love and happiness are captivating my heart. I can't resist the power of his love running towards my heart.

"Mahal na mahal kita." Sabi ko sa kanya.

Bumangon ito at tinignan ako. Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"13 years without hearing those words from you." Sabi nito habang naluluha.

Sobrang dami naming babawiing oras sa isa't isa, isa na roon ang iparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko at pag-aalaga.

"I love you, Mahal." Ulit ko.

Umiling-iling ito na para bang kinikilig siya.

"I love you too, Shellene Perez." Sabi niya.

Hinalikan niya ako at tumugon din ako. Nagsimula na sa paglakbay ang mga kamay niya sa buong katawan ko.

"Last one question, can I get you pregnant?"

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon