Chapter 22

141 7 1
                                    

Chapter 22

Pagkatapos kong lumabas sa hospital ay hindi pa ko kinulit nila Mama sa totoong nangyari sa akin, binigyan din ako ng oras ni August.

Halos dalawang linggo na wala akong ibang narinig sa kanila kung hindi ay kamustahan lang.

Alam ni Mama na hindi ko pa kaya magsalita sa mga nag daang linggo kaya hinayaan nila akong mapag-isa.

Kakalipas pa lang ng dalawang linggo ay hindi na makapaghintay si August at kinausap na ako nito.

Isang linggo na lang ay pupunta na kaming Singapore para sa contest ni Angelo.

Nakatanaw ako sa balcony ng kwarto ko nang bigla itong pumasok at lumapit sa akin. Sobrang nagulat ako sa ginawa niya dahil bigla itong lumuhod sa harapan ko at humihingi siya ng tawad.

Inaamin ko may nararamdaman akong konting pagtatampo sa kanya dahil nag lihim pa rin ito pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa kanya, ang pag-iintindi ko sa mga sakripisyo na ginawa niya para sa akin.

Sa nakikita ko ngayon at para akong hinaplos sa puso ko dahil sa ginawa niya. Sobrang taas na nang narating ng kapatid ko pero alam niyang nagkasala siya kaya humihingi ito ng tawad.

He's always good. Mas nagiging proud ako na naging kapatid ko silang dalawa ni Angelo kasi ni minsan hindi nila ko kinalimutan, hindi nila ko iniwan.

"I'm sorry, I'm so sorry." Sabi nito.

Naiiyak ako sa paraan nang paghingi nito ng tawad sa akin.

"Tumayo ka nga diyan." Utos ko sa kanya pero nanatili pa rin itong nakaluhod at nakayuko.

Hindi man lang siya natinag at nanatili pa rin sa pwesto niya.

"I should have told you everything in the first place." Sabi nito.

Itinaas nito ang tingin niya at nakita kong nagtutubig na ang mata niya kaya mas lalo akong nasaktan para sa kapatid ko.

"There's the temptation of protecting you from the pain. You suffered half of your life in finding peace and happiness. Nagpadala ako sa tukso na baka pwede pa rin namin itago ang katotohanan sayo para hindi ka lang masaktan." Sabi niya.

Naiintindihan ko siya, naiintindihan ko ang kapatid ko.

"But the truth will always reveal itself." Sabi niya.

Yumuko ulit ito kahit na nagsasalita pa siya.

"Iniisip ko na kapag nalaman mo ang totoo, ikakamatay mo ang sakit pero sobra pa doon ang nangyari sayo. Gusto kong akuin ang lahat na nararamdaman mo so I can do something better for you." Sabi niya.

Hinawakan ko ang ulo niya at sinuklay-suklay ko ito gamit ang kamay ko.

Pinipilit ko siyang tumayo pero sa sobrang bigat niya ay hindi ko kaya.

"Tumayo ka na, August. It's okay, I understand your reasons." Sagot ko sa kanya pero parang wala man lang itong narinig.

Nanatili pa rin siya sa ginagawa niya at pinapanindigan niya ito.

"Nagkamali ako ng paraan nang pagpro-protekta sayo. Inalalayan dapat kita, sinamahan sana kita sa lahat. I'm so disappointed that I am the reason why you're feeling the too much pain that you didn't deserve." Explain niya.

Masaya ako at alam ni August na nagkamali siya na hindi lang siya basta may hawak na dahilan.

"Ate, alam ko, you always need time to forgive me but I'm saying my deepest sorry for what I did." Sabi niya.

Yumuko ako at hinalikan ko siya tuktok ng ulo niya. Inangat ko ang mukha niya at hinarap ko siya sa akin.

"You've done what you think is right for me. I understand your reasons and I also forgive you, noong nakaraang linggo pa. Though, nagtatampo ako pero pwede ka pa rin naman gumawa ng paraan para bumawi sa akin." Sabi ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumayo at bigla na lang niya akong niyakap at doon siya umiyak sa mga balikat ko.

"Akala ko mawawalan na ako ng kapatid." Sabi niya sa akin.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Iyong dating pilyong August na kinakausap ako sa walang modong paraan ay tinatawag na akong Ate ngayon.

"Whatever your mistakes you have done to me, I won't cut my ties with you. Kapatid pa rin kita, always remember that." Sabi ko sa kanya.

Dahan-dahan itong tumango sa sinabi ko. Nawala na ang pagtatampong nararamdaman ko sa kanya dahil sa ginawa nito ngayon.

Sobrang mahal ko sila at sobrang mahalaga sila sa akin para patagalin ko pa ang nararamdaman kong ito.

Nasaktan ako, sobrang nasaktan ako sa nawala sa akin. Ngayong nakumpirma ko na ang tunay na nangyari sa anak ko, babalutin ako ng lungkot at sakit pero nasa maayos ng sitwasyon ang utak ko, I am now at peace.

Hindi ko pa matanggap sa ngayon ang nangyari sa anak ko pero alam ko darting din ang araw na matatanggap ko na ito ng buo.

Hindi ko pa kaya ngayon dahil masyadong sariwa pa sa akin ang mga nalalaman ko.

Hinahayaan kong dalhin ng puso ko ang mga naipon na sakit, lungkot at pighati. Ito ang tutulong sa akin para labanan ko ang lahat, ang kayanin ko ang bawat problema na meron pa rin ako ngayon.

Umiiyak pa rin ako sa tuwing nalilingat ako sa kalangitan lalo na't nakikita ko ang mga bituin.

Pumunta kaming dalawa ni August sa balcony at sabay kaming tumingin sa langit na may nabubuong mga constellation.

"Kung saan man siya ngayon, sana ay nasa mayapa na rin siyang kondisyon. So he could guide you." Sabi ni August.

Tumigil na ito sa pag-iyak at bumalik sa dati nitong sarili. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Matatahimik na siya dahil alam na ng Mama niya ang totoo." Sabi ko.

Sobrang sakit pa rin para sa akin na isipin na ang batang matagal ko nang hinahanap ay nasa langit na pala.

"He's watching you." Sabi nito.

"Now, the stars are holding him tonight." Sabi ko sa kanya.

Inakbayan ako ni August at mas inilapit pa ako nito sa kanya.

He's comforting me. He's giving me the sympathy.

"Your child is happy because you're his Mom." Sabi niya.

Umiling ako sa kanya.

"He can live a life if I did everything as a Mom."

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon