Chapter 31

94 5 3
                                    

Chapter 31

Pag gising ko pa lang sa umaga ay mabilis akong pumunta sa kwarto ni August para i-check ang baby pero wala na kong nadatnan doon.

Bumalik ako sa kwarto ko at pumunta ako sa balcony ko. Tinignan ko ang ibaba kung may tao ba doon at nandoon si August at Niko sa may malapit sa pool.

Karga-karga ni Niko ang bata habang si August naman ay may hawak na milk bottle.

Nakakatuwang pagmasdan sila na may hawak-hawak na sanggol.

Dati pa lang ay naiinggit na ko kay Ryne kasi binigyan siya ng hindi lang isa kung hindi tatlong lalaking anak tapos may isa pang babae.

Ano kaya ang buhay ko kung nabuhay ang anak ko?

Nawala ang tuwa sa mukha ko nang maramdaman ko ang pamimilipit sa may tiyan ko pababa sa puson ko.

I can feel the cramps. Hindi ko alam pero napapaupo ako nang dahan-dahan sa sobrang sakit.

Mabilis ang kabog ng puso ko dahil baka may mangyaring masama sa anak ko.

Tinignan ko ang mga hita ko kung may tumutulo ba doon pero wala naman.

Dahan-dahan akong huminga ng dahan-dahan saka ko kinuha ang cellphone ko na nasa edge ng kama ko.

Nagiging blurry na ang paningin ko, I dialed my number 1 in speed dial.

Napahiga na ko sa sahig dahil sa sakit, nag ring ito, I am wishing that August or Niko would answer me.

Mas nagulat ako sa boses na narinig ko.

"Shellene?" Tawag nito.

It's Christopher.

Pero wala na kong ibang maisip kung hindi ang saklolo na kailangan ko.

"H-help m-mee..."

After that, I lost my consciousness.

---

Christopher Vios

I am talking to Lea when my phone suddenly ring.

Wala akong hinihintay na tawag kaya nagtaka ako na out of the blue ay may tatawag.

Nagulat din ako nang makita kong si Shellene ang nsa caller ID.

Ilang araw na rin kaming hindi nagkita at nagkausap kaya namimiss ko na siya. Tinitiis kong hindi siya puntahan dahil alam kong mas kailangan niya ng oras kesa sa akin.

I have so many shortcomings to her and I don't know how to fill it.

"Shellene?" Tawag ko sa kanya.

I can hear her deep breath. Mabilis akong napatayo nang marinig ko 'yon.

I can feel that there is something wrong.

"H-help m-mee..." Sabi nito at mabilis na nawala ang boses niya.

"Shellene? Where are you?" Tanong ko pero wala na kong natanggap na sagot.

Mabilis kong kinuha ang susi ko at tumakbo ako palabas ng bahay habang kasunod ko si Lea.

"What happened? Why are you running?" Sunod-sunod na tanong nito.

Tinignan ko siya at saka ako nagsalita.

"My woman is in danger, she needs me." Sabi ko.

Sandali pa itong natigilan sa sinabi ko pero hindi ko na binigyan pang pansin ang expression na meron ang mukha niya.

Ayokong paniwalaan ang sinasabi ni Shellene sa akin kasi may tiwala ako kay Lea.

She's my best friend since then and I know that she won't fell in love with me. She knows that I am deeply inlove with just one person and that is Shellene.

Sumakay na ko sa kotse ko at nagulat ako nang sumakay din ito.

"I'm coming with you." Sabi nito kaya tumango na lang ako.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko. Malayo sa mismong village ko ang village nila Shellene kaya hindi ko alam kung paano ako makakaabot doon nang mas mabilis pa.

Wala na akong ibang naiisip kung nasaan siya ngayon kung hindi sa bahay nila mismo.

Umalis ang parents niya at ang mga kapatid niya kaya panigurado ako na siya lang mag-isa doon at ang mga kasambahay nila.

"Can't you just drive slowly? We can get there in time." Sabi naman ni Lea.

Pero hindi ko siya pinakinggan, if something bad happens to Shellene, I don't know what I am going to do.

"I need to get there right now, Lea. So just sit there." Sabi ko sa kanya.

We have a lot of misunderstanding and problems but I can't bare to see or to hear that Shellene suffers to this and to that.

Hindi ko alam pero sobrang nasasaktan ako na nahihirapan siya. She suffered enough.

And mostly, those sufferings came from me.

Pinark ko agad sa harapan ng gate nila ang kotse ko at mabilis akong lumabas. Hindi ko na inalintana na isirado pa ang pinto nito.

Mabilis akong pumasok sa gate nila at ang una kong nakita ay si Niko at August na may hawak na baby.

Gulat na gulat silang dalawa nang makita ako pero wala na akong panahon para makipagtitigan pa sa kanila.

Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay nila at pumunta sa kwarto niya.

Nang buksan ko ang kwarto niya ay nakita ko siyang nasa sahig at wala ng malay.

I can feel the adrenaline when I see her lying in the floor unconscious.

Binuhat ko siya at mabilis akong bumaba na merong pag-iingat.

Nakita ko naman sila August at Niko sa may pinto at pareho silang gulat nang makita nilang buhat ko si Shellene.

"What happened?" Tanong naman ni August.

Hindi ko na siya pinansin at mabilis akong pumunta sa labas para ipasok siya sa kotse ko.

Nararamdaman kong sumunod sila kaya hinayaan ko na sila.

Ipinasok ko si Shellene sa backseat nang dahan-dahan pero napansin ko ang umbok sa tiyan nito.

Mabilis akong pumunta sa driver seat nang biglang buksan ni Niko ang passenger seat at hinila si Lea palabas.

"Ouch, wait." Sabi ni Lea at nagpupumiglas ito.

"Hindi mo naman kaano-ano ang babaeng buntis na 'yan kaya pwede ka nang maiwan." Sabi nito.

I can't processed the words that I heard from Niko. Babaeng buntis? Si Shellene? Pinagmasdan ko si Shellene na wala pa ring malay kaya mabilis kong ini-start ang kotse.

Hindi na nakapalag si Lea nang isirado na ito ni Niko at ni-lock.

Sigurado naman ako na safe siya sa bahay nila Shellene.

Nag drive na ako papunta sa malapit na hospital.

I want to ask Niko about what he said but my brain is so occupied.

Ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay ang madala siya sa hospital.

If it is yes or not, I am more than grateful knowing that she's safe.

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon