Chapter 1

1.4K 18 0
                                    

Chapter 1

Shellene Aiven Perez

"Kamusta ang Paris, Ate?" Bungad na tanong ni Angelo sa akin.

Ngumiti ako sa kanya kahit na sobrang pagod ako galing sa byahe.

"Paris is still the same."

Ngumiti siya at tumango lang sa sinabi ko.

Angelo grew up so fast.

Makikita mo na sa katawan nito ang pag m-matured. I guess, maraming babae ang magkakandarapa sa batang 'to in the near future.

Sana lang ay hindi siya matulad sa Kuya niyang walang ibang ginawa kung hindi ang mag hanap ng babae na pwedeng umaliw sa kanya kung kailan niya gusto.

Biglang tumunog ang cellphone niya na naging dahilan para umalis ito at iwan ako.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumasok si August na may markang pagkagulat sa mukha nito.

"Wow! The Paris-girl is now here in town. How are you, sexy?" Inirapan ko lang siya dahil sa sinabi niya.

Hindi talaga kumukupas ang talent nitong si August sa pang-aasar. Sasakit ang ulo mo kapag nag sama silang dalawa ni Niko dahil 'di mo alam kung sino ba talaga sa kanila ang kinulang aruga noong bata pa sila.

"Stop with that thing. Hindi mo ko madadala sa mga papuring 'yan, August. Ano, may nabuntis ka na ba?"

Sumimangot ito pero agad din napalitan ng ngisi.

"Hindi pa naman ako nagkakamali at kung meron man sayo ko mismo unang sasabihin." Gusto kong saktan ang lalaking 'to dahil sa naging sagot niya.

Sana nga lang ay mabigyan na ng leksyon ang lalaking 'to ng pumirmi na at hindi na makapanakit ng iba.

"At sana sa puntong 'yon ay panagutan mo dahil ipapalamon ko sayo lahat ng condom na meron ka riyan sa kwarto mo." Natawa naman siya sa sinabi ko at lumapit sa akin para yakapin ako.

Maglalambing na naman 'to para hindi ako magalit o mainis sa mga sinabi niya sa akin.

"Pakisama na rin ang mga factories niyan, Ate." Tinulak ko siya ng paglalakas-lakas dahil sa sinabi niya.

Wala na talagang may mas igagago pa ang kapatid kong 'to.

"Makakahanap din ako ng babaeng magpapatino sa akin. Gusto ko 'yong mahirap nang may makinabang naman sa mga pinaghirapan ko sa kompanya. I will give her the best that she deserves." Seryoso niyang sabi at alam kong galing sa puso niya 'yon.

Minsan lang magsalita si August sa mga ganyan at alam kong 'yon talaga ang gusto niya. Gago siya sa labas na kaanyuan pero mabait si August sa kaloob-looban.

"Every woman deserves every single thing, August. There's no value that can surpassed the happiness of a woman."

Tumango naman siya sa sinabi ko at sinilid ang dalawa niyang kamay sa magkabilaang bulsa nito.

"That's why I want to taste every woman first before choosing the last one."

Akala ko talaga 'yon na, eh. Seryoso siya sa mga pinagsasabi niya. Sa isang iglap biglang naging tarantado ulit.

"Lumayas ka na nga sa harapan ko! Kapag ako hindi nakapagpigil ay sasapatusin kita!" Sigaw ko sa kanya na ikinatawa niya at dahan-dahan na itong umatras at umalis.

Sana lang ay huwag 'yong mukhang pera ang mapunta sayo, August. Dahil ako ang unang hahadlang.

---

Nagpatulong ako sa mga kasambahay na dalhin ang mga maleta papunta sa kwarto ko.

Gusto kong mahiga sa pagod.

Tinawagan ko naman si Ryne para masabihan siyang nandito na ako.

Gusto kong makita ang mga pamangkin ko dahil balita ko si Elliot ay top na naman sa klase habang si Eneru naman ay sumasali sa iba't ibang competition sa drawing at paggawa ng comics, mga sketch at painting.

He's so talented habang si Eos naman ay sumasali rin ng competition sa swimming at surfing. Masyadong biniyayaan ng mga talented na anak si Ryne.

Si Hera naman ay magaling kumanta dahil sa bata pa ito ay nag v-vocal lesson ito, ayon na rin sa kagustuhan ni Lolo.

Kamusta na kaya siya?

Naka-apat na ring pa lang ay sinagot na ni Ryne.

"Hello, Ate?" Bungad niya kaya hindi na ako nag paligoy-ligoy pa.

"I'm already here, Ryne. Just want to know if my nephews and niece are there?" Narinig ko naman ang tawa niya.

Siguro dahil sa mas inuna ko pa ang mga pamangkin ko kesa mangamusta.

"Nasa bahay sila ni Lolo. Do you want to see them? Doon daw tayo mag d-dinner lahat mamaya. I just hope Kuya August already told you about that?"

Napabuntong hininga naman ako.

Paano pa kaya masasabi sa akin ng kumag na 'yon kung puro pambabae ang nasa isip?

"He didn't even bother to tell me but thanks for informing me. Pupunta ako, I need you to be there so that we can catch up? See you in a bit."

Then I hang up.

Napangiti naman ako pero nandito pa rin ang kaba. Kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko si Lolo.

Because I know deep inside me, meron akong kasalanan. I released a deep sighed bago ako humiga sa kama ko.

I need to fix everything. I am now in legal age and I need to settle down.

Gusto ko na rin magkapamilya. I'm tired having this reputation and career. This is not what I want to do now.

Sana lang ay umayon lahat sa plano ko dahil ayokong pati sila ay mawala sa akin.

Natatakot na akong maiwan at mawalan.

Now, I will face my fears. Masaktan man ako but I think it will be all worth it.

---

Nag-ayos na ako ng sarili ko ng saktong mag 6:30, I need to be there before 7. Kailangan kong makita na agad ang mga pamangkin ko and also Harris, ang anak ni Miko.

Ang sarap lang sa pakiramdam na may nadagdag na naman na isang miyembro sa pamilya namin.

Nilagay ko sa mga paper bag ang pasalubong ko para sa kanila lalo na sa mga pamangkin ko.

Nagpatulong din ako sa paglagay ng mga 'yon sa kotse ko. Matagal-tagal ko na rin na hindi nagagamit 'to.

"Umalis na ba sila August at Angelo?" Tanong ko sa kanila.

"Kanina pa po, Miss. Hindi ka na po nila ginising dahil pagod ka raw. Ang parents niyo naman po ay papauwi pa lang galing airport at sa bahay na raw po sila ni Sir Paul didiretso."

Tumango naman ako at nagpasalamat, so in the end ako lang ang mag-isang naiwan. Nandito na naman iyong pakiramdam na ayaw na ayaw ko.

Iyong pakiramdam nang nag-iisa, ayoko nang maiwan ng mag-iisa. I hate being alone.

Gusto ko sa mga matatao na lugar kaya noong nasa Paris ako lagi akong nasa bar kahit na wala naman akong ginagawa doon kung hindi ang umupo. I just found it more soothing dahil sa mas mabuti na doon kesa sa mag-isa na naman ako.

If only I could take him back. Maybe I'm happy.

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon