Chapter 25

129 7 1
                                    

Chapter 25

Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Christopher dahil pagkatapos namin nag-usap ay pumunta ako sa banyo para ayusin ang sarili ko at isa pang dahilan doon ay nasusuka ako.

Ilang araw na akong walang maayos na kain kaya marahil ay nagrereklamo na ang tiyan ko.

Paglabas ko ng banyo ay wala si Christopher doon kaya inisip ko na lumabas ito at baka kinausap siya nila Mama at Papa.

Pagbaba ko ay wala si August doon at wala rin si Angelo. Hindi ko nakita si Mama at Papa at wala rin si Christopher sa may sala.

Tinignan ko sa kusina at ang mga katulong lang namin ang nandoon kaya mabilis akong lumabas para hanapin sila sa garden o saan mang parte ng bahay.

Nakita kong may mga usok sa may pool area kaya mabilis along pumunta doon at nakita ko si August na naka-trunks at ganoon din si Angelo na may hawak pa na isang barbecue stick.

Hinanap agad ng mata ko si Christopher at nakita kong nakikipag-usap siya kay Papa. Si Mama naman at ang mayordoma namin ang nag-iihaw.

Mabilis akong lumapit kay Christopher at napatayo naman agad si Papa.

"Mabuti naman at nandito ka na, nag-usap na kami ni Christopher tungkol sa lahat ng bagay." Bungad nito sa akin.

Tumango ako sa kanya at tumabi ako kay Christopher. Hinawakan ko ang kamay niya at binigyan ko siya ng isang ngiti.

Bumalik sa pagkakaupo si Papa at umupo na rin ako sa tabi ni Christopher. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin pero sa tingin ko ay seryoso ito lalo na't may lagnat pa si Christopher.

Hindi pa mawala sa isip ko ang mga napag-usapan namin ni Christopher at nasa akin pa rin ang konsensya sa mga nagawa ko sa kanya.

"Hindi ako tinigilan ni Niko kanina sa kaka-explain tungkol sa inyong dalawa at pilit nitong nililigtas si Christopher sa sitwasyon niyong dalawa." Sabi nito.

Nakita ko naman na napa-facepalm ito sa sinabi niya. Kahit ganoon lang ang ugali ni Niko, sobrang may point lagi ang sinasabi niya.

"Nahihiya ako sa ginawa ko kay Christopher kaya hindi na ko nakapagpigil at kinausap ko na siya." Sabi nito.

Natutuwa naman ako na nalinawagan na si Papa at nalinawagan na rin ako.

"Dahil sa mga nalaman namin, Shellene. Lalo na't nagka-anak na kayo ni Christopher. Kailangan niyo nang mag pakasal lalo na't nasa pamilya natin ang maka-tradisyonal. Isa kang babaeng Perez kaya kailangan ka namin pangalagaan." Sabi ni Papa.

Tumango ako sa sinabi niya. May plano naman kami ni Christopher at kahit ano pa man ang sitwasyon namin ngayon ay hindi ko pa rin naman siya iiwan kahit na ano pang dahilan. Oras lang ang kailangan ko sa ngayon dahil hindi ko pa naman natatanggap ang mga bagay-bagay na nalaman ko.

"Kailangan niyong mag-usap ni Christopher kung kailan ang pamamanhikan." Sabi ni Papa.

Tinignan ko si Christopher at nakatingin din ito sa akin. Itinataas-taas nito ang kilay niya sa akin na para bang wala nang nangyari kaninang umaga at bumalik na ito sa dating siya na ikinatuwa ko.

"Iwan ko muna kayo at tutulungan ko ang Mama mo. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa akin at namimiss niya na yata ang mga halik ko. Hays, sobrang daming nagkakandarapa sa mga Perez at isa ang Mama mo doon." Sabi niya sa amin at tawang-tawa pa.

Tinapik lang ni Papa ang balikat ni Christopher at tinap nito ang ulo ko saka siya pumunta kay Mama at hinalikan pa ito sa ulo.

Hindi ko maiwasan na hindi matuwa sa kung paano mahalin ni Papa si Mama. Tinignan ko si Christopher at isinandal nito ang ulo niya sa balikat ko habang nakahawak pa rin sa isa't isa ang mga kamay namin.

"You want to rest upstairs?" Tanong ko sa kanya pero hindi man lang ito umimik.

Hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang isa ko pang kamay para tignan kong mainit ba ito o bumaba na ang lagnat niya.

"Mahal?" Tawag ko sa kanya.

Nagulat naman ako nang mabilis itong nag angat ng tingin sa akin at ngumiti siya ng dahan-dahan.

Natutunaw ang puso ko sa nakikita ko sa inaakto niya ngayon. Ganitong ganito kami ni Christopher noon at hindi ko maiwasan na isipin na gusto kong balikan ang kung ano kami kasaya noon.

"Say it again." Sabi nito sa akin.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya na tila ba hindi ko naiisip ang gusto niyang ipahiwatig.

Ngumuso nguso ito sa akin kaya binigyan ko siya ng isang dampi sa lips niya at todo ngiti na ito sa akin.

"I'm thinking where and when I would propose to you. They want us to get married but then you don't have any ring in your finger or any marks that I owned you now." Sabi nito sa akin.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Kailangan pa ba 'yon?

"May anak na tayo, Mahal. Hindi pa ba 'yon enough reason para magpakasal tayo?" Sabi ko sa kanya pero umiling iling itong tumingin sa akin.

"Babae ka, Mahal ko. Nag-iisa pang babae ko, gusto kong maranasan mo ang mga bagay na kaya kong ibigay sayo at isa doon ang singsing." Sabi niya.

I feel the overwhelming joy and love in my heart. I also feel some butterflies in my stomach because of what he said.

Niyakap ko siya sa sobrang kilig ko sa mga sinasabi niya at niyakap din ako nito.

"Kung sana hindi ko itinago sayo ang totoo, sana matagal na natin naayos ang mga bagay na para sa atin." Bulong nito.

Hinalikan ko siya sa pisngi nito saka ako humiwalay sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko ang magkabilaang mukha nito at hinarap ko siya sa akin.

"You have your reasons and I believe God made us this way because that's his will. Ang importante ngayon ay hindi tayo sumuko sa isa't isa at alam kong ano man ang pagdadanaan ko ngayon ay nandiyan ka pa rin para sa akin." Sabi ko sa kanya.

Hinalikan niya ako sa noo ko at niyakap niya ako ulit.

"I can't even see myself marrying other woman that is not you."

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon