Chapter 6

1K 31 19
                                    

Chapter 6

"Hindi ko na alam kung ano pa ba ang kailangan kong sabihin sayo, Shellene. Hindi ka naman ganito." Sabi ni Papa at napaupo na ito sa sofa.

"Hindi naman talaga, Pa. Alam niyo kung paano kayo naging magulang sa akin. You don't know what it feels like kasi 'di niyo naman naranasan." Sabi ko at gusto ko sabihin sa kanila lahat ng sama ng loob na meron ako simula pa noon.

Pero kasalanan ko nga naman lahat ng 'to. The blame is on me. I'm so stupid for putting shame in this family.

"I am so sorry, Pa, Ma, August and Angelo for keeping a secrets to all of you but I am trying to fix this now." Sabi ko sa kanila at sabay nun ang pagkakaupo ko din sa sofa na nasa likuran ko.

"Kailan mo balak na hanapin ang anak mo?" Tanong ni Papa while I'm still crying.

"I'm looking for them for almost 13 years pero hindi ko pa rin sila nakikita."

Then pain hit my chest again. Walang sawang sakit na ipinaparamdam sa akin ng tadhana.

"It's now or never. Nandito na ito kaya kailangan na nating panindigan. We will find your child but before that, talk to your grandfather. Sana lang ay maintindihan ka niya." Tumango na lang ako kay Papa saka ako yumuko.

Naramdaman ko naman ang paglapit ni Mama sa akin at niyakap ako.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo."

Then new tears are starting to flow like a river again.

"Hello, Tristan. This is John Perez." Rinig kong salita ni Papa kaya kaming lahat ay napatingin sa kanya.

"I need you to find Christopher Vios. I need it now!" Saka siya tumingin sa amin sa blanko na expression.

Alam kong galit pa din siya at wala na akong magagawa doon. Ang importante sa akin ngayon ay ang mahanap ang anak ko.

"Kailangan mo ng makausap ang Lolo mo ngayon, Shellene. Kapag naintindihan ka niya. He might help you to find your child. Mas malakas ang connection ng Lolo mo kesa sa Papa mo."

Napatango naman ako. She's right pero paano kung hindi niya ako maintindihan? Paano kung magalit siya? Anong gagawin ko?

"Bilang ina. Alam ko ang nararamdaman mo dahil ina rin ako at naiintindihan ko ang dahilan mo. We put so much pressure on your shoulders but we want the best for you kaya namin nagawa 'yon."

Sumingit naman ako bigla.

"Inshort, all you need is perfection, Ma."

Hinawakan niya ako sa magkabila kong kamay habang umiiyak sa harapan ko. Wala na yatang may isasakit pa na makita mo ang nanay mong umiiyak ng dahil sayo.

"Ginawa namin 'yon para sayo at para sa inyo. Gusto namin na mapabuti ang buhay niyo."

I wiped my tears before I turned my gaze to her.

"I admit that it was all my fault. Kung nag-isip lang sana ako ng maayos. Sana hindi mangyayari 'to pero hindi ako nagsisi, Ma. Ganoon pala 'yon? Ang sarap sa pakiramdam na may buhay na nakatira sa tiyan mo? The feeling of euphoria is beyond perfect, Ma. Wala ng mas isasaya pa sa araw na nalaman kong buntis ako and the journey that I have with my child pero mas wala ng isasakit pa nung nawala siya sa akin, para akong pinagkaitan na mabuhay."

For how many years. Nasabi ko na din ang mga salitang matagal ko ng kinikimkim.

"Mahahanap natin siya, mahahanap natin ang anak mo. Kung talikuran ka man ng buong mundo, ako ang tatayo para sayo. Always remember that." Napaiyak naman ako sa sinabi ni Mama.

Those words are enough to assure me that I have them sa paghahanap sa anak ko.

"Thank you, Ma."

At niyakap niya ako ulit. This day are full of revelations, pain and tears but still it will end up in a good way with love.

---

Nasa harap na ako ngayon ng mansion ni Lolo. I need to talk to him. Kung hindi ko man sila nahanap ng ilang taon, mas mahihirapan rin si Papa. Kailangan ko ng humingi ng tulong kay Lolo, desperada na ako para sa anak ko.

Naglakad na ako papunta sa study room niya. Bawat hakbang ko ay kasabay ng malakas na kabog ng puso ko.

Huminga ako ng malalim bago ako kumatok sa may pinto.

"Come in."

Hinawakan ko na ang door knob pero nanginginig pa din ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Dahan-dahan kong pinihit 'yon kasabay ng dahang-dahang paghakbang ng mga paa ko.

Bumungad sa akin si Lolo na nakaupo sa sofa na naroroon.

Para na akong matatae sa sobrang kaba ko pero wala ng atrasan 'to. I badly want to tell him the truth.

"Sit down." Malamig nitong sabi na ikinataas ng mga balahibo ko.

Umupo ako sa isang single sofa na nasa harapan niya.

I need to remain my calm posture. I need to breathe before talking.

Inhale. Exhale.

"Lo." Tawag ko sa kanya pero mariin lang itong nakatingin sa akin kaya mas kinabahan pa ako.

If he will slap me. Tatanggapin ko para sa anak ko. Once and for all may kasalanan din naman talaga ako dito.

"Diretsuhin mo na ko, Shellene."

Huminga ako ng malalim bago ko sinalubong ang mga titig niya.

"I need you to help me." Matapang kong sabi pero wala man lang akong nakitang pagbabago sa expression niya.

"In what way?" Tanong niya kaya inayos ko naman ang pagkakaupo ko bago ako nagsalita.

"To find my child."

Akala ko magugulat siya sa sinabi ko pero blanko lang itong nakatingin sa akin.

"Then? What do you want me to do?" Sagot niya kaya nagtaka naman ako.

Hindi niya ba ako sisigawan? Papagalitan like what Papa did earlier?

Hindi niya ba ako tatanungin kung bakit may anak na ako?

"Hindi niyo po ba ako tatanungin kung bakit may anak na ako?" Nagtataka kong tanong sa kanya and I saw the unforeseeable expression.

He smiled. I can see hint of happiness in his eyes.

"Why would I asked for it if I already knew about it?" Tanong niya na ikinagulantang ko.

How did he know about it? Sunod-sunod na bumuhos ang luha sa mata ko para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni Lolo.

Akala ko kailangan ko pang ipaliwanag sa kanya at makatanggap ng mga masasakit na salita.

"H-how?" Hindi ko maipaliwanag na tanong.

"Lolo mo ko, Shellene. You can't keep secrets to me. Bago pa man malaman ng ibang tao, ako na ang nakakaunang nakaalam. Because that's my responsibility and obligation as your Lolo."

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon