Chapter 28

130 9 2
                                    

Chapter 28

Tinanaw ko sa balcony ng kwarto ko ang pag-alis ni Christopher dito sa bahay. Gustong-gusto ko siyang pigilan at magmakaawa sa kanya na huwag akong iwan pero kung mananatili siya dito at pag-uusapan namin ang tungkol sa kaibigan niya ay mag-aaway lang kami lagi.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay na meron ako ngayon kaya gusto ko na lang na magpahinga.

---

Nagising ako dahil sa katok sa pintuan ng kwarto ko, dahan-dahan akong bumaba sa kwarto ko at binuksan ang pintuan na walang hinto sa pagkalabog.

Nang binuksan ko ito ay nakangiting mukha ni Niko ang nakita ko.

"Umagang-umaga 'yong mukha mo mukhang pang gabi, stress na stress ka ba, sis?" Sabi nito sa akin.

Naihilamos ko na lang ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Gustong-gusto ko na talagang suntukin ang mukha ng lalaking 'to, sobrang agang mambulabog.

"What do you need?" Tanong ko sa kanya.

Pumasok ito dire-diretso sa kwarto ko at umupo pa sa kama ko.

"Alam ko naman na may nangyari na sa inyong dalawa ni Christopher at dahil may anak na kayo, ako na lang ang nag-iisang virgin sa pamilya." Sabi nito.

Hindi naman ako na offend sa sinabi niya pero hindi ko na naman alam ano ang pinupunto ng mokong na ito.

"Alam na namin 'yan, Niko. Pati buong Barangay natin at namin ay may alam na virgin ka pa." Sabi ko sa kanya.

Ngiting-ngiti naman siya sa sinabi ko at humiga sa kama ko.

"Hindi mo ba naiisip na ilang buwan kang tumira sa kanya at may nangyari sa inyo kaya hindi mo ba iniisip na baka buntis ka ulit?" Sabi niya.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Kahit minsan ay hindi pumasok sa isip ko na maaring mag bunga muli ang mga ginawa namin.

Tinignan ko si Niko at nakangiti lang ito sa akin.

"So take care of yourself." Sabi nito.

Hindi ko alam ang sasabihin ko at ang gagawin ko. Paano nga kung totoo ang sinasabi ni Niko?

Bakit naman nagkakasabay sa akin ang mga ganitong rebelasyon?

"I think I need to see a doctor." Sabi ko sa kanya.

Tumayo ito sa pagkakahiga at umupo. May inilabas siyang sobre at binigay sa akin.

"I'm always ready, sis. Go and test yourself." Sabi nito at binigay sa akin ang sobre.

Binuksan ko 'to at may laman itong tatlong test kit.

"Just to make sure, use the three of them." Sabi nito.

Hindi na ko na kapag salita pa at pumunta na ako sa banyo para malaman ang kasagutan sa mga katanungan ko.

Ginawa ko na ang proseso at hinintay ko na lang ang magiging kalabasan.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa tatlong test kits na nasa harapan ko.

May kumakatok na sa pintuan ng banyo ko at alam kong si Niko 'yon.

Tinignan ko ang tatlong test kits at parehong dalawang linya ang meron sa bawat isa no'n.

Hawak-hawak ko silang tatlo ay binuksan ko ang pintuan ng banyo at pinakita ko kay Niko and resulta.

Nanlaki ang mata nito at mabilis na kinuha ang cellphone niya sa bulsa nito.

May tinatawagan siya at palakad-lakad siya sa kwarto ko habang hawak ang cellphone niya sa tenga nito.

"Miko, you won't believe it but you need to believe it because it is the truth. Shellene is now pregnant. I guess, 2 months or something." Rinig kong sabi niya.

Nailing-iling na lang ako sa sinabi niya kahit kailan talaga itong si Niko. Nilagay ko ang mga test kits sa isang maliit na box para maging ebidensya.

Tinignan ko si Niko at iba na naman kausap nito.

"Lio, you need to go here because we need to celebrate for our new coming member of the family." Sabi nito.

Balak pa yata nito na mag p-party sa hindi niya bahay.

Sobrang dami na niyang iniimbita na pumunta dito. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ko ang cellphone number ni Christopher.

Kailangan niyang malaman ang totoo at kahit na may hindi kami pagkakaintindihan, siya pa rin ang ama ng mga anak ko.

Tinawagan ko na siya at ilang ring pa lang ay sumagot na ito. Pumunta ako sa balcony ng kwarto ko at nakikita ko na ang mga kotse ng mga pinsan kong naka-park sa labas.

"Hello. Christopher's still not available because he is in the shower." Sabi ng boses babae.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang mapagtanto kung kaninong boses ang nagmamay-ari nito.

"Okay. Just tell him that I called." Sabi ko at pinatay ko na rin agad.

Hindi pa yata ito ang tamang oras para malaman niya ang magandang balita o maganda ba 'yon para sa kanya.

Kasama niya na si Lea at nasisigurado akong hindi niya ako paniniwalaan sa lahat ng sasabihin ko dahil meron ang babaeng 'yon.

Bakit ba meron na naman siya dito? Bakit ba kung kailan hindi siya kasali sa mga sitwasyon ay nandiyan siya? Hindi ko pa siya pwedeng kausapin hangga't wala akong ebidensya na may ginawa talaga siya para mawala ang anak ko.

"Shellene, everyone is in the pool area right now and we are going to celebrate." Sabi nito.

Napangiti na lang ako kahit papaano dahil meron sila para samahan at damayan ako.

Kailangan ko rin pa lang kausapin sila Mama at Papa para sa updates nang mga nangyayari sa contest na sinalihan ni Angelo.

Nagbihis na ako ng isang dress. Ngayon na meron na akong dinadala, kailangan kong mas ingatan pa ang sarili ko dahil ayoko nang maulit pa ulit ang nangyari sa una kong anak.

Hanggang ngayon ay hindi pa sinasabi sa akin ni Christopher ang totoong kinalalagyan ng anak ko, kung saan niya ito nilibing.

Bumaba na ako at puro nakangiting mukha ng mga pinsan at mga Tita and Tito ko ang sumalubong sa akin. Mas natuwa pa ako nang makita ko si Lolo na nandoon.

Nagulat pa ako na may itinaas si Lio at Max na isang banner at nakalagay doon ang mga katagang nagpaiyak sa akin lalo.

"Welcome to our Shellene Number 3! You are always welcome to our family! Can't wait to see you! Perez will love you."

Kung sana naranasan din ito ni Christian, kung sana naranasan niya rin kung paano mahalin ng mga kadugo niyang Perez.

---

-JustForeenJeo

Tears In HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon