"Dennise, standby ka na a, ikaw na ang susunod na sasalang" sabi sakin ng isang staff.
Nagmamadali naman ang mga makeup artist ko sa pagreretouch sakin. Maya maya ay tinawag na ko.
Nandito kami sa subic para sa commercial ng isa sa ineendorse ko. Sakto naman na may gaganapin na drag racing at kasama ang iniendorse ko sa sponsor.
Sumalang na ko sa ilalim ng camera. Nakailang take din kami bago natapos.
"good job everyone!" sabi ng director samin. 'good job dennise"
"thank you direk" nakangiting sabi ko dito. Nagpasalamat din ako sa mga staff na nagpakahirap para sa commercial na yun.
Sumakay na ko ng Van ko at nagpahinga.
"hindi ka ba manunuod ng race den?" tanong sakin ng manager/ driver ko na si ate Cris.
"what time ba yun?' tanong ko dito pero nakapikit pa din ako.
"magsisimula na ata, nandun sila direk kasi libre tayo ng ticket."
"okay, magbibihis lang ako" sabi ko dito. Pumunta ako sa likod ng van ko ang naghanap ng tshirt. Hindi talaga ako komportable sa blouse na suot ko. Sanay na din naman ang manager ko sakin.
Tinali ko ang buhok ko at nagsuot ng cap at shades. Lumabas na kami ng sasakyan. Nakita nga namin sila direk dun.
Nakarinig ako ng papadating na mga sasakyan.
'may team ba ang Pilipinas dito?" sigaw ko sa manager ko.
"alam ko meron" sagot nito.
Tumingin nalang ako sa race track. Dumaan na sa harap namin ang mga sasakyan na nagbibilisan ang takbo. Maya maya ay nagsigawan ang katabi ko tapos nakita ko sa score board na flag ng Pilipinas, ito ang nagtop sa race na yun.
"shall we go?" tanong ko sa kasama ko. Tumango naman ito. May appointment pa kasi kami. Ngayong araw din kasi ang pagpasok ko ng college at kailangan daw ako makausap ng director.
Habang nasa byahe ay nagbukas ako ng phone. Nagtrending yun pagkapanalo ng Pilipinas sa twitter. Nagscroll lang ako ng nagscroll hanggan may nakita akong notif ko. Pagbukas ko ay yun picture ko kanina yun habang nanunuod. May caption pa na. Ms. Lazaro? wow, so near yet so far. Napangiti naman ako. Maraming ng retweet nun at favorite.
"may nakasched pa ba pagkatapos nun sa ateneo?" tanong ko sa kasama ko.
"yup, kakausapin tayo nun may- ari ng Wedding Paradise"
"diba nakausap mo na sila dati? at nasabi ko na yun kundisyon ko"
"oo nga pero may lilinawin ata"
"i'll pass"
BINABASA MO ANG
If Only They Know (AlyDen)
Fanfiction"promise, magkikita ulet tayo" yan ang sabi ng prince charming ni dennise nun 6 years old pa lang sya. Pano kung malaman nya na ang nakilala nya palang prince charming noong bata sya ay isa na ngayong babae at maraming nagkakagusto, mapalalaki man...